UMAGA, nang magising si Velora. Napabalikwas siya ng bangon. Nagulat siya nang nasa kama na siya at may damit.
Ang kagabi na naganap sa kanila ni Dewei ay isa sa hindi niya makakalimutan. Nasunod ang gusto ng binata at paulit-ulit silang nagniig. Sa sobrang kapaguran, wala na siyang maalala nang takasan ng ulirat.
Bumangon siya at napangiti nang bumungad ang pagkain sa tray.
"Breakfast in bed?" Kinilig ang puso niya. Parang unti-unti ay nagpapakita ng care si Dewei sa kanya.
Ang lalaking maangas at walang puso ay unti-unti na niyang napapalambot. Sana'y tuluyan nang mawala ang pagiging malamig ng binata sa kanya. Minsan ay napapaisip siya kung paano ito kapag kasama ang pamilya.
Bumaba siya sa kama at tumungo sa banyo para sa kanyang morning routines. Nang makalabas sa banyo ay naupo siya sa gilid ng kama.
Dahan-dahan niyang hinila ang tray papalapit at kinuha ang tinapay, ngunit bago pa niya maisubo ang unang kagat niya ay bumukas na ang pinto.
Pumasok si Dewei, may haw