PO2 Yeonna Agravante endangered her upcoming promotion when she mistakenly arrested CEO Khal Dee and accused him of s*xual assault. Para hindi ituloy ang kaso na magtatanggal sa kanyang tsapa, pumayag siyang maging personal bodyguard ng binata. And she has 100 days to stay close with the most arrogant man in order to save her career.
view more"ATE?"
"Nasa trabaho ako." Hininaan ni Yeonna ang boses dahil may ilang costumer sa loob ng convenience store. Part-timer siya roon bilang isang working student. At graveyard shift siya tuwing weekend. Full-time scholar kasi siya kaya mahirap humagilap ng oras upang maisingit niya anumang puwede niyang pagkakitaan, "Bakit napatawag ka?" "Nami-miss lang kita." Sandaling natahimik si Yeonna. Para kasing may mali sa tinig ng kanyang kapatid. "Okay ka lang ba riyan?" "Hhmm," maiksing tugon ni Yessa. "Hayaan mo. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, bibisitahin kita riyan. Sa ngayon kasi sobrang busy talaga ako sa trabaho at pag-aaral." "Okay lang, ate. Gusto ko lang talagang marinig ang boses mo." "Kumusta ang pag-aaral mo?" "Hhmmm," maikli uli nitong tugon. "Isang taon na lang ga-graduate na ako. Kapag nakahanap na ako ng maayos na trabaho at kumikita na ako ng malaki ay puwede na kitang kunin." Mula nang maulila sila sa magulang, ilan sa mga kamag-anak nila ang kumupkop sa kanila ni Yessa. Pero dahil sa hirap ng buhay at mataas niyang pangarap para sa kapatid, lumuwas siya ng Maynila at nakipagsapalaran dito. Nakakuha naman siya ng scholarship sa gobyerno. Pinursige niya ang pag-aaral at nagtatrabaho rin siya kapag mayroon siyang panahon at pagkakataon. Halos ginagawa niyang araw ang gabi. Lahat nang pagsisikap niya ay para sa kapatid. Ito ang kanyang inspirasyon at lakas. Kaya hindi siya puwedeng sumuko. "Ate, puwede mo ba akong bigyan ng kahit limang minuto?" "Limang minuto?" Napakunot siya ng noo, "Para saan?" "Para makausap ka." Sinenyasan ni Yeonna ang kasamahan sa trabaho na palitan muna siya sa counter. Saka siya lumabas ng tindahan. "Yessa, may problema ka ba? Sinabi ko sa 'yo na ayokong naglilihim ka sa akin." "Ate, hindi ko na kaya..." Kinabahan si Yeonna nang marinig niya sa kabilang linya ang pagpipigil ng iyak ng kapatid. Yessa is a jolly person. Kahit noong mga bata sila, kapag nasusugatan ito o inaaway ng mga kalaro, she never cry nor complain at all. Masayahin ito to the point na nasasabihan na ngang sira ang ulo nito. "Gusto mo na bang huminto sa pag-aaral? Sabihin mo sa akin. Alam mo na maiintindihan kita. At alam mo rin na ibibigay ko anumang mga desisyon mo na makapagpapasaya sa 'yo." "Alam ko, ate. Kaya nga ikaw ang pinakapaborito kong tao sa buong mundo." "Yessa- " "Ang totoo, gustong-gusto ko na makita kang maging isang lawyer." "Isang taon na lang. Kunting-kunti na lang at malapit na tayo sa finish line." "Pagod na ako, ate." "Saan ka napapagod? Ikaw ba ang pinapagawa ng mga gawaing-bahay riyan? Hayaan mo at kakausapin ko si Tito." "Ate, huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan." "Yessa, hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasasabi mo?" "Ate, sorry dahil naging failure ako sa buhay mo." "Tama na nga. Ayoko nang mga ganyan na drama. Kung gusto mong mag-shift ng course, okay lang sa akin. Magsabi ka lang. Huwag mo nang pinapahirapan ang sarili mo." "Alam kong mataas ang pangarap mo sa akin. Pero hindi ko na talaga kasi kaya." "Sige na. Mag-usap na lang tayo mamaya kapag out na ako sa trabaho." "Hindi pa tapos ang limang minuto, ate." "Yessa, huwag mo nga akong tinatakot. Ano bang problema mo? Sabihin mo sa akin." "Ayoko lang hilahin ka