Chapter: Chapter 13HINDI ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko nang makasakay na ako ng taxi. Awang-awa ako sa sarili ko.Pakiramdam ko, hindi lang ako basta isang outcast. Para akong pugante na tumakas sa kulungan.Tama. Matagal ko nang gustong tumakas. But I never imagined myself in this kind of predicament.Kahit minalas ako sa pamilya, puno pa rin ako ng mga pangarap sa buhay. Kaya nga nagsipag at nagsikap ako. Halos gawin ko nang araw ang gabi.I always dreamed of not just being a free soul but a happy and positive person.Gustong-gusto ko nang mabago ang kapalarang meron ako. Pero sa uri ng sitwasyon ko ngayon, para nang nasa hukay ang isa kong paa.If only someone would come along to save me, then I will be forever grateful. Gagawin ko ang lahat para pasalamatan ang taong ito.''Miss, nandito na tayo.''Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na halos napansin ang oras. Nang tingnan ko ang suot kong relo, lagpas ala una na.Nang makabayad na ako ng pamasahe, bumaba na ako. Hinintay kong makaalis
Last Updated: 2025-08-06
Chapter: Chapter 12WALA akong ibang dalang gamit maliban sa handbag ko. Ito lang ang nabitbit ko nang dalhin kami kanina sa presinto.Alam kong hindi na ako makakauwi sa amin. Ayokong sumugal dahil alam na alam ko ang ugali ng pamilya ko. Baka kapag pumasok ako ng bahay ay hindi na ako lalabas nang buhay.Nangako naman si Emie na tutulong para makuha ang mga gamit ko. Ang inaalala ko lang ay si Papa. Siguradong hinahanap na ako nito.Mula sa pinagkukublihan ko sa likuran ng nakaparadang cargo truck ay muli akong napasilip. Iilan na lang ang naglalakad sa kalsada dahil hatinggabi na.Nasa kasunod akong barangay. Maliit lang ang lugar namin. Madali akong matutunton doon ng Papa ko. Marami itong kaibigan na kapreho rin nito ang ugali na walang kahit kaunting pagpapahalaga sa buhay ng iba.''Bakit ang tagal niya?'' sambit ko sa sarili ko habang iginagala ko ang mga mata ko sa paligid.Alam naman ni Emie kung nasaan ako. Ito ang nagdala sa akin sa lugar na iyon. Pero halos mag-aapat na oras na ang lumipas. S
Last Updated: 2025-08-06
Chapter: Chapter 11''SIR, nandito na tayo.''Nagising mula sa pagkakahimbing si Josh dahil sa pagtawag at mahihinang yugyog ni Kino sa kanyang balikat. Medyo malayo rin ang naging biyahe kaya natulog muna siya. ''Uhm.''''Nandito na tayo,'' pag-uulit nito.''Okay. Thanks.'' Bumaba na siya ng kotse. ''By the way...'' Binalingan niya ang kaibigan, ''Find out those bastards that stole my car's parts at pananagutin mo sila sa batas. It's not a cheap one. At bago lang iyon.''''Yes, sir. But most likely, pasaway na mga homeless lang o kilala nang mga kawatan sa lugar ang gagawa niyon.''''Kahit sino pa sila, they have to pay for what they did. And don't accept any excuses lalo na't baka idaan ka sa paawa-effect.""Yes, sir.""Alam nilang may batas, pero gumagawa pa rin sila nang hindi tama.'' Nakita niya na napakamot sa ulo si Kino. ''What?''''Sir, hindi rin tama ang pinaghimpilan mo sa sasakyan. It's not a parking area, not a shoulder lane or emergency lane. So, partly ay may kasalanan din kayo.''Tumalim
Last Updated: 2025-08-06
