PINATAY NI ROHI ang gripo gamit ang kaliwa niyang palad. Biglang natahimik ang buong silid nang mawala ang ingay ng bumabagsak na tubig. Humigpit pa ang hawak niya sa kamay ni Daviana na parang bigla itong naging kabado doon.
“Kung ganun, napag-isipan mo bang ikonsidera ang ibang lalaki kung sakaling mangligaw sa’yo?”
Naramdaman ni Daviana na nagsimulang uminit ang kanang kamay na hawak ng binata. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso niya, parang lalabas na sa dibdib niya ang puso. Nang sobra na ang tensyon na nararamdaman ng kanyang katawan ay laking pasasalamat niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya na naging dahilan upang basagin ang katahimikan sa loob ng kwarto. Tila napasong binitawan ni Rohi ang kamay niya at umatras ng ilang hakbang upang makalayo sa katawan niya at bigyan na siya ng distansya.
“Hindi mo ba sasagutin ang tawag?”
Ang buong akala ni Daviana ay cellphone iyon ni Rohi kung kaya naman wala siyang a