Share

02

Author: Toripresseo
last update Last Updated: 2024-12-13 15:05:42

Chapter 02

Noong nadala ni Sebastian sa garden si Castor nakita ni Bree na bahagya gumanda comprehension ng kapatid. Bahagya din nawala sa dibdib niya ang tila mga karayom tumutusok sa puso niya na halos araw-araw niya nararamdaman.

Umupo si Sebastian sa damuhan after ilagay si Castor sa harapan ng fountain. May mga lumangoy doon na karpa at nasa harapan ng mga iyon ang kambal.

"Naalala mo Beryl noong 9 years old tayo niluto natin alaga na karpa ni auntie Aoi dahil ayaw natin ng gulay."

"Paano ko makakalimutan iyon? Pinatayo ni mom sa harapan ng mga room natin tapos nakataas ang kamay."

Mahina tumawa si Castor sinabi na bigla niya gusto kumain ng isda.

"Tatawag ako sa mansion magpapaluto ako sa chef. Huwag mo paginteresan karpa na iyan— maaawa ka."

Last na nakita niya ngumiti si Beryl noong 7 years old siya after niya ito regaluhan ng hairpin.

'Lugar? Lugar Bastian! Saan ako lulugar! Kahit dito sa apartment ko hindi ako makahinga! Pagod na pagod na ako Bastian pwede ba hayaan mo naman ako huminga!'

'Bakit kasi hindi mo pa ako pabayaan! Bakit mo pinagpipilitan sarili mo sa akin! Hindi kita mahal! Ayoko ng kasal na ito at mas lalong ayoko sa iyo!'

Nakita ni Sebastian ang sarili niya at si Bree sa isang sitwasyon kung saan tuwing nagkakaharap sila palagi sila nag-aaway. Palagi galit sa kaniya si Bree at lahat ng bagay pinagbabawalan siya. Kontrolado nito ang Nicastro at Volkov. Kahit siya pa ang tagapagmana mas pinapaburan ng parents niya si Bree.

Bakit?—

"Saan ka ngayon pupunta?" tanong ni Sebastian. Maaga sila umalis sa hospital at maaga din nakatulog si Castor. This past few days umaabot sila ng 10pm sa pagbabantay kay Castor pero sa araw na iyon 6pm pa lang umalis na sila.

Pinalayas sila ni Castor as usual dahil gusto nito matulog pero iyon unang pagkakataon na umalis si Bree at hinayaan ang kakambal.

"Friday ngayon kailangan ko mag-attend ng training. 8pm," ani ni Bree. Nagtataka si Sebastian tinanong ano training iyon.

"Training iyon para sa mga successor ng mga Nicastro," ani ni Bree. Highschool pa lang si Bree pero nireready na nito ang sarili sa responsibilidad.

Naalala niya last week kinausap siya ng dad niya about sa training pero tumanggi siya at sinabihan ang parents niya na ibigay ang posisyon sa kapatid niya since wala siyang interes sa posisyon.

At the end sa kaniya pa din napunta at napunta lahat ng kapangyarihan na iyon kay Bree. Iyong dating siya is nagagalit dahil hindi siya mapagkatiwalaan ng sariling ina sa posisyon. Lahat ng sama ng loob at galit binunton niya kay Bree.

"Hindi na kita pwede isama sa training pero may one hour pa ako before umalis. Gusto mo magdinner?" tanong ni Bree and tiningnan si Sebastian.

Napatigil si Sebastian at mabilis na sumagot ng yes. Si Bree na siyempre nag-aya sa kaniya sabay magdinner. Tatanggi pa ba siya?

"Saan tayo kakain?"

Napatigil si Bree sa paglalakad. Napahinto din si Sebastian na ngayon may pagtatakha sa expression.

'What are you thinking Sebastian! She's your wife and hindi mo alam na may allergy siya sa beans!'

'Hindi ko siya pinakain siya ang nag-order!'

