Share

JEWEL 05

Author: Ssam_grl
last update Last Updated: 2024-06-19 22:02:12

RIVER:

"Amoy p-pawis ako Jessa, teka lang, teka lang pwede?" Pagpapakalma niya dito habang iginiya ito sa isang tabi bago niya muling binuksan ang gate.

"Anong amoy pawis? saang parte? Hmmm amoy baby ka nga oh," Sumunod ito sa likuran niya habang hinawakan muli ang kanyang bewang ng buksan niya ang kalawang na itim na gate ng kanyang bahay na tinutuluyan.

"Jessa Umuwi ka na, bukas na lang tayo mag-usap," Magalang na pagtaboy niya dito ng sumunod ito sa kanya hanggang sa loob ng pintuan ng bahay niya. Hindi pa rin niya ito nililingon at kinuha mula sa likod na bulsa ng kanyang pantalon ang susi ng kanyang bahay.

"River," Sabi nito ng bigla siya nitong pihitin papaharap sa sexy na dalaga. Nang makapasok pa lang sila sa bukana ng kaniyang pinto. Itinulak siya nito sa nag-iisang couch na nasa kanyang sala.

Wala siyang masyadong gamit, kung tutuusin ay parang lumang bahay lang ito at mukhang walang nakatira dahil wala naman siyang planong ayusin talaga ay tinutuluyan. Malinis ang paligid naman nito at mukhang hindi palagi nagagamit ang nag-iisang sofa.

Wala siyang kutson, wala rin siyang iba pang kagamitan. Tanging sa sofa na iyon lang siya natutulog sa harap nito ay may lamesitang maliit na minsan ay doon na rin siya kumakain.

May second floor ang bahay na kanyang nirerentahan ngunit hindi na niya inabalang lagyan ng gamit dahil mas madali para sa kanya ang kumilos kung nasa baba lang siya lagi.

"Alam mo namang araw-araw kitang namimiss eh, tapos papaalisin mo na ako? Hindi mo ba alam hanggang anong oras kita inabangan na makauwi?" Malanding sabi nito sa kanya habang marahang yumuko at itinukod ang mga kamay sa kanya dahilan halos makita na niya ang malulusog na dibdib nito. Halos kita na ang cleavage nito sa suot na tube na hapit na hapit sa katawan nito. Iniiwas niya ang kanyang mukha habang napapikit habang hinawakan ang mga balikat nito upang hindi matuluyang madikit ang malulusog na dibdib nito.

“Jessa, pagod ako…” Pinilit niyang h’wag kagatin ang pang-aakit nito dahil bilang isang lalaki ay sino ba naman ang makakaiwas kung ito na mismo ang lumalapit. “Katatapos lang natin- “

Bago pa man niya naituloy ang sasabihin ay hinawakan ni Jessa ang magkabilang pisngi niya. 

“Ay! Hindi! gusto ko ng maraming rounds.”  Hinalikan siya nito sa kanyang mga labi habang pilit na tinikom niya ang kanyang bibig upang hindi madala sa paghalik nito.

Magaling humalik si Jessa at garantisadong madadala ka nito sa langit ngunit hindi talaga iyon umuubra ngayong gabi. Siguro dahil nagsasawa na siya. Kumbaga sa putahe ay paulit-ulit na nakahain sa kanyang lamesa.

Napatayo siya ng walang sabi-sabi sa kanyang nag-iisang couch dahilan upang mahulog sa kanyang ibabaw ang dalagang pilit na itinatpon ang sarili sa kanya. “Aa-ray…” Bulong nito na mukhang natahimik nang biglaan siyang tumayo.

Nagkunwari pa siyang nag-unat ng mga baraso na parang nangalay at pinilipit ang torso. “Haays…” Buga niya ng hangin. “Ang init.” Tinanggal niya ang kanyang maong na jacket. Tanging ang itim na sando ang kanyang suot habang minasahe ang kunawaring nanlalambot ng mga muscles.

“Alam mo Jessa pagod ako eh, oo pagod ako. Bumalik ka na lang bukas ha?” Nagmamadaling itinayo niya ito.

“River?!” Pilit pa itong nagpapabigat upang hindi nito maitulak ang dalaga. Humawak ito sa magkabilang door jamb ng kanyang pintuan. “Teka nga!” Sigaw nito. Inilayo niya ang sarilii bago pa ito magalit at magsisigaw sa dis -oras na gabi.

