HINDI NA INISIP pa ni Daviana ang kahihinatnan ng kanyang mga salitang iyon kay Warren. Punong-puno na siya. Ang tanging nais niya lang mangyari ay ang ilabas dito ang sama ng loob niya. Noong nakaraan, palagi niyang sinasaalang-alang ang mararamdaman nila at natatakot na magbitaw ng mga salitang makakasakit. Subalit ngayon ay iba na. Hindi na pwedeng palagpasin niya pa ang lahat ng ito gayong nag-uumapaw na ang poot sa kanyang puso. Kung hindi niya iyon ilalabas, makakasama ito sa kalusugan niya.
“Viana?!” bulalas ni Warren na tila naging blangko na rin ang kanyang isipan.
Umakyat na sa ulo ang init ng dugo ni Warren dahil sa inaasta ng dalaga. Madiin na inapakan niya ang preno. Delikado iyon dahil nasa gitna sila ng busy na kalsada kung saan ay maraming mga sasakyan dito. Walang sinuman ang pwede at pinapayagan na basta na lang huminto sa bahaging iyon ng kalsada lalo na kung hindi naman emergency ang dahilan. Muntik na silang mabangga ng sasakyan na nasa likod. kaunting-kaunti na