BROKEN - BOOK 1
Mina's POV
TAHIMIK LANG na kumakain si Mina at hindi pansin ang mga kapatid na nagtatalo-talo kung anong dapat na iregalo sa wedding anniversary ng parents nila.
"What about trip to Europe?" sabay na sabi nina Shimmer at Shine. Labing pito na ang mga ito. Hindi niya alam kung sinasadya ba ng mga ito na palagi na lang magsabay sa pagsasalita o talagang nagkakataon lang? Sabi nila mayroon daw special connection ang mga kambal. Siguro may mental telepathy ang dalawa.
"Duh, we can't afford that," pambabara naman ni Tati. Ito at ang kambal ay iisa ang mga ina. Si Tita Melody ang legal na asawa ng daddy nila.
"Ba't di niyo na lang regaluhan ng condom ang tatay niyo para naman di na tayo madagdagan?" si Amanda.
Kagaya niya anak sila sa labas pati na rin si Geneva na may nakasalpak na earphone sa tainga at maganang kumakain. Mas madalas na wala itong pakialam sa paligid nito kagaya na lang ngayon.
"Yuck!" sabay na ani ni Shimmer and Shine
"Gross!" lukot ang mukhang ani ni Tati.
"Ang aarte niyo! Yuck, gross pa kayong nalalaman dyan," nakairap na sabi ni Amanda saka sinubo ang hotdog.
Sabay-sabay na inirapan lang ito ng tatlo. Kaidad niya si Amanda at Geneva pare-pareho silang nineteen at sa iisang University lang pumapasok. Third year collage na ang dalawa samantalang siya ay second year pa lang. Matagal kasi siyang nahinto sa pag-aaral.
"What about you Ate Mina, any suggestions?" tanong ni Tati sa kanya. Lahat ng mata ay tumuon sa kanya maliban kay Geneva na nanatiling may sariling mundo.
"Ahm, magkano ba ang budget?" tanong niya sa mga ito.
"I have five thousand and shimmer and shine had two thousand each. Geneva gave three thousand and your contribution is five thousand all in all we have seventeen thousand," sagot ni Tati na ang daliri ay nagkukuwenta sa hangin.
"Hoy, Tati, bakit di mo binanggit ang ambag ko?" sita dito ni Amanda.
"Oh, as if sobrang laking tulong ng five hundred pesos mo noh!"
"Hindi mabubuo ang one thousand kung kulang ng five hundred kaya malaking bagay ang five hundred ko noh!" sagot naman ni Amanda na ginaya ang tono ng boses ni Tati.
"Excuse me mayroon kayang buong one thousand!"
"Enough," awat niya sa mga ito. Nagsi tigil naman ang mga ito kahit na panay ang tinginan ng masama at irapan. "So, dahil seventeen thousand lang ang pera natin naisip ko na bakit di na lang tayo mag-set up ng dinner with candle light sa garden para kina Dad? Yung pera ipambili natin ng food at flowers and everything that we need like scented candles, petals etcetera. What do you think?" tanong niya sa mga ito.
Saglit naman na parang nag-isip ang mga ito saka nagsi sangayunan.
"Shimmer and Shine kayo ang magse-set up sa labas. Tati and Geneva kayo naman ang bahalang lumibang kina Daddy para hindi nila mapansin ang gagawing preparation nila Shimmer then tayong dalawa naman Amanda ang bahalang magluto ng food."
"Ay nako, Hermina, may lakad ako. Saka nag-ambag nako noh, puwede na yo'n. Wag niyo na kong isali sa preparation na yan," angal ni Amanda.
"Hmp! pinagmalaki pa ang five hundred niya," bulong ni Tati.
"Hoy, Tati, narinig kita ha, baka gusto mong sabunutan kita dyan!" Akmang tatayo si Amanda ng pigilan niya ito.
"Tama na nga. Pumunta ka na sa lakad mo ako ng bahala sa food."
Ngumiti naman ito ng malapad sa kanya saka tumayo at binitbit na ang bag nito.
