Happy reading!
UMILANG lingon si Halina sa malaking bahay ni Goddy. Tulog na siguro ito dahil hindi ito sumagot nang kumatok siya. Magpapaalam lang naman sana siya. Kaya nagpadala na lang siya ng text dito. Luto na ang ulam nito sa gabi. Inagahan niya para makaalis agad siya. Balik na lang siya maya para maghugas. Nabanggit niya rin ito kay Goddy. Kailangan niya lang makabili ng regalo para kay Tessa kasi.Sa malapit na mall siya nagpahatid, gamit ang sasakyang naka-park lang malapit sa kanila. Siniguro niyang walang nakakita sa kanya bago iyon minaneho. Bagong cellphone, sapatos at dalawang pares ng damit ang binili niya. Bumili din siya ng cake na pina-deliver niya na lang dahil baka masira pa sasakyan dahil wala siyang kasama para humawak. 7:30 ng gabi siya nakabalik. Nakabalot iyon sa isang box. Pinag-isa niya para hindi malaman na marami iyon.“Ate Hannah!” masayang tawag sa kanya ni Tessa nang makita siya.“Happy birthday,” bati niya rito, sabay bigay ng box dito.“Salamat po, Ate!” Niyakap
NAKANGITING tinanaw ni Goddy ang papalayong si Hannah. Na-offend niya yata nang tanungin niya kung nilalagnat ito. Kung alam lang nito na ganoon din siya! Nakakabaliw na pakiramdam. Parang may sasabog na ewan kaya talagang parang lalagnatin siya. Sumasabay pa ang magulong isipan dahil sa pagkakaparehas nito at ni Halina.Paano, kapag tinitigan niya si Hannah, si Halina ang nakikita niya. Ginamitan na nga niya ng AI kung ano itsura nito kung papayat— si Halina ang inilalabas. Nag-manual manipulate na siya para papayatin ito, ganoon din ang resulta.Kaso naguguluhan siya dahil may asawa na ito. Pero nakakapagtaka lang, wala itong suot na singsing. Gusto niya sanang itanong pero nasabi na nitong may asawa. Pero hindi ba dapat laging nakasuot? Kaya naguguluhan siya sa kasambahay nila. Sa kutis din, Halina na Halina. Sa build lang talaga nagkaiba. Ilang beses na niyang naitanong sa sarili— paano kung si Halina at Hannah ay iisa lang? Masaya siya pero bakit ayaw nitong malaman niya? Takot
“M-MAG-PIPITONG taon na kaming kasal. T-tapos anim na taon naman ang anak namin,” sagot niyang nauutal pa. Sana hindi nito nahalata. “Okay.”Tumaas ang kilay niya. Hindi man lang niya nahimigan na nalungkot.“Eh, kayo po?”“Annuled.” Napatitig siya rito. “Pero hindi siya ang mahal ko. May iba akong nakarelasyon. Si Halina Hernandez.”Talagang natigilan siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi nito napansin. Nagkunwari siyang may pinulot sa daan na bato. Saka lang ito tumingin sa kanya.“Mahal na mahal ko siya, Hannah,” anitong humarap sa kanya. “Pero namatay siya. Magpi-pitong taon na rin.” Titig na titig ito sa kanya kaya nailang siya. “S-sorry po. S-sana hindi ko na po tinanong.”Natawa ito nang mahina. “Ayos lang. Ikaw nga sinagot mo ang tanong ko ng totoo, kaya sinagot lang din kita ng totoo.”Humakbang na ito kaya nagpasalamat siya. Mahirap pa namang makorner ni Goddy.“Pero alam mo ba ang ikinamatay niya?”“A-ano?”“Nahulog siya sa bangin— mali pala, sadyang hinulog siya s
HINGAL na hingal si Halina nang makapasok sa loob ng gate. Walang tricycle kaya nilakad niya. Gusto niya sanang sumakay pero talagang minalas, walang dumaan. Malayo pa naman ang terminal sa bahay nila.“Ay!” gulat pa ang dalaga nang bumungad sa kanya si Goddy. Talagang sa pintuan maghihintay?“S-sorry po. Hindi na mauulit.”“Okay. Simulan mo na lang.”“S-sige po.”Nagmadali si Halina papunta sa kusina para simulan. Pero pagdating niya doon, may nakahanda ng gulay at ang isda. May kamatis din kaya tumingin siya rito.“Marunong ka ba niyan? Sabaw lang. Parang tinola. Ganoon.” “Marunong naman po.”“Mabuti.”Sa pag-aakalang umalis na si Goddy, tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa, pero paglingon niya, muntik na siyang mapasigaw. Prenteng nakaupo pala ito sa sa upuan. Wala ring imik kaya wala siyang ideya.“Nerbyusa ka pala.”“Ah— eh, hindi naman po. N-nagulat lang po ako. Akala ko kasi umalis ka na po.”Ngumiti si Goddy kaya napalunok si Halina. “Gutom na talaga kasi ako kaya hintayin ko
PARANG pinaglalaruan si Halina ng tadhana. Kasi naman kinumpirma ni Goddy na ito ang anak ni Daniela.“K-kayo ho ba ang anak ni Ma’am Daniela?”Sunod-sunod ang bundol ng kaba sa dibdib niya dahil sa muling pagkikita na ito.Bakit si Goddy pa ang anak ni Daniela? Bakit?Napatitig sa kanya si Goddy bago tumango.“Ikaw pala ang sinasabi ni Nanay na bagong kasambahay,”“O-oho.”Tinago ni Halina sa likuran ang kamay dahil sa panginginig. Tumango-tango si Goddy sa kanya. “Goddy nga pala ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?” kaswal na tanong niya.Tinitigan niya ang binata. Hindi ba siya nito nakikilala? Kasi dahil sa pangangatawan at klase ng pamumuhay niya?“H-Hannah po. H-Hannah Miller.”“Hannah pala ang pangalan mo.”“Opo.”Ngumiti sa kanya ang binata. “Akala ko umuuwi ka kapag ganitong oras.”“Umuuwi naman po talaga. Kaso naglaba po ako ngayon at katatapos lang po.”“Kaya pala.” Hindi man lang inalis ng binata ang ngiti sa kanya. “Sige, miryenda lang ako.”“Gusto niyo ho bang ipag
“SIGURADO ka ba, Hannah?” nakailang tanong na ’yan ni Daniela kay Halina.“Opo.” Kasi naman bumalik si Goddy sa palengke. Hindi naman ito bumili pero nakita niya at tumingin sa pwesto niya. Ilang beses pa niyang nakita na dumaan. Kaya mukhang delikado siya. Lie low muna siya.“Kung ganoon, pumapayag na ako. Aalis pa naman ako. Kailangan talaga ng anak ko ng makakasama rito kahit na papaano.”“Maraming salamat po.” Ngumiti siya sa ginang. “Kailan po ako pwedeng magsimula?”“Bukas na lang, hija. Wala ang anak ko ngayon, e. Baka madaling araw ang dating niya. Pero nabanggit ko naman sa kanya na magkakaroon siya ng makakatulobg rito sa bahay, hindi ko lang nasabi kung kailan since wala pang naibibigay si Bituin.”“Sige ho. Bukas na lang.”“Tumuloy ka na lang bukas kasi maaga ang alis ko rin papuntang Manila. Baka mga isang linggo ako doon. May kailangan lang kasi akong asikasuhin kasi.”Tumango siya sa ginang. “Ingat na lang po kayo.”“Maraming salamat, Hannah.” Hinawakan nito ang kanyang