Ang araw na nawala sa kanya si Baby Boo ay ilang araw bago ang kaarawan ng asawa niya. At ang araw na iyon ay ngayon, paggising niya ay nakaramdam agad siya ng lungkot. Kung buhay ito ay panigurado, nangungunsimi siya sa kakulitan nito ngayon.
“Tita Mommy!” bibong-bibo na bati ni Ash sa kabilang linya. Tumawag ito gamit ang numero ng Mommy niya.
“Good morning, Baby!”
“Bibisitahin natin si Baby Boo? Birthday niya po today, ‘di ba?” excited na wika nito.
Paano siya makakatanggi sa cute na cute na batang ito? Hindi niya kasi alam kung paano ilulusot kay Raphael na hindi nito nahahalata na nakakaalala na siya. Hindi niya gusto na makagalit na naman ito sa kanya.
Nakikisama yata ang panahon at day off niya ngayong araw. Kaya mas lalong hirap siyang tumanggi.
“Oo, na. Magpaalam ka sa Mama mo. Susunduin kita, okay?”
“Okay, Tita Mommy!” magiliw na sabi nito.
Pinatayan niya ito ng tawag.
“Who’s that?”
Napaigtad siya sa gulat nang nang makita si Raphael sa gilid niya. Kinunutan niya ito n