Bumuntong-hininga na lang siya at tumayo na rin dala ang bag niya.
Monday ngayon kaya may pasok at iisang university lang ang pinapasukan nilang anim.
Ang kambal ay first year college pa lang habang silang dalawa ni Tati ay second year, si Geneva at Amanda ay third year. May sari-sariling sasakyan ang mga kapatid niya maliban sa kanya na hinahatid sundo ng driver gamit ang isang kotse ng daddy nila. Hindi kasi siya marunong magmaneho.
"HOY, FREAK NAGAWA mo ba ang thesis namin?" tanong sa kanya ni Alodia ang cheerleader ng campus nila. Nasa likod nito ang dalawang alipores nito.
Dinukot niya sa bag ang tatlong folder at iniabot dito. Binuksan nito iyon at nakangiting tumango-tango.
"Good, maasahan ka talaga. Till next time, freak!" Inihampas-hampas pa nito sa ulo niya ang mga folder bago nagtatawanang umalis.
Inayos niya ang headband niya na tumabingi dahil sa ginawa nito.
Simula ng first year pa lang siya lagi na siyang binubully ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo ng mga ito sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa.
Noong una naman ay mababait ang mga ito sa kanya lalo na ng malaman ng mga ito na isa siyang De'Marco pero nagbago ang lahat ng iyon ng malaman ng mga ito na anak lang siya sa labas. Minsan naiinggit siya sa kapatid na si Tati. Tinitingala kasi ito ng mga ka-batch nila at hinahangaan. Pila ang mga manliligaw nito at maraming kaibigan. Hindi katulad niya na laging naiiwan sa isang tabi at nilalapitan lang kapag gusto siyang i-bully ng mga ito.
Hindi siya gumaganti at hinahayaan lang ang mga ito kung ano ang gawin at i-utos sa kanya. Mas gusto niya na tumahimik na lang kaysa sa lumaban.
Napahinto siya nang mapadaan siya sa Gym, may practice ang basketball team. Lumapit siya sa pinto at sumilip.
Agad niyang napansin ang madalas magpabilis ng pintig ng puso niya. Si Kristoff Sandoval. Team captain at heartrob ng campus. Graduating na ito at ngayon pa lang nalulungkot na siya na next year hindi niya na ito makikita.
Halos 80% ng audience ay puro babae. Maliban kasi na isa itong Sandoval na isa sa kilalang pamilya sa bansa ay napakaguwapo nito. Sa tantiya niya ay nasa anim na talampakan ang taas nito. Maganda ang katawan na ikatatakam talaga ng kahit na sinong babae. Hindi niya pa ito nakikitang n*******d pero ang sabi ng iba may 8 pack abs daw ito. Matangos ang ilong nito at mapipintog ang mapupulang labi. Makinis at maputi ang balat nito na animo ay parang gatas. Matalino din ito at masipag mag-aral. Bukod sa mabait din ito. Ni hindi niya pa ito nabalitaang napasama sa gulo.
Napuno ang Gym ng tilian at hiyawan ng mga kababaihan nang maka-steel si Kristoff at mai-shoot ang bola. Panalo ang team nito sa score na 88-52.
Hindi niya masisisi ang mga babae sa campus nila kung magpakabaliw sa kakasunod kay Kristoff, siya man ay lihim na tinigtignan ito kapag dumaraan sa harap niya.
Madalas niyang pangarapin ito lalo na at kapag nasa kuwarto niya na siya at nagpapaantok.
Nakita niyang may lumapit kay Kristoff. Si Elizabeth Gabel. Half British-half american ang Daddy nito ang mommy naman nito ay purong pilipina. Kaya hindi kataka-taka na napakaganda nito. Napapabalitang girlfriend ito ni Kristoff. Kaka-transfer lang last year ni Elizabeth dito sa Westwood.
Ang alam niya sa ibang bansa ito nag-aaral dati. Selosa ito at possessive kay Kristoff lahat ng babaeng mapa-ugnay sa binata ay binu-bully nito. Ang iba ay napipilitang mag-drop out dahil hindi tinitigilan ng babae.
