NASA LOOB NA sila ng Canteen. Nilibre siya ni Jessa ng milkshake kapalit ng pagpapakopya niya dito.
Galing din sa mayamang pamilya si Jessa yun nga lang nasa middle class nga lang ang mga ito.
Natigil ang paghigop niya sa hawak na milkshake ng may matanawan siyang grupo na papasok sa loob ng Canteen, ang grupo ng football team.
Napayuko siya para itago ang mukha niya sabay dalangin na hindi sana siya napansin ng bagong pasok, napausal pa siya ng dasal pero huli na dahil na kita na siya ng Captain ng football team.
Si Kenobi Sandoval. Kapatid ni Kristoff na bukod sa physical appearance ay wala ng pagkakapareho sa kapatid. Isa ito sa pahirap sa kanya dito sa University. Ginawa na ata nitong past time ang pangbu-bully sa kanya. Basta makita o madaanan siya nito titigil ito kahit na sa kalagitnaan ng practice para lang lapitan siya at i-bully.
"Oh, ho, ho... Look what I found here!" narinig niya ang nakakairitang boses ni Kenobi.
Tapos naramdaman niya na may sumabunot sa buhok niya at hinila iyon para mapatingala siya. Nasalubong niya ang blue green na mga mata nito. Nakangisi ito na gustong-gusto niyang kalmutin.
"A-aray!" angal niya sabay hawak sa kamay nitong nakasabunot sa kanya para hindi nito masyadong mahila ang buhok niya
"Wow, marunong ng umaray ang basura?" pang-aasar nito at mas lalo pang hinigit ang buhok niya. Kinagat niya ang labi para di na siya mapadaing dahil paniguradong lalo nitong hihilahin ang buhok niya. Nagtawanan naman ang mga teammates nito.
"Ano ba, Kenobi, nasasaktan na si Mina"" saway dito ni Jessa.
"Shut up, bitch, o gusto mong ikaw ang pagdiskitahan ko?" angil nito sa kaibigan niya.
Natahimik naman si Jessa halatang natakot. Sino ba namang hindi matatakot sa isang Kenobi Sandoval?
May pagka-psychopath ang hayop na to.
Binalingan uli siya ni Kenobi. Inagaw sa kamay niya ang milkshake. Binitawan nito ang buhok niya pero pasalya muntik na siyang sumubsob sa lamesa. Napapikit siya ng akmang ibubuhos nito ang milkshake sa kanya. Inintay niya na lang na bumuhos ang milkshake sa kanya, hindi siya umiwas pero walang bumuhos sa kanya.
Narinig niya lang ang malakas na pagsinghap sa tabi niya. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Ang una niyang nakita ay ang kamay na pumipigil sa kamay ni Kenobi para ibuhos sa kanya ang milkshake. Tinignan niya kung sino ang nagmamayari ng kamay na iyon.
Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata niya, at katulad ni Jessa ay malakas na napasinghap din siya.
Hindi siya makapaniwala kung sino ang may-ari ng mga kamay na iyon. Si Kristoff. Seryoso ang mukha nito habang nakikipagtitigan sa kapatid. Sa likod nito ay ang teammates nito at si Elizabeth na matalim ang tingin sa kanya. Mukhang may dadagdag na mangbu-bully sa kanya base sa matalim na tingin nito.
"What do you think you're doing Kenobi?" malamig na tanong ni Kristoff sa kapatid.
"Playing?" sarkastiko na sagot ni Kenobi saka tinabig ang kamay ng kapatid.
"Leave her alone, Kenobi, hindi siya laruan!" Bukod sa pagngalit ng bagang ni Kristoff kahanga-hanga ang pagiging cool nito.
"Really?" Sumulyap si Kenobi sa kanya kaya naman napayuko siya. Ayaw niyang lalo siyang pag-initan nito.
"Then let me play with your toy then," Napatingala siya dito. Naglakad ito papalapit kay Elizabeth na nagtataka din.
Napatakip siya ng bibig ng ibuhos ni Kenobi ang milkshake sa ulo ni Elizabeth. Lahat ay nabigla. Miski si Kristoff hindi inasahan ang gagawin ng kapatid
"There..." sasisiyahang sabi nito.
"You fucking asshole!" Tili ni Elizabeth.
Doon naman ata natauhan si Kristoff kaya galit na sinalya nito ang kapatid saka inupakan sa mukha. Agad na nakabawi si Kenobi at gumanti rin ng suntok. Nagpambuno ang dalawa wala namang may magkalakas ng loob na umawat miski na si Elizabeth.
Lahat ay takot na madamay sa away ng magkapatid na Sandoval. Tumigil lang ang mga ito ng may mag buhos ng tubig sa mga ito. Parehong galit na napatingin ang dalawa sa nagbuhos.
Ang iba naman ay nagulat at nagpulasan. Naiwan na lang ang mga teammates ng dalawang magkapatid, si Elizabeth, Jessa at siya.
