“Na sa akin,” mabilis na sagot ni Chloe.
Inabot niya ang kwintas kay Justine. Maingat siyang inalalayan ni Justine, sabay abot ng isang sterile evidence tray.
“Pakilagay rito,” pormal ngunit magalang ang tono nito.
Marahang ibinaba ni Chloe ang kwintas, saka bahagyang umatras. Agad nagsuot si Justine ng latex gloves at binuksan ang fingerprint kit mula sa kanyang maleta.
“Gagamit tayo ng cyanoacrylate fuming para lumabas ang latent prints,” aniya habang nilalagay ang kwintas sa isang maliit na portable chamber. “Mas madali itong mag-develop sa metallic surfaces tulad nito.”
Tahimik ang paligid habang unti-unting lumilitaw ang mapuputlang bakas ng mga daliri sa ilalim ng controlled fumes. Pagkatapos ng ilang minuto, tinanggal ni Justine ang kwintas at nilipat ito sa ilalim ng fingerprint scanner.
“Tingnan natin kung ilan ang prints,” bulong niya, nagta-type sa maliit na laptop na konektado sa scanner. Ilang saglit pa, lumabas ang resulta sa screen.
“Dalawang distinct fingerprints ang n