Naalala ni Sebastian na kapag nagkakaroon ng gathering o pinipilit siya ng mom niya dalhin si Bree sa restaurant nagoorder siya ng foods na favorite ni Claudine out of habit at lahat iyon may beans. Last na hindi kumain si Bree nag-away sila at sinabihan maarte si Bree.

Both parents nila nagalit sa kanila dahil naging malaking scandal iyon after ng nangyari na iyon. Nalaman niya lang na allergy sa beans si Bree noong kasal na sila at sumuko katawan nito. Karaniwan hindi nagrereact katawan nito sa allergy but sa time na iyon halos 2 months ito tulog dahil sa magkasama nitong stress at physical na pagod.

"Wait naalala ko mahilig ka ss street foods. Gusto mo kumain tayo doon ngayon? Namis ko din streer foods."

Napatingin si Bree. Inulit nito ang word nga street foods.

"Yes may eatery na malapit dito pwede din tayo doon."

Pumayag si Bree at tumikhim. Sinabi na si Sebastian may gusto 'non hindi siya.

Napapansin ni Sebastian kapag masaya ang babae tumitikhim ito tapos hindi tumitingin sa kaniya nagiging indenial din ito.

"Fine! Fine! Tara kain tayo doon!"

So? Ang naging pinakamaayos na date nila at hindi nag-aaway is iyong araw na iyon.

Noong nasa table na sila si Sebastian kumuha ng mga kutsara tapos ito na din nagpunas ng tissue sa kutsara.

Inilagay iyon ni Sebastian sa harapan ni Bree tapos iyong baso na nasa gitna nila.

"Kain na tayo."

Nag-start na kumain si Sebastian pero noong nakita na hindi gumagalaw si Bree. Nag-angat siya ng tingin. Ngumuguya tinanong ni Sebastian si Bree kung ayaw nito ng mga pagkain sa table.

Nagtataka siya dahil sa pagkakaalala niya si Bree nag-order 'non. Sinadya niya nga umalis sandali at sinabi na may tatawagan para si Bree mag-order ng prefer nito na food.

"Ah no. Nagulat lang ako."

Kinuha ni Bree ang kutsara at sumubo na ng pagkain. Ngayon naaalala ni Sebastian kay Claudine niya lang iyon ginagawa at madalas niya ginagawa iyon sa harapan pa ni Bree.

Nagkibit-balikat si Sebastian— wala na siya balak ulitin mga pagkakamali na iyon at magpofocus na siya sa well being ni Bree. Nahawakan niya ng mahigpit ang hawak na kutsara.

Hindi niya hahayaan mawala ulit si Bree sa kaniya. Mabubuhay si Bree ng mas matagal at tatanda sila magkasama.

"Oo nga pala Haven gusto ko tulungan mo ako i-convince si dad," ani ni Sebastian. Napatigil si Bree sa pagkain at salubong ang kilay nito tiningnan si Sebastian.

"Kung about sa apartment at mga bodyguard mo hindi pwede Bastian. Hindi ka din pwede pumunta sa party ni Claudine or pumunta abroad—"

"Woah! Woah! Wait!"

Itinaas ni Sebastian ang kamay sinabi na wala pa siya sinasabi.

"Wala diyan gusto ko sabihin. Pakinggan mo muna ako okay?" ani Sebastian. Hindi mawawala pagkakagusot ng mukha ni Bree. Feeling ni Sebastian kapag may nasabi siya na hindi maganda tataob ang table nila.

Pero hindi naman sa panget iyong sasabihin niya since para din iyon sa kanilang dalawa specially kay Bree.

"Its just tulungan mo lang ako convince si dad na magtraining din ako para sa position."

Bahagya nawala ang black aura ni Bree. Tinanong ng babae bakit pati siya kasama.

Pinaglaruan ni Sebastian ang daliri. Inamin ni Sebastian na few days ago nag-away sila ng dad niya at hanggang sa mga oras na iyon hindi pa sila nagiimikan.

"Sinabi ko na ayaw ko ng position at binalaan sila ma kapag pinilit niya pa ako magpapalit ako ng apilyido."

