ALAS ONSE ng umaga nang makauwi si Dewei sa mansyon. Nakaligo na siya at iba na din ang damit na suot niya. Salamat kay Jai na sa condo siya dinala kesa dumiretso sa mansyon.
Nai-park ni Dewei ang kanyang kotse sa malaking parking space sa gilid ng mansyon. Pagkalabas niya ng sasakya, napansin niya ang bagong bagong kotse na katabi ng kotse niya.
Saglit niyang pinagmasdan ang latest na model ng BMW. Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng mansyon.
"Good morning, mom and dad..." masiglang bati niya sa ina. Nadatnan niya ang parents niua na nasa sala.
Nilapitan niya ang ina at hinalikan sa pisngi. Wala itong reaksyon at ni hindi man lang siya nginitian.
May tampo na naman ang mommy niya.
"Where have you been yesterday, Dewei? Hindi ka umuwi kagabi. We're supposed to have dinner with the Sarmiento family." Sabi ni Solara sa anak at tinaasan niya ito ng kilay.
Napahinto si Donny sa pagbabasa ng newspaper at tumingin sa anak na humalik din sa kanyang pisngi.
Napatampal si Dewei sa