“Ano ka ba?! Bakit mo ba ako nilalayuan?!” Pagmamaktol nito ng magpameywang pa ito sa bewang nito.

“Hindi sa ganon Jessa, pago nga ako…” Pagulit niya, Sa tindi nang nangyari bakbakan kanina sa banyo ng bugbugin niya ang matanda lalaki ay ngayon lang niya naramdaman ang panankit ng likuran niya.

“Hindi naman pwedeng ganito na lang tayo palagi eh…” Naiiyak-iyakang sambit nito. Napakunot-noo siya sa tinuran nito. Hindi niya alam ang ibig sabihin nito. “G-gusto na kitang makasama palagi River. Gusto ko ng mag-asawa. “

“Asawa?” Natawang sabi niya, “Maghanap ka sa kanto ng mapapangasa Jessa, H’wag dito sa bahay ko.” Pabirogm turan niya rito na mas lalong ikinasimangot ng babaeng kaharap.

“Seryoso ako, Tignan mo nga ang itsura mo. Palagi ka nalang pagod. Tignan mo ang bahay mo. Bahay pa ba ng tao ito? Halos wala kang gamit. Kung hindi pa kita dadalhan ng pagkain ay hindi ka kakain. Ayaw mo bang may magasikaso sayo? “Lumapit ito ulit sa kanya at muling naglambitin sa kanyang leeg kkaya napaiwas siya at palihim na inirolyo ang mga mata dahil sa matinding kakulitan nito.

Hindi naman kasi totoong hindi siya kumakain, tamad lang siya magluto ng pagkain pero marunong siya dahil bata pa lang ay maaga na siyang tinuruan ng kanyang ina sa mga gawaing bahay kabilang na ang pagluluto. Kung paminsan naman ay dindalhan siya ng asawa ni Jake ng pagkain upang hindi na siya magluto. Total ay binibigyan niya ang mga ito ng budget sa pammalengke.

Masyad lang talaga o.a at patay na patay sa kanya ang babaeng ito. Pakiramdaman nito ay may relasyon sila kahit pa ginagamit niya ito paminsan kapag tawag ng kalikasan.

“Ako ang mag-aalaga sayo. Araw-atraw pagsisilbihan kita.” Bulong pa nito. Tinanggal niya paisa-isa ang dalawang kamay nitong nakalambitin sa kanya.

“Oo Jessa pero hindi ngayon okay? Matutulog na ako. Pagpipilit niya. Hindi ngayon. “Sagot niya.

“Eh kailan?” Ang kulit talaga nito.

“Kapag okay na ang lahat.” Sagot niya habang tinutulak ito pagawi ulit palabas ng kanyang pintuan.

"Seryoso ako River ha! Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko. Asawa ang kailangan mo." Pahabol pa nito habang inilalabas niya ang babae sa labas ng kanyang pintuan. 

Para siyang nakipag-agagawan ng baka sa isang mangpapastol ng ibagsak niya ang kanyang likuran muli sa couch. Hinagod niya ang kanyang mahaba ng buhok pallikod ng kanyang ulo habang ipinikit ang mata uapang makapagpahinga sandali.

Iniisip niya ang sinabi niya sa dalagang si Jessa.

[Kapag okay na ang lahat] … Ang malaking tanong ay kailan iyon?

Marahan niyang iniangat ang pwetan upang kunin ang wallet na nakasuksok sa kanyang likurang ulsa. Binuksan niya iyon at tinignan niya ang nagiisang litratong nakaipit doon.

Ang larawan nilang tatlo. Noong nabubuhay pa ang ama at ina niya. Sa litratong iyon ay makikita ng ang masayang larawan nilang pamilya na pawang mga nakangiti. Ito ay replica ng kanilang family picture na kasabay na nasunog sa malaking bahay nila noong bata pa lamang siya.

Wala siyang halos maalala sa kanyang Kabataan ngunit itong naglalaro sa kanyang isipan ang huling eksena na kumpleto silang ng kanyang ama’t ina. Noong nabubuhay pa ang kanyang ama.

Bago sila tuluyang maghirap. Lumaki at nagkaisip na siya ng tuluyan na tanging naalala niya ay pinalalaki siya at pinaghirapan nsiyang itaguyod ng ina niyang may sakit. Ngunit hindi ito kasing lakas ng iba kung kaya’t maaga din siya nitong iniwan.