Ayon nasapok siya ni Bree. Napa-aww ang lalaki medyo masakit iyon kay Sebastian pero alam niya deserve niya talaga masapok dahil kasalanan niya iyon.

"Fine sasamahan kita but before iyon magsorry ka muna kay tito."

Tinanong ni Sebastian si Bree kung sa tingin ni Bree kakausapin pa siya ng ama.

"Kung ako magulang mo tapos may anak ako katulad mo ako na magkikick out sa iyo. They have so many endurance to keeping you as a parent."

"Mapapatawad ka ni tito either hindi ka mag sorry sigurado kakausapin ka niya as long as ikaw una kumausap sa kaniya."

Noong narinig iyon ni Sebastian bahagya nawala ang doubt niya sa sarili at sa tolerance ng parents niya sa kaniya bilang anak. Kung si Bree nagsabi 'non sure siya tama iyon.

"Sebastian? Oh my gosh. What are you doing here?"

Napatingin si Sebastian noong may sasakyan ang tumigil sa harapan ng eatery. Nakita niya sa loob ng sasakyan si Claudine. Nakasuot ito ng sun glasses kahit pa gabi na.

Napatigil si Bree sa pagkain at tinawag na ang matanda para bayaran kinakain nila. Sigurado kasi paalis na din si Sebastian.

"Hindi ka pa tapos kumain hindi ba? Hindi mo pa inuubos kinakain mo. Ayaw mo na ba?"

Hinawakan ni Sebastian ang wrist ni Bree noong itaas iyon ng babae para lumapit ang matandang tindera.

"Akala ko aalis ka na," ani ni Bree. Kumunot ang noo ni Sebastian.

"Wala pa 1 hour akala ko ba 8pm pa training mo."

Kumunot noo ni Claudine dahil sa pag-act ni Sebastian na parang hindi siya nakita. Naalala niya kapag nakikita siya ni Sebastian para itong tuta lalapit sa kaniya.

"Sebastian—"

Napatigil si Sebastian tapos lumingon kay Claudine. Salubong ang kilay nito sinabihan si Claudine na umalis na.

"Naiistorbo mo pagkain namin at nakakaabala iyang sasakyan mo. You see madaming costumer."

Na shock si Claudine after marinig iyon kahit si Bree. Nagsalita ang manager ni Claudine sinabi na may pictorial pa sila na dapat daanan ni Claudine at malilate sila.

Isinara na ang binatana at umandar na ang sasakyan.

"Ano nangyari kay Sebastian? Bakit niya sinabi iyon? Ano na naman mga scheme ng babae na iyon?"

Napatigil si Claudine sa idea na maaari binablackmail ni Bree si Sebastian kaya nasabi iyon kaya naman sinubukan niya tawagan si Sebastian.

Nagulat ang babae dahil off ang phone ni Sebastian.

"Seriously? He was totally off his phone!"

Napatingin ang manager sa babae. Galit na galit ito habang hawak ang phone niya.

Naalala niya naiinis si Claudine sa presensya ni Sebastian. Todo reklamo palagi ito sa mga kaibigan niya about sa pag aligid-aligid ni Sebastian sa kaniya tapos sa pagsasama-sama nito sa iba't ibang babae.

Sebastian Volkov, isa sa mga lalaki nagpupursue kay Claudine. Kilala ang lalaki dahil sa pagiging playboy nito at madalas din ito nahuhuli ni Claudine. Napag-alaman niya din ginagamit ni Sebastian ang ibang babae para pagselosin si Claudine.

Perfect si Sebastian pagdating sa appearance pero hindi ito pinapatulan ni Claudine sa idea na hindi ito mayaman. Isama pa na may babae dito buntot ng buntot kay Sebastian at lagi ito nakakaaway.

