Walang pag-aalinlangang lumabas si Natalie sa kwartong iyon. Hindi na niya naisara ang pintuan sa pagmamadali niya. Basta ang alam niya, ayaw niyang manatali kasama ang dalawang taong nasa loob.
“Natalie!” Umalingawngaw mula sa likuran ang sigaw ni Mateo. Maging ang mga nurse na naroon ay napatigil dahil ang sigaw na iyon ay puno ng pigil na galit. “Huminto ka diyan at bumalik ka dito!”
Sandaling tumigil ang mga hakbang ni Natalie, aminin man niya o hindi, nayanig siya ng sigaw na iyon. Tumigil lang siya ng saglit upang makiramdam at naglakad pabalik—ngunit hindi para sundin ang utos nitong bumalik siya sa loob---bumalik siya para isarado ang pinto.
“Ang babaeng ‘yon! Kuhang-kuha niya talaga ang gigil ko!” Nanggagalaiti si Mateo sa sobrang galit.
“Um…Mateo…” mahinang simul ani Irene. Nasa tabi siya ni Mateo at kitang-kita niya kung gaano ito kaapektado sa ginawa ni Natalie. “P-pasensya na. Kasalanan ko ito. Hindi na sana ako pumunta rito. Baka… baka iba ang inisip ni Doc Natalie