"SINO nga kayo ulit? At ano ang kailangan niyo kay Velora?" Nakataas ang kilay ng matabang babae habang nagpapalit lipat ng tingin kina Dewei at Jai.
"Ahmm... Ma'am, I'm Jai, and this is my boss, Mr. Hughes. Taga-Solara Essence po kami..."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Aling Susan sa narinig. Kilalang kilala niya ang sikat na brand ng pabango na Solara. Sa katunayan nga ay mayroon siyang binili na pabangong, tatak Solara.
"Solara Essence? Iyong sikat na brand ng pabango?" Hindi makapaniwala pa rin na tanong ng ginang.
Tumango si Jai. "Opo. Andito po kami para tanungin si Velora sa inyo. Saan pong lugar sila lumipat ng bahay?"
Namula bigla ang pisngi ng ginang. Nasa harapan niya ang may-ari ng pinakasikat na brand ng perfume sa bansa. Hindi pala basta basta ang mga ginoong bisita niya. Nahiya tuloy siya sa dalawang binata dahil sa inasal niya kanina.
"Akala ko talaga mga manliligaw kayo ni Velora..." ani Susan, napapakamot sa ulo.
Nagkatinginan sina Dewei at Jai.
"No! We're n