Napaisip ang manager. Sa capital noong pumunta siya doon para sa contract may nakita siyang magazine. Sa magazine na iyon nandoon ang mukha ng babae na palagi nakasunod kay Sebastian. Kasama nito sa litrato ang kilala ngayon na lawyer sa Australia. Hilda Alegre— Nicastro. Hindi niya alam kung dapat ba niya sabihin iyon kay Claudine.

Naitikom ng manager ang bibig. Kumpirmado na si Haven Bree Nicastro ay isa sa mga tagapagmana ng isa sa mga makapangyarihan na pamilya sa kontinent nila. Hindi dapat nila ito maoffend.

Kalaunan sa eatery after makakain ni Bree si Sebastian na ang nagbayad.

"Bawal card dito."

Tumawa si Sebastian. Itinago ni Bree ang card sa likod niya at sinabi na alam niya. Umiwas ito ng tingin. Tumawa lang ang lalaki at nag-agree. Nagpanggap siya na hindi nakita iyong card na dapat ilalabas ni Bree para magbayad.

"May 25 minutes pa tayo. Gusto mo ng dessert?" tanong ni Sebastian. Tumingin si Bree sinabi na ayaw niya na ng cake.

"Wag ka mag-alala hindi cake. Tara—"

Hinila ni Sebastian si Bree sa isang stall. Doon may nagtitinda ng mga sweet balls. Gawa mga iyon sa strawberry tapos nilagyan ng chocolate syrup.

Sa kalayuan may guy na nakatayo hindi malayo sa dalawa. Palihim nito kinuhanan ng litrato si Sebastian at Bree.

Maya-maya tumunog ang phone nito kaya agad na sinagot iyon ng lalaki.

"Sir?"

"How's Sebastian?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Huwag ka mag-alala sir. Buong araw niya kasama si miss Bree. Ngayon nasa food stall sila."

"Ulit?"

Sumagot ng yes ang lalaki. Akala niya mahihirapan siya sa mission na iyon like— iyong mga tauhan ng boss niya bago siya mga nag-quit dahil hindi nila kaya bantayan ang anak ng boss nila.

Bukod sa palagi ito nawawala sa paningin nila naiipit mga ito sa gulo ng dalawang tagapagmana which is si Bree Nicastro at Sebastian Volkov.

Nagtataka siya dahil sa tingin niyo nagkakaget along ang dalawa. May mga time na nakikita niya nagtatalo ang dalawa pero sandali lang iyon.

Katulad ngayon— tumakbo paalis si Sebastian at may hinabol na babae.

Sumalubong ang kilay ni Bree after makita iyon tapos kinaladkad pa ni Sebastian ang babae palapit sa kaniya.

"Look hindi ako interesado sa mga babae mo hindi mo sila kailangan ipakilala sa akin."

"Ano sinasabi mo? Magpicture tayo!"

Nakita niya kasi may hawak na camera iyong babae kaya humingi si Sebastian ng favor na kuhanan sila ng picture at magbabayad siya.

"Picture?"

"Yes!

Dahil medyo madilim sa area na iyon naghanap sila ng lugar saan may ilaw. Tiningnan ni Sebastian si Bree na mukhang nabato sa kinatatayuan after makita ang camera na nakapako sa kanila.

Tumawa si Sebastian then inakbayan si Bree tapos hinilig ang ulo niya sa ulo ni Bree— napatingin ang babae.

Sunod na pagflash ng camera tumingin si Bree and bahagya inangat ang kamay. Inilagay niya iyon sa bewang ni Sebastian dahilan para napatigil ang lalaki.

Bahagya naman kinilig ang photographer at tinanong si Sebastian kung girlfriend niya si Bree.

"No," sagot ni Sebastian after kuhanin ang picture tapos tiningnan iyon. Hindi naitago ni Bree ang dissapointment noong marinig iyon. Hindi iyon nakita ni Sebastian dahil nasa likuran niya lang si Bree.

"She was my fiancee."

Dagdag ni Sebastian tapos pinakita ang litrato sinabi na maganda si Bree sa third shot ng babae.

"Kunin ko lahat ng ito. Magkano lahat?"