"Mukha bang boxing ring itong eskwelahan Mr. Kristoff and Mr. Kenobi Sandoval?" Galit na nakapameywang ang Dean sa harap nila. "Sino ang nagsimula ng gulong ito?!" galit na tanong ng dean.
Halos malaglag naman ang panga niya ng ituro siya ng lahat lalo na si Kenobi na nangunguna sa pagturo sa kanya.
"Siya po!" sabi pa ng mga ito.
"Ha? B-bakit a-ako?" litong tanong niya.
"Both of you Sandovals come to my office and you too Ms. De'Marco," utos ng dean. Dumaan pa ito sa harap niya at umiling. "I am very disappointed with you Ms. De'Marco," yun lang at nilagpasan na siya nito.
"P-pero, Ma'am Buenaobre," hahabulin niya sana ito para magpaliwanag ng may umakbay sa kanya.
"Tsk... tsk... tsk... Lagot ka freak!" iiling-iling na sabi sa kanya ni Kenobi. Habang halos sakal na siya ng braso nito.
Ngali-ngaling lamukusin niya ang duguang labi nito sa gigil.
-----------------
"HINDI PORKE'T KAYO ang Captain ng basketball at football magagawa niyo na ang lahat ng gusto niyo sa University na ito!" gigil na sabi ni Dean Buenaobra. Bumaling ito sa kanya. "Ikaw, Ms. De'Marco, bakit ka nagsisimula ng gulo sa pagitan ng magkapatid na to? Do you think your parents will be glad if they know you are part of this mess?"
"Eh, Ma'am kasi po--"
"Wala po siyang kasalanan, Ma'am", sabat ni Kristoff. "Nagkapikunan lang po kaming magkapatid kaya kami nagpang-abot. Nadamay lang po si Ms. De'Marco," magalang na paliwanag nito.
Napatitig siya dito. Kahit naman pinagtanggol siya nito hindi pa rin nito nilaglag ang kapatid. Nakakahanga ito. Lalo ata siyang nahuhulog sa binata
"Laway mo Ms. De'Marco tumutulo na," bulong sa kanya ni Kenobi. Wala naman sa loob na pinunasan niya ang labi baka nga may tumulo ng laway doon.
Narinig niyang humagikgik ang demonyito. Kaya napagtanto niyang pinag titripan na naman siya nito.
"I want all your parents tomorrow morning here in my office," sabi sa kanila ni Ms.Buenaobre.
Nagtaas ng kamay si Kenobi.
"Nasa italy ang Mommy namin Miss and our dad is in a business trip in Macau they can't make it tomorrow."
Napabuntong-hininga na lang si Dean Buenaobre. "Then the both of you will clean the entire gym after class for three days as your punishment. And you Ms. De'Marco na sa ibang bansa din ba ang mga magulang mo?" tanong nito sa kanya.
"Say yes!" bulong sa kanya ni Kenobi.
Hindi niya ito pinansin bukod sa ayaw niyang magsinungaling, wala siyang balak makasama ito dahil paniguradong pahihirapan lang siya nito.
"N-no, Maam. I will tell them to come here first thing in the morning tomo.rrow," sagot niya sa dean sabay yuko
"Killjoy ka talaga, freak"" muli ay bulong na naman ni Kenobi.
Napatingin naman siya kay Kristoff na nasa harapan niya. Nailang siya sa matiim na pagtitig nito sa kanya.
"You can leave my office now. All of you," pagdi-dismis sa kanila ng dean.
Tumayo na siya at mabilis na lumabas.
