LUMABAS ng kuwarto si Elorda. Tahimik ang kilos niya habang dumiretso sa kusina, kung saan nadatnan niyang abala si Tess.
"Nasaan na ang asawa mo?" bungad agad nito, parang walang pasakalye.
Napaismid si Elorda, sabay buntong-hininga. "Asawa na naman... naliligo pa siya."
"Oh? Eh anong tawag mo sa kanya? May anak na kayo, ‘di ba? At sinabi naman niyang pananagutan niya ang kambal."
Napayuko si Elorda, saglit na natahimik. Pero hindi rin niya napigilang ilabas ang laman ng damdamin. "Hindi kasi gano’n kasimple, Tess. Kahit gaano pa siya kasigurado sa nararamdaman niya, paano naman ang pamilya niya? Papayag kaya sila na makasama ako? Alam mo na ‘yan, mahirap at mayaman. Walang patas diyan. At mas matanda pa ako sa kanya. Puwede niyang panindigan sina kambal, pero baka ako, hindi kasama sa plano."
Mabigat ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Parang may tinik sa lalamunan sa bawat katotohanang binabanggit.
"Ikaw naman," sagot ni Tess, may halong pag-unawa at paninita. "Pu