ANG PAMILYA NATIN ang karamay natin dapat sa lahat. Mula sa mumunting problema hanggang sa mas malaking suliranin. Sila ang gumagabay sa atin sa tuwing namamali tayo ng landas. Sila iyong tumutulong sa atin, ngunit sa sitwasyon ni Daviana kabaligtaran iyon at ang trato sa kanya ng sarili niyang ama. Kung hindi lang ganun ang kanyang ama na mas gusto ang magkaroon ng anak na lalaki, hindi sana lumaki ang dalagang ganito ang character at saka mindset. Subalit nakasanayan na ni Warren iyon, magiging mahirap din sa kanya at hindi rin ma-imagine ng lalaki ang liberated at sutil na katauhan ngayon ni Daviana. Sanay na siya kung ano siya ngayon. Sanay na siya sa kanyang pagkamasunurin kahit na nakababagot. Subalit kamakailan lang ay sinabi ni Daviana na wala na rin siyang pakialam sa mga salita niya na nakakabahala.
Wala na ba talaga si Daviana na pakialam?
Alas-tres na ang magtungo sila sa bubuksang rancho ng mga Gonzales. Medyo may kalayuan iyon sa hotel na kanilang kinaroroonan kung kaya