Chapter: Chapter 10''SIR? Sir?''Namimigat pa ang mga mata ni Josh. Gusto niya pa sanang ipikit iyon nang matagal, pero paulit-ulit ang tinig na tumatawag sa kanya.''Sir, gising na.''Naiirita pa siya sa pagyugyog nito sa kanyang balikat. ''Ugh...''''Sir, inabutan ka na naman dito ng gabi. Hinahanap ka na ng lolo mo.''''Five minutes, please.''''Nakailang tawag na si Chairman. Kapag hindi ka pa raw umuwi ay ipapasunog na niya ang bahay na ito.''Napilitan nang magmulat at bumangon si Josh. Napasapo siya sa nananakit na ulo.''Marami ka po yatang nainom kagabi. Halos buong maghapon kang tulog.''''Anong oras na?''''Past ten na po, sir.''''Kino...''''Yes, sir?''''Kailan mo ba ako tatawagin sa pangalan ko?''Magkababata at magkaibigan sila ni Kino. Anak ito ng family driver nila na matagal nang naninilbihan sa kanyang pamilya.''Joshua, tumayo ka na riyan!''''That's it. Mas magandang pakinggan ang ganyan.''''Pero sabi ng lolo mo -''''Forget about that old fox. Wala siya rito. So, no need to follo
Last Updated: 2025-08-05
Chapter: Chapter 9NAPANGIWI ako nang dampian ng daliri ni Emie ang bumukang sugat ko sa gilid ng labi ko.''Masakit ba?''''Parang gusto ko lang pumatay ng mga walang utang na loob,'' wika ko habang matalim na nakatingin sa mga kapatid ko na nakaalalay sa mga asawa nila.Dinala kami sa presinto. Ilang beses na roong labas-pasok si Emie kaya parang feel at home na feel at home na ito. Ako, first time ko.Iniiwasan kong magkaroon ng anumang civil or criminal record dahil malaki ang magiging epekto niyon sa trabaho ko lalo na ngayon na kailangan kong maghanap ng panibagong mapapasukan.''Ikulong niyo sila!'' wika ni Neri na sinabayan pa ng iyak at pagngiwi ang pagturo nito sa kinauupuan namin ni Emie.''Dapat habangbuhay ang ipataw sa kanilang parusa!'' segunda ni Liza.''Ang OA, ha!'' asik ni Emie. ''Mukhang ang alam niyo lang talaga ay maghintay sa pagdating ng grasya at mangapitbahay para makipagtsismisan. May batas tayo rito. Huwag kayong advance mag-isip!''Pasimple kong kinalabit si Emie, pero wala
Last Updated: 2025-08-05
Chapter: Chapter 8''TINURUAN mo siyang bastusin ako, 'no?''''Bakit ko naman siya kailangang turuan pa? May sarili naman siyang isip. She is smarter than you.''''Huh! Magkaibigan nga kayo. Parehong bastos ang bunganga niyo.''Tumalikod na ako. Ayokong patulan si Liza lalo na't maraming tao sa paligid. Hindi na rin naman ito sumunod nang pumasok ako ng bahay.Inabutan ko sa sala na nakahilata ang dalawa kong nakababatang kapatid na lalaki. Bagsak ang mga ito sa kalasingan dahil amoy na amoy ang alak sa paligid.Pinagbubuksan ko muna ang mga bintana upang makapasok ang hangin. Makalat sa loob. Walang pagbabago. Iyon at iyon ang araw-araw kong nadadatnan.Naiinis kong nilagpasan ang tambak ng mga hugasin sa mesa at lababo. Deretso na akong pumunta sa silid ko.Pero bigla akong napahinto sa bukana ng pinto nang abutan ko si Neri na nakahiga sa kama ko habang abala ito sa hawak nitong cellphone.''Anong ginagawa mo rito?''''Busy ako kaya huwag mo akong istorbohin.''''Puwes, lumabas ka dahil hindi ka welc
Last Updated: 2025-08-05
