Search
Library
Home / Romance / Bound To Be Yours / 03

03

Author: Toripresseo
2024-12-13 15:06:20

Chapter 03

"Sebastian."

Napalingon si Bree noong napansin niya nawala sa tabi niya si Sebastian. Nakita niya ito nakatayo hindi sa kalayuan tapos hawak ang ulo.

"Sebastian?"

Lumapit si Bree at tinanong kung ayos lang ito. Sinabi ni Sebastian na kumikirot ang ulo niya.

Pinaupo ni Bree sa gutter si Sebastian at sinabi na doon muna ito. Kinuha ni Bree ang phone niya tapos nakita na lowbat iyon.

"Hindi pa ako nakapag-charge. Nasaan phone mo?" tanong ni Bree. Sinabi ni Sebastian na tinapon iyon no Sebastian noong nasa hospital siya. Puro picture ni Claudine ang laman, text at videos.

Sinabi ni Bree na pupuntahan niya ang driver sa parking lot ng hospital. Doon lang si Sebastian.

Aalis si Bree noong yakapin siya ni Sebastian sa bewang at sumiksik ang lalaki.

"May tauhan si dad sa paligid. Utusan mo na lang siya. Dito ka lang."

Bahagya napatigil ang paghinga ni Bree dahil sa maliit na gesture na iyon ni Sebastian.

Nagpahinga ng malalim si Bree then tumingin sa paligid. Hanggang sa napako tingin niya sa may puno at agad na nagtago iyong lalaki na nakita niya nakatayo doon.

"Hey, puntahan mo iyong driver. Masama pakiramdam ni Sebastian."

Agad na lumabas iyong guy at napatakbo palapit. Tinanong kung ano nangyari.

Bahagya siya tiningnan ni Sebastian at tiningnan parang sinasabi na umalis ito. Iwan sila doon.

Agad naman nakuha ng lalaki ang sitwasyon kaya dali-dali ito umalis sinabi na kukunin niya ang sasakyan.

"Wala ka balak bumitaw?" tanong ni Bree na nakatayo sa harapan niya.

"Nahihilo ako. Feeling ko lumulubog iyong sahig."

Kanina totoo kumirot ang ulo niya pero sandali lang iyon and tinake advantage niya ang sitwasyon para mayakap si Bree.

Kanina habang naglalakad sila nakatingin siya sa picture nila them nawala si Bree sa tabi niya.

Pagtingin niya sa unahan nakita niya si Bree na nakatalikod at naglalakad palayo. Hindi naigalaw ni Sebastian ang mga paa. Takot na takot siya sa idea na mawawala ulit si Bree.

Kung hindi niya gagawin iyon mababaliw siya ulit.

"Are you anxious. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa iyo at ano tumatakbo diyan sa isip mo pero nag-aalala ako."

Napatigil si Sebastian at fake na tumawa. Tiningnan niya si Bree at tinanong ano sinasabi nito. Noong magtama mata nila bahagya nawala ngiti ni Sebastian.

"Tell me may nangyari ba sa party? Ano ginawa sa iyo ni Claudine?"

Madilim ang anyo na tanong ni Bree. Napatigil si Sebastian and napatawa ang lalaki. Katulad ng iniexpect niya kay Bree pagdating sa kaniya sensitive ito at proactive.

"Walang nangyari sa party at hindi si Claudine ang dahilan. Its just noong nasa hospital ako nagkaroon ako ng mahaba at sobrang samang panaginip."

"So? Nagiging mabait ka sa akin dahil sa masamang panaginip na iyon? Tinakwil ka ba ni tita dahil sa panaginip na iyon iniwan mo ako sa altar?" tanong ni Bree. Na-shock si Sebastian at tinanong kung may lahing manghuhula si Bree.

"Isa iyon sa naiisip ko na maaari mangyari sa iyo kapag nawala ako," sagot ni Bree. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Sebastian noong marinig iyon kay Bree.

Napatitig si Bree kay Sebastian. Hindi alam ni Bree kung imagination niya lang pero feeling niya may kinakatakutan si Sebastian. Hindi niya lang mapoint out. Nakocurious si Bree kung ano iyon like— sa sobrang takot nito nakakagawa ng ganito na expression si Sebastian.

"Huwag ka mag-alala kahit pa takbuhan mo ako sa altar hindi ka maitatakwil nina tita. Magiging asawa mo pa din ako kahit ano gawin mo," ani ni Bree at umirap. Kailangan niya kausapin ang tito niya about doon.

Sakto dumating na din ang sasakyan nila. Tinulungan ni Bree si Sebastian na tumayo.

"Hatid muna natin si Haven sa mansion ng mga Nicastro," ani ni Sebastian pagkapasok ni Haven at sumunod siya sa loob ng sasakyan.

"Mas malapit ang mansion ng mga Volkov dito. Bakit hindi ka na mauna?" tanong ni Bree. Tumingin si Sebastian.

"Ihahatid kita."

Hindi na nakipagtalo pa si Bree at hinayaan si Sebastian.