pababa dahil naging failure ako." "Wala akong pakialam!" Napasigaw siya kaya nakuha niya ang atensiyon ng ilan sa mga dumaraan. "Yessa..." Hininaan uli niya ang boses at pinakalma, "makinig ka. Kahit kailan ay hindi ko iisipin iyang mga sinasabi mo. If maging failure ka, nandito pa rin ako. Tutulungan kita na makatayo't makabangon uli." "Ate!" Dumagdag ang takot na nararamdaman ni Yeonna nang malakas na humagulhol ang kapatid. "Yessa, anong nangyari sa 'yo?" "Sorry, ate. Alam kong pangarap natin ang maka-travel sa buong mundo, pero mauuna na ako sa biyahe. Hihintayin na lang kita sa dulo." "Yessa, anong pinagsasasabi mo!" Wala na siyang pakialam kung magtinginan man sa kanya lahat ng tao sa paligid. "Sabihin mo sa akin! Anong problema mo? Anong nangyayari sa 'yo?" "Ate, salamat sa limang minuto..." Hindi maipaliwanag ni Yeonna ang dahilan ng pagpatak ng kanyang mga luha. Pakiramdam niya ay iyon na ang huling araw na maririnig niya ang tinig ng kapatid. "Salamat sa lahat. Salamat dahil ikaw ang naging ate ko." "Yess- " Hindi na niya natapos ang pagbanggit sa pangalan ng kapatid nang makarinig siya ng malakas na kalabog sa kabilang linya na nasundan ng malakas na sigawan at pagkaputol ng kanyang tawag."DOC, may bisita po kayo sa loob."Napatingin si Jade sa direksiyon ng opisina niya na nagpakunot sa kanya ng noo dahil sa halos pabulong na pagkakasabi ng nurse sa kanya. "Sino raw?""Dati niyo pong pasyente, pero wala naman siyang appointment schedule ngayong araw. Gusto kang makausap. Nangugulit kaya pinapasok na namin.""Sige. Salamat."Sandali muna siyang nakipagtitigan sa seradura ng pinto bago iyon pinihit. Napatingin sa kanya ang bisitang naghihintay sa harap ng kanyang office table."What brings you here?""Iba yata ang lamig ng boses mo ngayon, doc."Dumiretso si Jade sa upuan. "Normal lang 'yon sa ganitong nakakapagod na propesyon, Miss Santuario.""Pumunta ako rito para muling magpasalamat sa mga advice na ibinigay mo sa akin. Lahat ng mga sinabi mo, sinunod ko. I have no regrets. Mayroon kasi iyong naidulot na magandang resulta.""Good to hear that. And good for you.""Miko and I are planning to get married."Napakuyom ng kamao si Jade na hindi naman nakalagpas sa paningi
GUMAMIT na nang puwersa si Miko nang hindi niya mahanap ang susi ng kanyang sariling kuwarto. Wala ring ibang tao sa bahay para sana mapagtanungan niya niyon.Para bang lahat ay umiiwas sa kanya. Napansin na nga niya iyon kanina sa matanda nilang katulong."Arghh!" daing ni Miko sa unang pagbangga ng tagiliran niya sa nakasarang pinto.Pero hindi siya sumuko. He has to open it at all costs.Makailang ulit niyang ginawa iyon bago tuluyang nabuksan ang pinto. Napatakip siya sa ilong nang sumalubong sa kanya ang malakas na amoy. Pero agad naman niyang natukoy ang pinanggalingan niyon.Humakbang siya papasok ng kuwarto at kunot-noong nilapitan ang isa sa bagong pintura na dingding na bagamat tuyo na ay aninag pa rin doon ang ilalim.Marahil hindi dalubhasa ang naglagay ng pintura o puwede rin na taglay niya ang mga mata ng pintor na kayang alamin lahat nang may kinalaman sa mga kulay at pagpipinta.Bahagya siyang umatras para mas malinaw na matitigan ang humatak ng kanyang pansin. Pinaiku
