Nang makaalis na si Mateo, nawala na din ang ngiti sa labi ni Irene. Agad itong napalitan ng malalim na kunot sa noo. Napakaraming tanong ang naglaro sa isipan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ni Mateo na makulong si Chandon.
Gustuhin man niyang isipin na ginagawa ito ng lalaki para makamit ang hustisya para sa kanya—hindi niya magawa. May bahagi sa utak niya na nagsasabing may mas malalim na dahilan si Mateo.
Alam na nito marahil na malapit na magkaibigan sina Natalie at Chandon. May mga pagkakataon namang mabait si Mateo kay Natalie kaya hindi niya maunawaan kung bakit wala ni katiting na konsiderasyon at awa ngayon ang lalaki.
Marahil ay may nagawa itong hindi kapata-patawad. Kaya ganoon na lang ang galit ni Mateo kay Natalie. Pabor ito sa kanya. “Ha. Kapag sinuswerte ka nga naman. Mukhang ubos na ang maliligayang araw mo, Natalie.”
Kinuha ni Irene ang mga nahiwang prutas na inihanda ni Mateo para sa kanya kanina. Pumili siya ng mapulang