"Anyway, mag-stay ka ba sa mansion nina tito after mo sila kausapin? Uuwi ka ba sa apartment?" tanong ni Bree. Nakahalumbaba si Sebastian habang nakatingin sa bintana.

"What do you mean? Malamang uuwi ako. Hihintayin lang kita matapos sa training mo tapos sunduin kita then uwi na tayo."

Napatigil si Bree then tiningnan si Sebastian na nakatitig sa mga ilaw. Napatingin din sa rare view mirror ang driver nina Bree at Sebastian. Tumikhim si Bree at pigil ang ngiti na tumingin sa kabilang side ng bintana.

"Umidlip ka muna gisingin kita kapag nasa mansion na tayo."

Sinabi ni Bree na hindi siya inaantok pero hinawakan ni Sebastian ang ulo ni Bree tapos nilagay sa balikat niya.

"Kapag nandito ako pwede ka magpahinga. Babantayan kita."

Napahawak ng mahigpit si Bree sa tuhod niya. Nakatingin si Sebastian sa kamay ni Bree na nanginginig. Nahit ni Sebastian ang spot na siyang iniingatan ni Bree na makita ng lahat.

'Panaginip 'man iyon or hindi— wala ako balak ulitin mga iyon kay Haven at iabandona ito dahil alam ko sa sarili ko ang maaaring maging buhay ko kapag nawala si Haven. Nakita ko na iyon at hanggang sa mga oras na iyon dala-dala ko pa din ang sakit at sobrang takot.'

Nakatulog si Bree. Noong ginising siya ni Sebastian saktong 8pm na at nasa labas na sila ng mansion.

Hindi makapaniwala si Bree na nakatulog talaga siya. Bukas na ang pinto ng sasakyan at dala na ni Sebastian ang bag niya.

"Papasok ka ba sa loob?" tanong ni Bree. Sumagot ng yes si Sebastian.

"Mag-hi langa ko kay tita."

Hinawakan ni Sebastian ang kamay ni Bree tapos nauna pumasok sa loob ng mansion.

"Oh my— Sebastian, how are you sweety?"

Lumapit si Sebastian tapos hinalikan sa pisngi si Sebastian bilang pagbati.

"Ayos lang ako tita."

Sinabi ni Hilda na kung alam niya pupunta doon si Sebastian hinintay na nila ito ng dinner.

"Kasama ko siya mom magdinner sa labas," ani ni Bree. Tumawa si Sebastian sinabi na dadalasan na nila ni Bree pumunta doon.

"Namimiss ko luto niyo."

Napatingin si Bree. Kahit attitude kasi ni Sebastian sa mom niya is nagbago.

Natutuwa naman ang ginang after marinig iyon sinabi na mananatili bukas ang mansion nila for Sebastian.

"Aalis ka ba tita? Hatid na kita sa sasakyan niyo."

Nilingon ni Sebastian si Bree sinabi na mauuna na din siya tapos kumaway. Kinuha ni Sebastian ang mga dala ni Hilda at nag-insist na ihahatid sa sasakyan.

Napahawak si Bree sa dibdib dahil sa hindi mapigilang paglakas ng tibok ng puso niya.

"No, Bree. Sigurado may kailangan si Sebastian kaya mabait siya sa iyo ngayon. Pull yourself together. Doon magaling si Sebastian maglaro ng feelings ng mga babae."

Umuwi si Sebastian sa mansion nila. Binati siya ng mga staff sa mansion ngunit sinabihan sila ni Sebastian na huwag maingay.

"Anong huwag maingay? Balak mo ba akyatin sarili mong pamamahay?"

Napatalon si Sebastian noong marinig ang boses ng ama. Agad na napalingon si Sebastian at alanganin na binati ang ama.

Seryoso na tiningnan ng matanda ang anak. Katulad ng sinabi ng asawa at mga natatanggap na report nagbago ang aura ng anak at mga actions nito.

Wala iyong Sebastian na puno ng confident at pride. Nailagay ni Sebastian ang kamay sa likod.

"Kung pumunta ka dito para kuhanin ang mga cards mo huwag ka na umasa. Kahit pa pumunta dito si Bree para kuhanin ang cards mo hindi ko ibibigay."

Na-shock si Sebastian at tinanong paano napasama si Bree sa usapan.

"Nababalitaan ko na nagiging mabait ka naman kay Bree. Stop using Bree para ayusin mga gusot mo."

Napatigil si Sebastian. Naaalala niya na narinig na niya iyon sa ama. Ngunit mas maaga niya nakuha ang warning na iyon sa ama. Narinig niya iyon 4 years before ang aksidente noong pumunta siya sa ibang bansa at kinuha ang documents niya with Claudine. Dalawang buwan siya naging mabait kay Bree then iniwan niya ito after.

"Sorry dad."

Napatigil ang matanda lalo na noong kumuhod si Sebastian. Sinabi na aayusin na niya buhay niya simula ngayon.

"Hindi ko na iseset aside si Bree at aayusin ko na pag-aaral ko."

"Honey! Dalhin natin sa hospital si Sebastian! Mukhang kailangan natin ipafull body check up itong anak mo baka may malala ng sakit."

