MALALAKI ANG MGA hakbang na tinungo ni Warren ang general security department ng kanilang Hacienda. Nais niyang patunayan na hindi nagsisinungaling ang kanyang nobya at ang kaibigang si Daviana talaga ang may kasalanan ng aksidente. Doon ay saka pa lang siya mapapalagay ng loob. Para matapos na rin pagka-guilty niya sa mga nangyari. Ganun na lang ang gulat ng head ng security department nila nang marinig kung kaninong anak siya at ng purpose ng pagpunta niya doon. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kanina pa nauna doon si Rohi at Daviana upang tingnan ang CCTV, habang kumakain ng breakfast kanina ay hinimok ni Rohi na tingnan nila ang buong pangyayari sa mga CCTV.
“Hindi na kailangan, Rohi, alam ko naman na wala akong masamang ginagawa.”
“Kailangan iyon Daviana, para malinis mo rin ang iyong pangalan. Para masampal mo rin sa babaeng iyon na siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan at hindi ikaw. Mappaatunayan mo lang iyon kung makikita iyon ng lantaran sa CCTV.”
Muling iniiling ni Davi