Kaya ang iba hanggang tingin na lang. Walang may maglakas ng loob na magpa-cute kay Kristoff kapag nandiyan si Elizabeth.
"Huy, Hermina, kulitiin yang mata mo kakasilip kay Kristoff!"
Nagulat siya ng biglang sumulpot sa gilid niya si Jessa ang nag-iisang kaibigan niya dito sa Campus.
"Nakakagulat ka naman," ani niya dito habang hawak ang dibdib.
"Sus, kanina pa ako dito. Nagulat ka kasi di mo ako napansin. Busy ka kakatanaw diyan kay Kristoff!"
"Sssh, ano ka ba may makarinig sayo," saway niya dito saka tumingin-tingin sa paligid.
"Asus, halika na nga punta tayo sa canteen pakopya ng assignment sa algorithm," hinila na siya nito kaya napasunod na lang siya dito.
Nakilala niya ito ng minsang sumali siya sa school papers. Pareho silang freshman noon. Agad niya itong nakasundo dahil bukod tanging ito lang ang nagtitiyagang kumausap sa kanya kahit madalang siyang magsalita at madalas na tulala.
Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit papaano ay nakakaya niya pang pumasok sa eskwelahan.
NAGING civil ang pakikitungo ni Kristoff sa kanya sa mga nakalipas na araw. At nakokontento na siya doon.Pilit niya ring iniiwasan si Kenobi. Hindi naman mahirap sa kanya iyon dahil madalas naman na wala ang binata sa mansion. Minsan ilang araw ding hindi umuuwi ito.Kahit papaano nakakakita siya ng progress sa kanila ni Kristoff kahit pa malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya.Isinara niya na ang thermal bag na naglalaman nang niluto niyang lunch para kay Kristoff at isinukbit ang shoulder bag niya.Naisipan niya kasing hatiran ng lunch si Kristoff. Susubukan niya lang humakba pa ng kaunti papalapit dito. Sa tingin naman niya ma-aappriciate nito ang effort niya.Sumakay siya sa taxi na tinawagan niya kanina. Nagpahatid siya sa company ng mga Sandoval. Ngayon pa lang siya makakapunta kaya excited siya dahil feeling niya marami pa siyang bagay na hindi alam sa asawa.Bumaba siya ng taxi at pumasok sa building. Nagbigay siya ng I.D. at
Mina's POVMALAMIG na tiles ang kinahihigaan niya. Masakit at parang binibiyak ang kanyang ulo. Marahan siyang bumangon at inilibot ang paningin sa paligid.Nasa loob siya ng isang banyo. Napapikit siya at napahawak sa sentido niya ng bigla na naman sumigid ang kirot. Pilit niyang inalala kung nasaan siya.May ipinadalang box si Krisstoff. Excited siyang nag ayos at sumama sa driver pahatid sa isang bulwagan. May kausap siya hanggang sa labas si Kristoff na galit sa kanya. Isinama siya nito sa bulwagan. May mga kausap si Kristoff hanggang sa magpaalam siyang pupunta sa restroom... Nakita ni si Elizabeth... At umagos ang mga luha niya ng maalala ang mga sinabi nito. Napatakip siya sa bibig niya para pigilin ang mas malakas pang paghagulgol. Bumalot ang sakit sa puso niya at parang may kamay na pumipiga doon.Inabot ng kamay niya ang sink at nagpumilit na tumayo. Napatingin siya sa harap ng malaking salamin.Isang puting t-s
