ISA-ISA silang tiningnan ni Hunter. Nahihiya naman na tumingin si Athana kay Hunter pagkatapos niyang ipakilala rito ang kanyang mga kasamahan sa trabaho, maliban lang kay Gun at sa kambal na anak niya dahil nasa loob lang ito ng sasakyan nila. Nandito rin sila ngayon sa labas ng Luxcious Hospital. Nakasuot rin ng formal attire si Hunter ngayon dahil kagagaling lang daw nito sa isang important meeting with their clients.
“Uhm… pasensya ka na. Kailangan ko talaga ng tulong mo ngayon.” Nahihiyang sabi niya.
“No, no, it’s okay… I just didn’t expect na marami ka palang kasama,” saad nito.
Napahawak naman si Shine sa braso ni Athana at bumulong ito sa kanya. “Ms. Eight, nakakakilig ‘pag nagtatagalog siya.” At pagkatapos umayos ito ng tayo.
Napansin naman ni Hunter na napangiti si Athana kaya nag-iwas ito ng tingin.
“Uhm… let’s go? Sundan n’yo nalang ako.” Saad ni Hunter at tumalikod na ito.
Pabiro naman na kinurot ni Athana ang tagiliran ni Shine dahilan upang mapangiti ito, at bumalik na