"Mahal na mahal kita Jade," anas nito. "Sobrang mahal kita."
Mariin siyang napapikit saka tuluyan na ring pinalaya ang kanyang nararamdaman, she hug her too. Mas mahigpit pa.
Hindi pala ang mapag-isa ang magbibigay sa kanya ng katahimikan, hindi rin ang paglayo. Sapat na pala ang makulong sa mga bisig nito para makaramdam siya ng kapayapaan.
Nagsimulang mamuo ang kanyang mga luha at ilang sandali lang ay tuluyan na siyang napaiyak.
"Shh.. hush now sweetheart, magiging maayos din ang lahat."
"I am not crying because of what happened, I am crying because finally, I'm in your arms again," an