"No its fine. Free na iyan."

Sinabi ng babae na hindi niya sinundan doon si Sebastian para magpabayad. Sinabi ng babae na sweet si Sebastian.

Sumilip ang babae kay Bree na bahagya napatigil. Ngumiti ang babae sinabi na swerte si Bree kay Sebastian.

"He was a sweet guy."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound To Be Yours   12

    Chapter 12Nashock ang ilang staff na nandoon sa club after makita si Sebastian. Lalapit ang manager noong palihim siya ni Sebastian sinyesan na huwag na lumapit. Hindi siya pumunta doon para umagaw ng atensyon. Nakita niya si Claudine na pinalilibutan ng mga tao at umiiyak. Nakita niya din ang babae na sobrang familiar sa kaniya. "Sebastian."Noong lumapit siya umiiyak si Claudine na lumapit at yumakap. Nagulat ang mga kaibigan ni Claudine na naalala ni Sebastian na pinagtitripan siya palagi.Gumusot ang mukha ni Minerva after siya makita. Curious si Sebastian ano na naman ginawa ni Claudine. Natulala ang mga kaibigan ni Claudine na babae kay Sebastian. Bukod kasi sa nagbago ang style ng pananamit nito pati ang aura nito is nagbago. Mas lumakas din ang karisma nito kaya madami sa mga babae sa club ang nakatingin sa side ni Sebastian. "Ano nangyari?" tanong ni Sebastian. Sinabi ni Claudine na bigla na lang lumapit sa kaniya si Minerva at kung anu-ano sinabi sa kaniya. "Look! Sina

  • Bound To Be Yours   11

    Chapter 11Naging agaw pansin sila doon like karamihan sa room na iyon nakatingin kay Bree at Sebastian. Nakaupo si Bree sa table ni Sebastian dala ang bag nito. Tinanong ni Sebastian ano ginagawa doon ni Bree at tinanong kung wala ito klase. "Break time na namin. Hindi ka sumagot sa text ko kanina kaya naisipan ko dumaan."Pinakita ni Sebastian ang work books niya sa gilid ng table sinabi na kailangan niya ipasa iyon ngayon araw. "Low battery din ang phone ko. Hindi ko nadala iyong power bank ko."Winagayway ni Sebastian ang phone niya sa harapan ni Bree. May hinalungkat si Bree sa bag niya tapos inabot kay Sebastian ang power bank niya. "Icharge mo."Natutuwa na kinuha iyon ni Sebastian at isinaksak ang phone niya. Totoo namatay ang phone ni Sebastian at low battery ito. "Hey Volkov, kapatid mo ba iyan? Hindi namin alam na may maganda ka palang kapatid," bati ng isa sa mga kaklase ni Sebastian at nagtawanan. May grupuhan pa tinanong kung may boyfriend ito. Madalas niya kalaro

  • Bound To Be Yours   10

    Chapter 10As expected nagalit ang parents ni Sebastian ngunit ang hindi nila inaasahan is nanatili tahimik si Sebastian at tinanggap lahat ng salita ng parents niya. Karaniwan kasi sa ginagawa nito is binubulyawan nito pabalik parents niya at umaalis pero ngayon nakaupo lang ito sa tabi niya at nakayuko. Sinabi ng ginang na sumasakit ang batok niya. Napatigil si Sebastian at napaangat ng tingin. "Nanny! Pakuha ng tubig si mom tapos patawag ng doctor!"Nataranta si Sebastian at tumabi sa mom niya. "Mom huwag ka na magalit. Im sorry okay hanggang ngayon iniisip ko pa din gagawin ko but sisiguraduhin ko na aakuin ko ang bata at tatanggapin ang responsibilidad kung akin talaga iyon. Wala sa choices ang abortion at napag-usapan na namin iyon ni Haven."Napatitig ang ginang kay Sebastian at bahagya nakalimutan ang inis nito sa anak. "Ano gagawin mo sa mga Nicastro? Pumayag si Bree paano ang parents niya?"Napatigil si Sebastian tapos tiningnan si Hilda. Napabuga ng hangin si Hilda na