Charito's POV"Hey..."Muli siyang napakurap. Hindi siya nananaginip. Nasa harapan niya si Ethan. Parang nanuyo ang kanyang lalamunan at hindi niya magawang magsalita. Bumuka at sumara ang kanyang bibig. Nagmumukha na siyang tanga, alam niya. Mabilis na nag-init ang kanyang mukha. Lalo na nang makita na unti-unting napalitan ng amusement ang kanina'y galit at pag-aalala na nasa mga mata ng binta."A-ayos lang ako," sa wakas ay nagawa niyang sabihin. Her heart beats faster that before when Ethan smiled at her with dance of joy in his eyes. Inipon niya ang lakas upang mabawi rito ang kanyang mga braso na kanina pa nito hawak."Good," anito. "Let's go." Kinuha nito sa kamay niya ang gamit niya at baliwala siyang inakbayan. Nakita niya ang gulat at bulungan ng mga nakakakita sa kanila. Maging ang dalawang kaibigan nito na nasa di kalayuan ay napataas ang kilay sa kanilang dalawa ni Ethan."S-Sandali..." pigil niya. Tinangka niyang alisin ang kamay nito sa balikat niya ngunit mas humigpit
Charito's POVMabilis niyang nilikom ang mga gamit. Bell na at huling klase niya na iyon para sa araw na ito. Kinakailangan na niyang umuwi ng maaga para tulungan ang kanyang Lola na maghanda ng hapunan. Ngayon raw ang dating ng mga magulang ni Honoracio kaya umaga pa lang ay abala na sa mansion ng mga De'Marco."Sorry," hinging paumanhin niya ng may makabungguan siya sa may pintuan. Nalaglag ang mga libro niya. Akma niya iyong pupulutin ng may sumipa roon. Umangat nag paa niya mula sa paang sumipa sa libro niya.Mga nakangising mukha nina Angelique at Janice ang nabungaran niya. Hindi na lang siya kumibo at kinuha ang mga gamit niyang nalaglag. Nakayuko siyang tumayo. Balak niya sanang lampasan na ang mga ito ngunit hinarang siya ni Janice. Itinulak nito ang balikat niya kaya wala siyang nagawa kundi mapaatras."A-ano bang kailangan niyo?" tanong niya sa mga ito. Hindi siya nagtatangkang salubungin ang mga mata ng mga ito sa takot na mas lalong magalit nag mga ito sa kanya.Naghagikg
Honoracio's POV"Hey!""Hey, yourself. What's up?" sagot niya kay Ethan na sumabay sa kanya sa paglalakad. Papunta siya ngayon sa Auditorium."Sama ka sa amin. May party kaming pupuntahan mamaya. May bagong bukas na disco bar sa Makati sina Alfon," anito. Inakbayan pa siya nito. Kasama nito ang Alfon na tinutukoy nito. Napansin niya rin si Sylvo. Kabarkada nito si Alfonso Altierra ang apo ng may-ari nang Westwood - ang University na pinapasukan nila. At si Sylvo Moretti na tahimik lang sa likuran. Puro mga anak ng maiimpluwensiyang tao ang dalawa. No wonder kung bakit malapit sa mga ito si Ethan.Sa ngayon ang tatlong pamilya ang nangunguna sa listahan ng Time magazine ng mga pamilyang maiimpluwensya sa buong Asia."Pass muna 'ko," tanggi niya kay Ethan. "May tatapusin akong thesis.""Tss, ako ng bahala sa thesis mo sumama ka lang."Alam niya naman ang ibig nitong sabihin. May mga scholar itong binabayaran para gumawa ng mga assignment at thesis nito. Kung tutuusin hindi naman na nito
Honoracio's POV"Mahal kita..." marahan at puno nang pagmamahal na sambit ni Honoracio sa babaeng kaharap niya sa gitna ng madilim na hardin ng kanilang mansion. Abo't abot ang kanyang kaba. Nanginginig pa ang mga palad niyang nakahawak sa malalambot na kamay nito.Bumungisngis si Charito, ang dalagitang apo ni Manang Jesusa, ang nag-alaga sa kanya sapul pagkabata. Dalawang taon pa lang naninirahan dito sa kanila si Charito. Ipinakiusap ng Lola nito na dito na manirahan si Charito. Pumayag naman ang kanyang Mommy at binigyan ng scholarship ang dalagita sa school na pinapasukan niya.Napakamot na lang siya sa batok niya dahil natawa na rin siya. Mahirap hindi mahawa sa pagtawa nito."Ano ba 'yan, paano kang gugustuhin ng nililigawan mo niyan?" anito. Binawi nito ang kamay nitong hawak niya. Naupo ito sa swing na naroroon.Nagtungo naman siya sa likuran nito. Humawak siya sa magkabilang kadena ng swing saka marahan iyong iginiya para umugoy."Hindi pa ba okay? Mukha ba akong katawa-tawa?
Kenobi's POVFIRST DAY of school. Maraming bagong mukha siyang nakikita. Excited ang karamihan sa mga freshmen, bagay na hindi niya nadama last year ng siya naman ang na sa lugar ng mga ito.Ano bang nakakapanabik sa pagpasok at pakikipagkilala sa ibang tao?Masyado lang iyong hussle. Mas gusto niya ang mag-isa. Nagkaroon nga lang siya ng mga kagrupo nang mag-try out siya sa football team last year.Bagot na iginala niya ang mga mata hanggang sa may nakaagaw ng kanyang pansin.Babaeng may magagandang parehas ng mga mata, na parang palaging iiyak. Maputla ang balat na parang hindi nasisinagan ng araw. Katulad ng mga bampira sa isang mov
Mina's POVNAPANGITI si Mina nang tikman ang niluto niya at masarapan sa Timpla niyon.Excited na inayos niya ang lamesa katulong si Loida.Parating na ang mag-aama niya kaya naman minadali na nila ang pag-aayos ng hapag.Saktong tapos na siya sa ginagawa ng bumukas ang pinto at marinig niya ang boses ng kambal na agad na nagtakbuhan sa dining area.Sinugod siya ng yakap at halik ng mga ito. Nasa likuran nito ang nakangiting si Kenobi na may sukbit pang kulay pink na backpack at mga paperbag galing sa isang bookstore."Hi, love!" bati nito sa kanya saka ipinulupot ang kamay sa bay