NAGING MALAKING PALAISIPAN kay Warren kung sino ang posibleng manakit sa dalaga nang hindi ito magsalita. Natatandaan niya na ni minsan ay wala naman itong nakaaway magmula noong mga bata pa lang sila. Sa palagay din niya ay intensyonal ang nangyaring iyon dahil sa makikitang mapulang bakas nito sa mukha. Nanatiling wala namang reaction ang mukha ni Daviana kahit na alam niyang naghihinala na si Warren kung sino ang may gawa noon sa kanya. Tinabig niya ang kamay ng lalaking mahigpit na nakahawak pa rin sa kanya na agad naman siyang nabitawan.
“Huwag mo sabi akong pakialaman!” angil niyang pinandilatan na ito ng mga mata, “Walang kinalaman ito sa’yo kaya pwede ba shut up ka na lang?! Ang dami mong tanong, akala mo naman may magagawa ka tungkol dito!”
Nagulat si Warren sa panlalamig ng dalaga at sa masamang ugaling ipinakita nito. Sumama pa iyon kumpara noong nasa Hacienda sila at nagkasagutan.
“Viana, kaibigan mo pa rin naman ako—”
“Sinong may sabi? Di ba tinapos ko na ang connection