MABILIS lumipas ang isang linggo. Walang naging problema sa pagsasama nina Velora at Dewei sa resthouse ng binata, maliban na lang sa madalas na pag-alis ni Dewei, na hindi alam ni Velora kung saan ito nagpupunta.
Hindi naman siya makapagtanong sa binata. Wala siyang karapatang magreklamo at sabihin ang kahit anong saloobin niya. Pero, masaya siya na kahit paano ay maayos naman ang pakikitungo ni Dewei sa kanya.
Para hindi mabagot si Velora ay inaalagaan niya ang mga halaman na garden, wala namang gagawa kundi siya lang. Palagi rin siyang naiiwan sa bahay. Saka para mawala na rin ang pagkamiss niya sa kapatid. Nagiging abala ang isip niya sa paghahalaman.
Kagaya ngayon, wala si Dewei. Tiyak na gagabihin na naman ng uwi ang binata.
Kinagabihan, mataman na naghihintay si Velora sa binata. Alas nuebe na ng gabi ay wala pa ito. Malamig na ang mga pagkain na inihanda niya. Nagluto pa siya kung hindi rin naman pala kakainin. Masisira at masasayang lamang.
Nakaidlip na lang siya sa upua