Chapter: Book 2: Chapter 30"MAGPAHINGA na po muna kayo rito habang hinihintay natin ang resulta ng mga ginawang test.""Salamat po, doc."Ngumiti lang si Jade kay Amira bilang tugon. At matapos tingnan ang heart monitor, lumabas na rin ito."Lola, nakikilala mo po ba siya?"Malungkot na tumango si Lola Tasing. "Siya nga.""Ang alin?""Ang greatest love ng Kuya Miko mo.""Talaga po?"Tumango ulit si Lola Tasing. "Ano kaya ang naramdaman nila nang muli silang magkita pagkatapos nilang magkalayo sa loob ng mahabang panahon?""Malungkot ang mga mata nila, pero punong-puno pa rin ng pagmamahal."Tinangala nito ang apo na nakaupo sa gilid ng higaan. "Nakita mo 'yon?""Crystal and clear. At naramdaman ko ang kanilang pangungulila. Para ngang nang mga oras na iyon, gustong-gusto na nilang yakapin ang isa't isa.""Mukhang ikaw ang magmamana ng kakayahan ko sa matchmaking."Binalewala niya ang sinabi ng abuwela. She is more interested in hearing their story. "Bakit nga po ba sila naghiwalay?""Mahabang kuwento."Napasuly
Last Updated: 2025-08-06
Chapter: Book 2: Chapter 29"MAY sakit ka ba?""Wala po.""Wala rin akong sakit.""Alam ko po.""Pero bakit nandito tayo?"Hila-hila ni Amira sa kamay ang abuwela habang papasok sila sa ospital. "Dahil po nandito ang isa rin sa mamahalin mong apo.""Ang alam ko, nakalabas na noong isang araw pa sina Yeonna.""Opo.""Naka-duty ba rito ang Kuya Miko mo?""Hindi po. Pero iyon ang magiging misyon natin.""Bakit? Nagsara na ba ang clinic niya? Wala na ba siyang trabaho?""Lola, maayos na kami ni Hardhie kaya kailangan mo nang mag-ship sa ibang loveteam.""No, thanks. Puwede ko pang pagtiyagaan ang lolo mo.""Hindi po kayo ni Lolo!""Sino?"Hindi na nakasagot si Amira nang tumapat na sila sa information area. "Hi. Puwede po bang magtanong?""Ano 'yon?""Naka-duty ba ngayon si Dra. Jade Fortaleza?""Parating na 'yon. May appointment ba kayo sa kanya?""Magpapa-appointment pa lang.""Pumunta na lang kayo sa admission area.""Ah, okay. Salamat."Hindi binibitiwan ni Amira si Lola Tasing dahil baka tumanggi ito sa plano n
Last Updated: 2025-08-05
Chapter: Book 2: Chapter 28''SAAN ba tayo pupunta?''''Basta sumama lang po kayo.''''Kailangan ako ng lolo mo rito.''''Wala po siya ngayon sa bahay. Nasa sabungan.''''Ano?'' asik ni Lola Tasing. ''Kaya pala kanina ko pa siya hindi nakikita! Sinabihan ko siya na huwag aalis, ah?''''Lola, hayaan niyo na pong mag-enjoy si Lolo. Matanda na siya kaya kailangan din niya ng ibang mapaglilibangan.''''Bakit nagsasawa na ba siya sa akin?''''Malapit na kung araw-araw niyo siyang laging bubungangaan at pagbabawalan sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Sige na po...'' Pinagbuksan niya ng pinto ng kotse si Lola Tasing, ''Pasok na po.''''Ayoko nga talagang umalis ng bahay ngayong araw. Gusto ko na muna na magpahinga.''''Sige na, Lola. Exciting ang gagawin natin.''''Teka. Hindi ka naman maghihiganti sa pagdala ko sa iyo sa sementeryo, 'di ba?''''Hindi ko po iyon gagawin sa inyo kahit ginawa niyo iyon kay SUV.''Puwersahan na niyang pinasakay sa kotse niya ang abuwela kahit panay reklamo nito.''Alam mo bang puri
Last Updated: 2025-08-05
