KUSANG TUMIGIL SI Rohi nang mapagod ang kanyang dila, ngunit hindi niya naman tinanggal ang labi sa pagkakadikit sa labi ni Daviana. Kapwa na nila naaamoy ang mainit nilang hininga mula sa kanilang ilong. Ang namumulang mukha at at nahihiyang mga mata ay malinaw na makikita sa liwanag ng mga mata ngayon ng binata.
“Hindi ka na makahinga?”
Bahagyang inilayo ni Rohi ang kanyang mukha sa dalaga. Kapwa basa ng laway ang kanilang labing dalawa. Nanghihinang napasinghap na ang dalaga. Parang tatalon na sa mga sandaling iyon ang puso niya sa sobrang kaba.
“Ikaw…anong...” hindi niya magawang dugtungan ang sasabihin nang dahil sa paghahabol niya ng sarili niyang hininga.
Hindi lang iyon, natagpuan niya ang kanyang sarili na sobrang nangangatal nang dahil sa nangyari sa pagitan nila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Rohi iyon. Lalo pa siyang nanginig nang sa sobrang tensyon na nararamdaman niya. Sa halip na ilayo ang katawan sa dalaga, muli niyang hinawakan ang baba nito upang magtama ang kani