Alam naman ni Natalie na galit lamang ang nagtulak kay Mateo na magsalita nang ganoon. Ganoon pa man, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ito naiinis. Pero wala rin siyang balak alamin pa sana ang puno’t dulo ng pagmamaldito nito.
Pero mahalaga na maging maayos ang pagsasama nila sa araw na ito—wala siyang ganang harapin ang ugali nito buong araw. Ngumiti na lang siya na para bang wala lang sa kanya ang pagtaas ng boses nito.
“Hindi puwedeng hindi ka kumain, makakasama ‘yan sa katawan mo. Titingnan ko sa kusina kung ano ang pwede mong kainin.” Bago pa ito makasagot, tumungo na siya sa kusina at mabilis na bumalik.
“May lugaw, sabaw ng manok, at prutas Gusto mo bang initin ko para sa’yo?”
Nakaupo pa rin si Mateo sa gilid ng kama, ang galit nito ay bahagyang lumamlam ngunit halata pa rin ang inis. “Nakakasawa na. Ayoko na ng mga ‘yan.”
Hindi na ipinagtaka ni Natalie ang ugali nito. Hindi ito sanay na nag-uulit ng ulam kaya kahit na isang beses pa lang nitong kinakain ang mg