Nagising si Raphael nang makaramdam ng uhaw. Tinignan niya ang katabing pwesto kung saan natulog ang asawa niya. Wala na roon ang asawa niya. Napatingin siya sa wall clock, alas nueve y media na ng umaga. Malamang sa malamang ay umalis na ang asawa niya para sa trabaho, hindi siya sanay na hindi ito nakikita bago ito umalis ng trabaho.
Masyado kasi silang nagkatuwaan magkakaibigan at inabot nang madaling araw. Hindi na nga niya maalala kung ilang bote ng alak ang nainom nila. Matagal-tagal na rin kasi noong huling magsama-sama silang magkakaibigan. Naging abala siya nitong mga nagdaang buwan, kung hindi trabaho ay ang asawa niya ang inaatupag niya.
Naghilamos muna siya ay nagsipilyo at nagsuot ng disenteng damit bago bumaba. Sanay kasi siyang naka-boxers lang matulog o ‘di kaya walang saplot. Lalo pa at gabi-gabi silang may extra-curricular activities ng asawa niya. Aayaw-ayaw pa siya sa asawa dati pero ngayon, ngitian lang siya ni Athalia nag-iinit na agad buong katawan niya. Dinaig