Hannah's POVSHE decided to play the role of her alter. Napakadali namang gawin niyon. Magbait-baitan at plastikin ang mga nakakaharap niya. She has a better plan now.Magkunwaring si Mina at gamitin si Kenobi.Naisip niya kung noon ay nagawa siyang isailalim ng Daddy niya sa isang hypnosis para ibalik ang control ni Mina maaaring magawa rin nito iyon ngayon.Blessing in disguise na ngang maituturing ang pagtatagpo nila ni Kenobi sa parking lot at ang pagkakabuko nito sa sikreto niya.Kaya naman sumama siya dito sa mansion ng mga Sandoval para maging si Mina, ang asawa ng antipatikong si Kristoff. Okay, given na gwapo nga si Kristoff, hindi lang gwapo. He look like a dashing prince just like Kenobi. But! She don't like him. That jerk tried to hurt her. Subukan lang nitong ulitin iyon makakatikim ito sa kanya.She wonder kung anong klaseng relasyon mayroon si Mina at Kristoff. Mukha kasing battered wife ang alter niy
Hannah's POVHalos pangapusan siya ng hininga ng maglayo ang mga labi nila. Nginitian niya si Kenobi saka hinaplos ang pisngi nito. Ginagap nito ang kamay niyang nasa pisngi nito saka iyon hinalikan. Nakapikit ito habang ginagawa iyon.Lihim siyang napangiti. Ang bilis nitong kumagat sa pain niya. Konting drama at konting kwento bumigay kaagad ito.Buti na lang pala at nakita siya nito sa parking lot kanina at dinala dito. Noong una hinayaan niyang sumama dito dahil attracted siya dito, kahit pa sinaktan siya nito ay hindi nabawasan iyon. Pero nang pumasok siya sa kwarto nito kanina at pakialaman ang mga gamit nito, Nakita niya ang isang picture frame.Si Ethan Sandoval at nasa tabi nito ang magkakapatid na Sandoval. Isa na roon ang nagpakilalang asawa niya at si Kenobi.Tignan mo nga naman ang tadhana. Tuluyan na nga atang nabaliw ang alter niya at hinayaang maikasal sa isang Sandoval? At sa anak pa ni Ethan Sandoval? Ang
Kenobi's POVHindi niya alam kung maniniwala siya o hindi sa sinasabi ng kaharap. Sinubukan lang naman niya itong sindakin. Hindi naman niya alam na may malalaman siyang lihim.Dissociative Identity Disorder- Parang ang hirap paniwalaan. Pero mas katanggap-tanggap iyon kaysa sa biglaang pagbabago ni Mina."Si Mina at ako ay iisa. Si Mina ay ako at ako si Mina."Ani ng babaeng kaharap niya. Matagal siyang napatitig dito. Mukha ni Mina ang nakikita niya, pero magkaiba ang mga mata ng mga ito.Sa babaeng kaharap ay walang pag-aalinlangan ito kung tumitig sa kanya. Iba sa Mina na kilala niya. Mina will always bow her head at hindi kayang makipagtitigan nang matagal. Kaya pala parang iba ito, iba sa Mina na nakilala niya. Iba sa Mina na...na mahal mo?- tudyo ng isip niya. Oo iba sa Mina na minahal niya. Sa inosenteng Mina na nagpalambot ng puso niya.Muli niyang pinaandar ang kotse niy
Hanna's POV"LET'S PLAY!" aniya sa lalaki nang makasakay na rin ito sa loob ng kotse."Play?" ulit nito."Ahhuh," aniya at tumango-tango. Mayroon siyang mas dapat unahin, pero Hindi niya mapigilan ang sariling unahing landiin ang lalaking ito. Sayang kasi e, he's so hot talaga and so fuckable! Napakalinamnam para tanggihan! At tao lang siya, mahina sa tukso."Anong laro? " Nakakunot ang makinis na noo nito pero may munting ngiti sa sulok ng mga labi.Napangiti rin siya. "Kunya-kunyarian!" aniya.Malutong na natawa ito. "Kunya- What?""Ang bobo mo naman, di mo alam yung kunya-kunyarian?" eksaheradang tanong niya dito. "Kunya-kunyarian. Yung magkukunyari tayong hindi kilala ang isa't isa. Kunwari ngayon lang tayo nagkakilala," paliwanag niya dito.Sumimangot ito. "That's stupid."Naipaikot niya na lang ang eyeballs niya. Ang hirap namang utuin ng letse na to! Halata naman na kilala nito si Mina pe