Pagkalabas ko'y inalalayan agad nila ako habang naglalakad patungo sa mismong pinto ng RTC.
"Attorney, ano pong masasabi niyo sa nagsampa ng kaso kay Sandoval?"
Bakit nairita na naman ako sa mga reporter ngayon?
"Pakisabi, tangina sila." mahinanong banggit ko.
Napatigil naman sa pagtatanong ang reporter samantalang ang ibang reporters ay nagsitawanan.
"Hindi ba't kasama siya sa YinYang of the Court Trials?"
"Ay oo! Siya rin 'yong nagpakulong sa kilalang Congressman na may sindikato. Yung nakulong na si late Congressman Heubert Marquez!"
Nagpatuloy lang sila sa pagbubulungan habang ang ibang reporter ay patuloy pa rin ang paghabol sa akin para magtanong. Nang makapasok ako sa mismong RTC ay tinantanan na rin ako ng mga reporter. Mabuti na lang at walang reporter sa loob pero sa tingin ko'y mayroon pa ring nakaabang sa mismong court room. Sana'y mas disiplinado ang mga reporter doon.
Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa lugar na tinext ni Jelsey, kung saan sila naghahanda para sa initial appearance at arraignment ni Sandoval.
Pagpasok ko'y nandoon nga sina Jelsey, Sandoval, at dalawang pulis na nagbabantay sa loob. "I'm his private attorney, Christine Villeza." banggit ko sa mga pulis. "Can we have this room for a few minutes?"
Mabilis naman na tumango ang mga pulis at lumabas na. Nanatiling nakaposas si Sandoval habang si Jelsey ay tumango lang sa akin at patuloy na nag-type sa keyboard niya.
"How are you?"
"Still stunned at your beauty." Sandoval smirked and winked. Nagpantig ang aking tainga sa narinig. Kailangan naming maging seryoso para sa kaso niya ngayon pero ito niya, nakikipag-landian.
"May sinabi ka bang katangahan sa media?" diretsang tanong ko. He was taken aback by my question but instead of being as arrogant as me, he smirked.
"No. I have my attorneys to speak for me." he said, calmly.
"Did someone assault you?"
"What do you mean assaulted by someone?" he laughed for a bit. "I mean, I have many enemies. Pwede akong barilin bigla ng mga reporter. Pwede silang mag-hire ng sniper para mas malinis. Ano bang tinutukoy mo, Attorney?"
He seemed serious now. Mas maganda dahil ilang minuto na lang ay maaari nang magsimula ang preliminary hearing.
"Police." I spat directly. "May police bang nanakit sayo sa kahit anong paraan?"
Alam naman natin na masyadong agresibo ang mga pulis dito sa Manila. Hindi ko nilalahat ah! Marami pa ring mga matitinong police dahil marami rin akong kilalang maasahan talaga ng bayan.
Pero sa kaso ng isang bilyonaryong si Sandoval, ibang usapan na 'yan. Tama naman ang gagong 'to. Pwede siyang patayin kahit kailan. Kaya mas mabuting nasa police custody talaga siya kaysa sa bilibid dahil mas ligtas siya sa solong space niya.
"Wala naman." he assured. Pagkatapos ng ilang minuto'y bigla muli itong nagsalita. "Ay meron palang isa."
Napakunot bigla ang noo ko. Kaya ko kasi tinatanong ay dahil sasampahan ko ng kaso ang lahat ng manakit kay Sandoval. Madali lang naman 'yon eh, marami akong time. Hindi ko lang kasi masikmura ang ibang mga may kapangyarihan na nagagawang makasakit ng ibang tao. Pasalamat nga sila't hindi sila napagkakaitan ng kalayaan. "Sinong isa?"
"Hindi ko kilala." Ngumisi naman ito't bahagyang natawa. "Hinipuan ako eh. Nakakainis lang dahil hindi niya inulit."
Napailing na lang ako sa tinuran niya. Akala ko naman kung ano, katangahan lang pala. "Ang gago mo talaga eh, 'no?"
He chuckled. "I know right."
"Attorney Christine, Public Defender Jelsey, kailangan niyo na pong pumunta sa court room." Napatingin kaming lahat sa isang pulis na pumasok. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jelsey at tumango. Inalalayan at binantayan naman ng mga pulis si Sandoval habang papalabas kami ng kwarto.
Habang naglalakad kami papunta sa court room ay marami nang nakatingin sa amin at nagbubulungan. Ang iba'y mga disenteng reporter, mga abogado, mga esudyanteng mag-a-abogado, at ang iba'y mga judge na nakilala ko sa tuwing may hawak akong kaso. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok sa court room.
NANG MATAPOS ako maligo ay kumain na kami't nag-ayos ng aming mga sarili. Nagsuot ako ng red long sleeves at long, black coat para handa na ang aking ayos papunta sa preliminary hearing namin para kay Sandoval. I paired it with high, black stiletto, criss-cross stockings, and dark blue skirts, which have made me more formal than my other lawyer-attires. Si Jelsey naman ay ganon rin, magkaiba lang kami ng kulay na pinili sa mga damit namin.
"Tara na, Jelsey!" Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sari-sarili naming kotse. I hopped into my 2021 Acura ILX while Jelsey got her 2021 Porsche 911. Halata sa kotse niya pa lang na napakayaman niyan ni Jelsey. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nag-aasawa.
Ilang minuto lang ang byahe namin dahil wala namang traffic masyado dito sa Pasig lalo na sa ganitong oras. Nang makapag-park na kami sa parking lot ng Pasig General Hospital ay pumasok na agad kami sa loob at dumeretso sa kwarto ni Jayron. We were wearing black caps to hide our face from everybody. Alam niyo na, baka kasi pagkaguluhan. Lalo na ngayo't kalat na kalat na sa media ang first appearance ni Sandoval sa Metropolitan Trial Court o MTC dito sa Pasig.
Pagbukas namin ng pinto ng kwarto ni Jayron ay may bumati agad sa'min. "Hay, salamat at nakadalaw ka rin, Ate Christine!" Nakangiting pagsalubong sa akin ng aking kapatid. "Oh, nand'yan din pala si Attorney Jelsey. Hi po!"
"Ate Jelsey na nga lang, Jayron." Nakangiting giit ng aking kaibigan. Umupo muna siya sa bench sa tabi ng pintuan samantalang ako'y tumabi muna kay Jayron at umupo.
"Nasanay lang po ako, Attorney-- este Ate Jelsey." saad ni Jayron. Nang dumako ang tingin nito sa aking bitbit na mga prutas at mga tsokolate ay mas lalong lumawak ang ngiti nito. "Wow, ang dami naman niyan, Ate Christine." Kumuha agad ito ng isang mansanas at kinain 'yon. "Salamat po!"
"Walang anuman, Jayron."