"M-MIKO?""Bakit para kang nakakita ng multo, manang?" puna niya sa naging reaksiyon ng katulong na nagbukas sa kanya ng gate. "Hindi na ba ako welcome rito?""Hindi naman. Nagtataka lang ako.''''Bakit po?''''Naalala mo kasi kung saan ka nakatira."Pinagala ni Miko ang tingin mula sa malawak na bakuran hanggang sa dalawahan na palapag nilang bahay. "Itinakwil na ba ako ng pamilya ko?""Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, umulan noong mga nakaraang araw. ""Magaling na ako, manang.""Talaga? Magandang balita 'yan na siguradong ikatutuwa ng pamilya mo!""Nasaan sila?"Sinundan ng matandang katulong ang pagpasok ni Miko sa kabahayan. "Hijo, gusto mo bang ipaghanda kita nang makakain?""Busog po ako.'' Pinagala uli niya ang tingin. ''Wala ba sila rito?""Maaga silang umalis, pero sa tingin ko pauwi na si Alona. Namalengke lang siya. Hintayin mo na lang siya sa sala."Biglang napahinto sa paghakbang si Miko at kunot-noong nilingon ang katulong. "Hihintayin ko si Mama sa sala? Bakit? Bis
"HON, hindi ka pa rin tapos diyan?"Tumigil ang hawak na brush ni Miko nang maramdaman niya ang pag-upo ni Yolly. Yumakap ito mula sa kanyang likuran at inihilig pa nito ang ulo sa kanya.Before, he likes her warmth. Pero hindi na niya ngayon maintindihan ang sarili. As if an ice just touched him. And he feels nothing but numbness.''Mamaya mo na gawin iyan. Kumain na tayo. Niluto ko ang paborito mong adobo.''''Hindi pa ako nagugutom.''''Kape lang halos ang laman ng tiyan mo. Hindi ka na nga nag-almusal. Pati ba naman tanghalian ay hindi ka pa rin kakain.''''Tatapusin ko lang ito.''''Then, I'll stay here hanggang matapos ka.''Nanahimik na lang si Miko at ipinagpatuloy na ang ginagawa.''Hon, hindi pa rin ba ako nabubura sa alaala mo?''"No. You're still clear as crystal."''Does it mean na magaling ka na?''Muling napahinto sa pagpipinta si Miko nang muli siyang abalahin ng dalaga na pinalikot ang mga kamay. Dumausdos iyon pababa sa may dibdib niya. "Would you mind? I told you,
"SAAN ka galing?"Nilagpasan lang ni Jade si Mark na eksaktong palabas na ng kanilang resting area. Tulugan at pahingahan iyon ng mga resident doctors. At kumpleto na rin ng gamit doon.''Bata ka pa para maligo sa ulan?''Binalewala ni Jade ang pagsunod sa kanya ni Mark. Hinayaan niya lang na magsalita ito nang magsalita. Para kasing wala na siyang lakas na ibuka ang kanyang bibig.''Hey! Tinatanong kita! Ano bang nangyayari sa iyo?''''Just leave me alone.''''Para kang wala sa sarili mo.''Kumuha siya ng pampalit sa basang mga damit at dumiretso sa banyo. Protocol sa kanila na bawal magbabad sa paliligo dahil sa mga biglaan na tawag o emergency. Kaya lumabas din agad siya. At inabutan niya pa roon ang kaibigan.''Nahimasmasan ka na ba?''''Ano bang kailangan mo?''''Saan ka galing?''''Naligo sa ulan.''''Naligo ka nga?''''Bawal ba?''''Haist! Akala ko naman kung ano nang nangyari sa 'yo!''Tinungo niya ang vanity mirror at gumamit siya ng hair dryer para tuyuin ang buhok. ''Anong
"HONEY?"Binalewala niya ang pag-aalala ni Yolly. Nanghihina siyang naupo sa sofa at pilit hinahagilap sa isip ang tila nawawala na importanteng alaala roon na konektado sa bigla na lamang pagsulpot nina Mark at Janikka sa kanyang art studio.Yes. He is missing some details about what happened for the past few days, weeks, and months. Pero ramdam niya sa puso na naroon ang mga kasagutan sa maraming tanong na bumabagabag sa kanya."Hon -""Umalis ka na muna.""Huwag kang magpaapekto sa dalawang iyon. Galit lang sila sa akin.""Please, Yol. Gusto ko munang mapag-isa.""Hindi ako aalis.""Then, ako ang aalis.""Saan ka pupunta?""Uuwi muna ako sa bahay."Napatigil sa paghakbang si Miko nang pigilan siya ng yakap mula sa likuran ni Yolly."Hon, huwag mo akong iiwang mag-isa rito. Stay by my side, please?''''I need to be alone. May mali sa utak ko.''''Just stop thinking anything or anyone.'' Pumunta ito sa harapan ni Miko. ''Ako lang ang isipin mo.''Humiwalay siya sa pagkakahawak ni Yol
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments