HINDI PINANSIN NI Warren si Melissa na nanatili ang mga matang nakatingin kay Daviana.
“Same trail. Huwag kang mauna at subukang magpatakbo nang mabilis para iwan kami.” sagot ni Warren na tila ba nahuhulaan na ng lalaki ang laman ng isipan ng dalaga.
Hindi lang naman sila ang mangangabayo doon, may ilang mga bisita na pinagbigyan ang kumpanya upang subukan ang trail na kanilang tatahakin kung safe ba iyon at sukatin kung gaano kalayo. Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana. Hindi na siya muling nagsalita pa. Ang plano niya ay hahanapin niya ang kaibigan. Gagawin na lang niyang excuse iyon mamaya kay Warren na sure naman siyang hindi niya ito magagawang hindian lalo kung nakababa na siya ng kabayo. Alangang habulin pa siya nito?
“Narinig mo ang sinabi ko, Viana?”
“Oo na.”
Habang abala ang magkasintahan na sumakay ng kabayo nilang gagamitin ay pasimpleng tinawagan ni Daviana ang kaibigan. Nakailang ring iyon bago sagutin ng kanyang kaibigan.
“Nasaan ka? Magho-horseback riding na kami. N