Nagulat si Sebastian sinabi na seryoso siya doon. Lumapit pa si Sebastian na nakaluhod sinabi na magiging mabait na siya.

"Pero gusto ko talaga kuhanin card ko dad."

Sasapukin ng matanda si Sebastian ngunit hinara ni Sebastian ang dalawang braso.

"Hindi ako pwede umasa kay Bree sa mga next date namin at tumira sa apartment na binili niyo! Nakakahiya!"

Napatigil ang matanda noong marinig iyon. Binuksan ni Sebastian ang isang mata at tiningnan ang ama.

"What?"

Lahat ng pera ni Sebastian mula sa bank accounts at credit card is pera talaga ni Sebastian. Kita niya ang nandoon mula sa investment at hawak iyon ng parents niya.

Naalala ni Sebastian na simula ng kuhanin ng ama niya mga credit card at bank account niya hindi na siya nagpakita sa parents niya. Nakikita lang si Sebastian ng parents niya kapag pinakakaladkad ito ng mga tauhan na sa utos din ng ama niya.

Simula ng lumipat sila ni apartment si Bree at pinutol ni Sebastian koneksyon sa parents niya ay card na ni Bree gamit niya. Sa sobrang shameless niya pati pandate niya sa mga babae niya card ni Bree ang ginagamit niya.

"Ano gagawin ko sa iyo kapag binalik ko sa iyo ang card mo tapos dinissapoint mo ako?" tanong ng matanda. Bahagya napalunok si Sebastian noong makita ang seryoso na mukha ng ama at maramdaman ang mabigat nito na aura.

Napahawak ng mahigpit si Sebastian sa tuhod. Kailangan niya ng pera at malapit na maggraduate si Bree. Gusto niya ibili ng malaking bahay si Bree sa sarili niyang pera.

"Wala ako maooffer dad na kahit ano kasi kahit buhay ko utang ko sa inyo ni mom but bilang anak niyo at isang Volkov ipinapangako ko na hindi ko kayo ididissapoint."

Tumaho si Sebastian at bahagya ngumiti sa ama. Sinabi na aalagaan niya si Bree.

Katulad ng sinabi ni Bree hindi nga siya natiis ng ama at pinatawad siya nito kahit salita lang naibigay niya. Binalik din nito ang cards niya.

"Oo nga pala dad. Pahingi akong phone."

Napatigil ang matanda at napataas ng kilay. Sinabi na may pera na si Sebastian bakit nanghihingi pa siya ng phone.

"Baka lang kasi dad may extra ka. Gabi na kasi at malayo shop dito tapos wala na ako time susunduin ko pa si Haven sa kanila."

Sinabi ni Sebastian na may nakita siya steak sa ref na minarinate ng mom niya. Masarap magmarinate mom niya— magluluto siya doon tapos iuuwi.

"Paborito ni Haven iyong steak na gawa ni mom!"

May kinuha ma phone ang lalaki sa loob ng drawer niya tapos ibinigay sa anak.

"Thank you dad! Tawagan ko lang si Haven."

Bigla nawala sa harapan niya anak na ngayon tumatakbo palabas ng office. Sa kabilang bahagi ng kwarto tinanong ng matanda ang secretary niya kung ano pinaggagawa ni Sebastian this past few days or kung may kinikita ito bukod kay Bree.

"Accurate lahat ng nasa report sir. After ng class ni master Sebastian hinihintay niya matapos klase ni miss Bree then didiretso sila sa hospital kung nasaan si sir Castor."

"Nalaman ko din na kanina lang na hinatid ni sir Castor si miss Bree before umuwi dito. Dinala din ni sir Castor sa isang eatery si miss Bree at kumuha ng pictures na si sir Castor din nag-insist."

Sumandal ang matanda sa swivel chair at sinabing imbestigahan ang nangyari noong araw na nahulog si Sebastian sa pool.

"Bigay mo sa akin ang report bukas before ang lunch."

Bumukas ang pinto na nasa loob ng office. Lumabas doon ang isang babae na kasunod ang secretary nito at ang head maid.

"Honey, narinig ko boses mo sa speaker. Sorry sweety nasa bathroom ako kanina."

Lumapit ang babae sa swivel chair at hinawakan ang pisngi ng asawa.

"Its fine. Nasa baba pala si Sebastian."

Napatigil ang ginang. Binaba ng babae ang kamay.

"Alam ko sobra ka nadidissapoint sa anak mo but hindi healthy para sa iyo at sa anak natin ang madalas na pagtatalo niyo."

Hinawakan ng lalaki ang kamay ng asawa sinabi na hindi niya pinakaladkad si Sebastian.

"Pumunta dito si Sebastian."

Kinuwento ng lalaki lahat ng nangyari. Imbis matuwa mas nag-alala ang babae.

"Kausapin ko kaya bukas si Bree. Tanungin ko siya kung may pinagdadaanan ba si Sebastian or magpaschedule na tayo bukas para sa fully check up ni Sebastian."

Imposible magbago ang isang tao sa loob lang ng isang araw. Considering sa mga actions nito noong nasa hospital sila at mga sinabi nito after magising mula sa mataas na lagnat— natural na mag-alala sila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP