MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA sina Daviana at Warren nang makita nila ang ama. Napansin agad ni Danilo ang tensyon na nasa pagitan ng anak at ni Warren sa pamamagitan pa lang ng kakaibang mga tinginan nila. Lumipad ang kanyang mga mata at may nakitang papel sa ibabaw ng center table.
“Anong meron? Bakit bigla yata kayong natahimik?”
Ilang beses na umiling si Daviana. Ibig niyang ipahiwatig kay Warren na hindi niya na kailangang sabihin sa ama ang ipinunta ng kaibigan sa bahay nila. Malamang pipilitin siya nito kapag sinabi niyang ayaw niyang sumama. Ano pa nga ba ang kanyang aasahan sa kanya?
“Inimbitahan ko po si Viana, Tito Danilo na magpunta sa Hacienda namin. Sabi ko po ay doon niya gugulin ang bakasyon pero tinanggihan po niya. Busy raw po kasi siya eh.”
Mariing ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata. Napahilot na siya ng kanyang sentido. Sumama pa ang pakiramdam niya nang lingunin siya ng ama at bigyan ng mga tinging kailangan niyang sumama at pumayag sa paanyaya ni Warren. Ma