NAPABALING ang tingin ni Velora sa kanyang katabi. Muli naulit na may nangyari sa kanila ni Dewei. Nasa isip niya na sana ganito din siya kabilis makatulog.
"Ang guwapo talaga ng g@gong ito kahit tulog," bulalas niya na titig na titig sa guwapong mukha ni Dewei. May sumilay na ngiti sa labi ni Velora pero may pait sa puso niya.
Dumapo ang isang kamay niya sa pisngi ng binata. Marahang hinaplos iyon.
Napagpasyahan ni Velora na bumaba sa kama. Wala siyang pakialam kung wala siyang saplot sa katawan. Hindi naman na din siya makakatulog.
Dumiretso siya sa banyo para muna maligo. Nang matapos ay nagsuot lang siya ng maluwag na t-shirt at shorts na maong. Pagkatapos ay nagsuklay at lumabas ng kuwarto.
Nagmamadali na pumunta si Velora sa kusina. Baka kasi magising na din si Dewei. Kung may makakita sa kanila aakalain ng iba na may relasyon o para silang mag-asawa dahil sa iisang bahay sila nakatira at natutulog sa isang kuwarto.
Sila lang ni Dewei ang tao sa resthouse, wala ang katiwa