SA pagkapasok ni Velora sa loob ng kanilang apartment na magkapatid ay bumungad ang madilim at nakakabinging katahimikan.
Nang binuksan niya ang ilaw ay bumalot ang liwanag sa paligid. Andoon pa ang sopa at ilang mga gamit sa sala. Kaagad siyang pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto. Napansin niya ang dalawang maleta. Nasa maleta na ang kanyang mga damit. Bukas ng gabi ay pupunta siya sa Maison para kausapin si Rosenda.
'Di siya tatalikod sa napag-usapan. Malaki ang pangangailangan niya sa pera.
Naupo si Velora sa gilid ng kanyang kama. Binuksan ang kanyang bag at kinuha ang tseke na bayad sa kanya ni Dewei.
"Patawarin mo ako, Dewei. Kung kailangan ko mang gawin 'to." Nangingilid ang mga luha na sabi ni Velora habang nasa tseke ang kanyang mata.
Pinunasan niya ang mga luha niya at ibinalik ang tseke sa loob ng kanyang bag. Naihiga ni Velora ang kanyang likod sa kanyang malambot na kama. Namiss din niya ang kama niya. Masakit man ang kanyang buong katawan dahil sa naganap sa pagitan nila