Chapter: Book 2: Chapter 27NAKANGANGA ang lahat at hindi halos makapaniwala nang matapos ilahad ni Lola Tasing ang kasaysayan sa likod ng pangalan na SUV sa kasisilang lang na anak nina Khal at Yeonna."Lola, hindi tamang gantihan mo ang bata."Inirapan lang ni Lola Tasing si Khal. "Mas masama ang manlait ng isang bagay na mahalaga sa akin. Hindi ninyo alam ang mga pinagdaanan namin ng lolo niyo sa pagbili ng SUV na iyon. Dugo at pawis ang ipinuhunan namin doon!""Lola..." Ginagap ni Amira ang kamay ng nagtatampong abuwela, "Nagbibiro lang naman po kami. Gusto lang sana noming i-relax sa pagda-drive.""Hindi ako na-relax!""Hon," pagtawag ni Yeonna sa asawa. "Naisip ko na may benefits din naman sa anak natin ang pagkakaroon ng maikling pangalan lalo na kapag nag-aral na siya.""Tama," sang-ayon ni Hardhie. "At unique ang SUV.""And whoever love your son will be very proud of," singit ni Miko. "Sasabihin lang nilang 'May SUV ako!' Surely, no one will bully them."Nagkatawanan ang lahat. Dahan-dahan nang naglaho
Last Updated: 2025-08-05
Chapter: Book 2: Chapter 26"J-JADE?""Oh, hi.""It's really you," wika ni Miko na hindi makapaniwala sa presensiya ng babae."Yes. And it was really you, too.""Mukhang pareho nating hindi inaasahan na magkikita pa tayo.""No," salungat ni Jade sa sinabi ni Miko. "I have waited for this day to come."Napakunot-noo ito. "Why?""Why?" Natawa nang mapakla si Jade. "Gosh! That hurts me. As if we parted in an extravagant way. Bigla ka na lang nawala. Alam mo ba 'yon?""I have my reasons.""And I don't care about it. Now that I have seen you after a very long years, masasabi ko na sa 'yo nang harapan na okay na ako at nakapag-move on na rin ako. Akala mo siguro ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon dahil alam mo kung gaano kalalim ang naging pagmamahal ko sa 'yo noon. You're wrong. Masaya na ako.""Good for you.""Shame on me." Napangisi ulit ito at saka napailing. "After years of misery, that's the only thing you can say? Good for me? Wow! You're such a jerk!""I'm sorry.""And another 'trashy' words. Do you think
Last Updated: 2025-08-04
Chapter: Book 2: Chapter 25"DOC, please iligtas niyo po siya. Hindi pa ako handang mawala siya.""Huminahon ka lang. Titingnan ko muna siya para malaman natin kung kritikal ba ang kanyang lagay.""Kapag namatay siya, hindi na ako mag-aasawa pa.""Boyfriend mo ba siya?"Hindi malaman ni Amira kung iiling o tatango lalo na't nakatingin sa kanya si Hardhie. They don't have any formal dating."Susuriin ko muna siya." Binalingan nito ang nakahigang pasyente. "Ano bang nangyari sa 'yo?""Nakagat siya ng ahas!" tugon ni Amira na hindi na hinintay ang pagsagot ni Hardhie. "Please, bilisan niyo na po ang paggamot sa kanya!""Ako nang bahala sa kanya. Rest assured na hindi siya mapapahamak. Kaya kalma ka lang. Walang mangyayaring masama sa kanya."Inililis nito paitaas ang ibabang laylayan ng pantalon. Sinuri nito ang nakita na sugat at namumula na bahagi sa paa ni Hardhie. "I see. Nakagat nga siya."Pumalahaw ng iyak si Amira. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ng binata. "Huwag ka munang mamatay! Promise, I'll d
Last Updated: 2025-08-04
Chapter: Finale"NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
Last Updated: 2024-12-04
Chapter: Chapter 128"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 127"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 126MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 125"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 124"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C
Last Updated: 2024-12-03