PUMASOK ang isang maganda at seksing babae sa loob ng opisina ni Dwight. Maiksi ang palda nito at nakabukas ang tatlong unang butones ng blouse nito.
"Dwight, how are you, sweetheart?" Malanding tanong ni Nathalia, naitukod pa ang dalawang kamay sa lamesa na lalong nagpaluwa ng d1bd1b nito sa suot.
"Oh, hi, Nathalia. Maigi na lang at dinalaw mo ako sa opisina ko. It's so boring here." Nakangising tugon ni Dwight na tumayo mula sa kanyang swivel chair.
Umikot si Dwight at nilapitan si Nathalia. Hinapit niya ito sa beywang at inamoy ang leeg ng babae. Napadaing at napakagat labi naman ang babae sa ginawa ni Dwight.
"Wait for me here..." sabi ni Dwight pagkatapos ay binitawan si Nathalia.
Tumango lang ang babae at mabilis na pumunta si Dwight sa labas ng kanyang opisina.
"Magenta, cancel all my appointments today. Basta bahala ka na mag-isip ng alibi sa kanilang lahat. At ayoko ng istorbo, bawal ang bisita today," utos ni Dwight sa sekretarya niya, na sekretarya ng kapatid.
"Pero,