Inilabas niya ang nasa kasuluksulukan ng kanyang wallet ang isang gintong kwintas na may maliit na bato ng kasing liit lang ng butil ng mais. Isang kakaibang baton a kulay berde ang nasa loob na salaaming pendant na iyon.

(“H’wag mo iwawala ito , Thorne. Ito ang tunay mong pagkatao. Hanapin mo ang pumatay sa ama mo. “Ito ang huling habilin ng kanyang ina bago ito malagutan ng hininga sa luma at nawawasak ng higaan nito noong bata pa siya…)

Kailangan niya munang alamin ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama at ang pagkawala ng kanilang- ari-arian.

Kailangan niyang mabawi ang pangalang RIVERA…

Hindi niya alam kung saan magsisimula pero alam niyang malapit na niyang matuklasan iyon gamit ang kwintas na ito.

Ibinitin niya sa ere ang kwintas na iyon na kapag tinatamaan ng ilaw mula sa kanyang bumbilya ay labis-labis ang kinang na inilalabas nito.

Kailangan niyang malaman kung sino ang pumatay sa kanyang ama at anong dahilan ng kwintas na ito.  

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Abegail Martinez
Parang ganda ng story ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BILLIONAIRE SERIES: MY KIDNAPPER IS A BILLIONAIRE   JEWEL 26

    CITRINE:“Miss Citrine, Alam kong mahirap paniwalaan ang sinasabi namin. Pero hindi kami masamang tao.” Salita ng nakakatandang lalaki nang muling basagin ang katahamikan sa kanilang mga naiwan sa loob ng bahay.At saan pupunta ang lalaking iyon?! Hindi niya alam bigla na lang itong napikon at umalis. Hindi siya makakilos ng maayos dahil sa higpit ng zip tight na ginawa nito. Her arms were aching all the way to her back.(Wow! You expect me to believe your words?!...) Angil niya sa utak niya habang tinitigan ng matalim ang umupong matanda sa kanyang harapan. She looked at him from up to down. They seemed harmless…An old guy with a young man? Yeah, they’re looks were deceiving.Kung hindi sila masamang tao ay bakit dinukot siya ng mga ito? There was someone after her, so why not go to the authorities instead of kidnapping her? Was that making any sense?!Tila naiintindihan naman nito ang mapanghinalang tingin niya at umiling ng maiigi. “Hindi ka naming kinidanapp para pagkakitaan. Kung

  • BILLIONAIRE SERIES: MY KIDNAPPER IS A BILLIONAIRE   JEWEL 25

    CITRINE:“Oh kuya, ito na yung yelo.” -Pau.Pinanood lamang ni Citrine ang tatlong tao na nasa kanyang harapan habang matalim niyang inoobserbahan ang bawat galaw ng mga ito. The leo guy! That Leo guy!She glared at him while he was busy talking with the other guys! Hindi niya kilala ang mga kasama nito ngunit itong nasa harpaan niya na nakaupo rin sa kanyang tapat-tapat ang hindi niya aakalaing makakagawa ng ganito.This fucker was a kidnapper! She knew it! May kakaiba sa binatang ito! Kunwari pa itong tatanggi sa perang inaalok niya! Iyon pala may masama itong balak sa kanya.Citrine felt betrayed at the moment. The guy who enjoyed and shared wonderful kisses was her kidnapper! This gorg, must have had the great guts to do that to her. She is CITRINE FUERTE!(What happened to the pride you are reciting repeating before we had sex, you damn jerk!) iCitrine couldn’t help but to curse him silently because her mouth was covered with a filthy handkerchief!Yes! She was tied to the chair,

  • BILLIONAIRE SERIES: MY KIDNAPPER IS A BILLIONAIRE   JEWEL 24

    RIVER: “River, anong gagawin natin? Baka makatunong ang kapitbahay na may tinatago tayo rito.” Takip-takip pa rin ang tenga ng lapitan ni Jake si River.“Kuya, ang lakas ng tili.” Reklamo rin ni Pau habag nakatakip ang mga tenga.“I need water! Ano? Papatayin niyo ako sa uhaw? I’m fucking thirtsty. At least give me some water, you idiots!”Muli na namang sumigaw ang dalaga ng sobrang lakas. Hindi na nakapagtaka kapag nireklamo sila ng kapitbahay.“Bigyan mo ng tubig.” Utos na lang niya kay Jake.“Ayoko nga baka makilala ako.” Bigla namang umurong si Jake sa kanyang tabi. Gusto niyang paikon sa naging reaksyon nito.“Sana inisip mo yan bago mo kinuha yung babae sa suite niya.” Inis na sambit niya rito.Napakamot naman ng batok si Jake na parang walang mairebat sa kanyang sinabi. Napailing na lamang siya habang napahilamos ng mukha sa sobrang kairitahan. “Kuya ako na.” Nagpresenta naman si Pau na magdala ng tubig. Nakakuha na agad ito ng isang pitsel at isang baso. “Kaso wala kang yel