  • Bound To Be Yours   09

    Chapter 09Tinabig niya lahat ng bagay na nasa table. Nasa loob siya ng library at ngayon nag-iinit ang mga mata niya. "Bwisit!"Hinampas ng lalaki ang table at napaupo sa sahig. "Bakit feeling ko mas lalo lumalala ang sitwasyon tuwing sinusubukan ko iyon baguhin?"Pilit na pinakakalma ni Sebastian ang sarili. Tiningnan ni Sebastian ang notebook na nasa paanan niya. Nakabukas iyon at nakasulat ang pangalan ni Bree at Castor. Before ang operation ni Castor nag-away si Bree at ang ama nito na si Arthur Nicastro. After 'non hindi na ni Bree kinausap ang ama at isa iyon sa narinig niya sa last will. Iyon ang unang beses na nagkagitgitan ang mag-ama at nagkaroon ng lamat sa pagitan ng mga Nicastro at Volkov. Isa iyon sa reason bakit naisipan niya ang family reunion na iyon at iinvite ang dalawang pamilya. FlashbackNoong 5am na nagtawag ng mga tao iyong doctor na nagbabantay kay Castor. Bigla kasi hindi nagising si Castor at super hina ng heartbeat nito. Nagkagulo ang mansion at mab

  • Bound To Be Yours   08

    Chapter 08"Sabihin mo Beryl na hindi mo alam ito."Nasa loob sila ng mansion. Sinabi ni Beryl alam niya iyon at siya nagaya kay Castor na sumama. "Hindi totoo iyon. Wala ako sinabi kay Haven na binigyan niyo ako ng permiso ilabas si Peri."Naiyukom ng matandang Nicastro ang mga kamao. Nagulat naman doon si Bree like umamin ito. "Sebastian!" may diin na sambit ni Bree. Bumigat ang atmosphere. "Huh! Sebastian, hindi ka ba talaga magtitino at titigil sa pagbibigay sa amin ng problema?" pikon na sambit ng matandang Volkov. "Hindi maganda ang lagay ni Peri bakit niyo siya nilabas sa hospital!" histerical na tanong ni Hilda tapos tiningnan si Bree. "Beryl naman. Alam mo na hindi pwede lumabas si Peri sa hospital. Bakit hindi mo pinigilan si Sebastian?"Lumabas kasalanan na naman ni Bree. Nanlamig si Sebastian noong mapansin na lahat ng tingin ng tao na nasa living room is nakapako ang tingin kay Bree. Malinaw na siya may kasalanan at umamin siya. Bakit kay Bree pa din iyon sinisisi.

  • Bound To Be Yours   07

    Chapter 07"Just call me kung gagawa ka ng mga ganoon na stunt. Sasamahan kita."Napatigil si Sebastian and nilingon si Bree. Pagkashower at pagkapalit ng damit bumalik sa Bree sa rooftop kung nasaan ang pool. Siyempre noong bumaba siya kasama nito si Sebastian na agad naman sumunod sa kaniya. "Sasamahan? Mag-night swimming ka din?" tanong ni Sebastian na natatawa. Ayaw ni Bree sa tubig. Why? 'Sobrang lamig ng tubig at sobrang creepy sa ilalim. Feeling ko kinakain ako ng tubig.'Narinig niya iyon accidentally noong nagkukuwentuhan si Bree at Castor about sa night out ng section ni Bree. "I just not want to see you eaten."Nabato si Sebastian sa kinauupuan. Nasa bench si Bree habang si Sebastian nakaupo sa sahig at nakasandal sa gutter. Nakatingala ang lalaki habang nakatingin kay Bree na nakatingin sa pool. Napatingin si Bree sinabi na ipupull out niya si Sebastian. Napalunok si Sebastian at naiyukom ang kamao. "Then ikaw na bahala sa akin Haven."Sandali napatigil si Bree then

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status