  • BILLIONAIRE SERIES: MY KIDNAPPER IS A BILLIONAIRE   JEWEL 23

    CITRINE:“I’M GONNA HAVE YOU ARRESTED! I AM TELLING YOU ALL! You don’t know who you’re fucking with?! “ Nagpapadyak sa inis si Citrine nang tanging ang kanyang boses ang paulit-ulit na ume-echo sa hindi niya malamang lugar.She woke up with a blindfold! At sinong hindi magagalit sa ganoong sitwasyon?! Her hands were tied behind her and it was also pinned sa isang mabakasl sa kanyang likuran. She could feel that her bare legs were exposed.“Fuck—” Inis niyang mura ng mapansing wala siyang undergarments sa loob ng maluwag na T-shirt na iyon.Sino ba ang matutuwa kapag nalaman mong ang huli mong natatandaan ay natutulog siya sa malambot nak ama ng isang hotel. Ni hindi niya maaninag ang ilaw o Liwanag sa sobrang pagkakatakip ng kanyang mga mata.“Where the fuck am I?” Bulong niya sa sarili.She could almost smell dirt and dust under her nose, and felt the whole floor was rough. Her beautiful skin was suffering from the unusual environment. Gustong mangati ng kanyang pang-upo sa gaspang na

  • BILLIONAIRE SERIES: MY KIDNAPPER IS A BILLIONAIRE   JEWEL 22

    RIVER:(Shit! Shit! Putangina!) Ang kanyang utak ay nagwawala sag alit at inis sa dahilanang wala siyang maisip na paraan kung paano makakatakas roon. Hindi sila maaraing dumaan basta=basta sa basement o kahit sa harapan ng lobby ng hotel.Hindi tanga ang mga humahabol sa kanila!Maaring nagtawag na ang mga ito upang salubungin sila sa basement. Gusto niyang pagmumurahin ang tiyuhin sa probelemang dinulot nito ngunit hindi ito ang tamang panahon.“Tigil!”Umalingaw-ngaw na naman ang boses ng isang humahabol sa knila mula sa itaas na kanilang pinaggalingan.“Tangina! Andyan na sila River! Anong gagawin natin?!” Nagtatalon sa panic ang kanyang tiyuhin ngunit dahil masakit ang kanyang tagiliran at bitbit pa niya ang wlaang-malay na babae ay hindi niya ito mabatukan upang manahimik.[Bang! Bang!] Napayuko sila pareho ng marinig ang kalansing ng bala mula sa taas!“Tangina! May baril! May baril! Mmaatay tayo!” Panic na iyak ni Jake.“J-Jake!” Pigil hininga niyang bulong rito habang nahihir

  • BILLIONAIRE SERIES: MY KIDNAPPER IS A BILLIONAIRE   JEWEL 21

    RIVER:[RING! RING! RING!]Naalimpungatan si River ng marinig ang ringtone ng kanyang telepono. Napakunot-noo siya habang unti-unti binubuksan ang mga mata. His vision was still blurred but eventually became clearer as the ring of the phone rang loudly.Napabalikwas siya ng pagkakadapa mula sa malambot nak ama upang hanapin kung saan iyon nanggaling. Dahil sa panghihina ay hindi niya kaagad maibangon ang katawan. Ang pawis niya ay tila natuyo na rin sa kanyang sentido at ang kanyang lalamuna ay nararamdaman na niyang natutuyo. He had a rough night, he must admit.Nang mapako ang tingin niya sa slacks pants na nakakalat malapit lamang sa kamang hinihigaan ay kaagan niyang inabot ito. Mahaba ang kanyang torso at biyas kung kaya’t hindi na niya kailangan i-angat ang dibdib upang abutin iyon.The ringtone was loud as he grabbed his pocket to get his phone.“H-hello?” He cleared his dry throat when he answered it.[“River? Nasaan ka na?!”]Nawala ang antok niya ng marinig ang malakas na tan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status