APAT na katok pa si Goddy bago sumagot ang bunsong kapatid.
“Hindi nga sabi ako sasama, Kuya!” sigaw nito mula sa loob ng silid nito.
“Bakit ba kasi biglang nagbago ang isip mo?”
“Eh, sa ayaw ko na nga!”
“Okay! Hindi na kita pipilitin!”
Hindi na sumagot ang kapatid kaya inayos na niya ang suot niya. Navy blue shirts at pinatungan niya lang suit na kulay gray na coat. Maong pants naman ang sa ilalim niya. Nabili niya lang ito sa murang halaga para sa reunion na gaganapin.
Agad na pumara siya ng trickle papunta sa labasan. At mula naman sa labasan nila ay sumakay siya ng jeep. Pinagtitinginan siya ng ilan dahil sa semi-formal na ayos niya. Pero bagay naman sa kanya kahit na halatang pinaglumaan na ang suot. Sa ukay niya lang kasi nabili.
Isa siya sa organizer ng reunion nila, pero sa mga CCTV siya naka-assign, para sa security.
“Hi, Seth!”
“Good God, dumating ka na, Goddy. Pa-set up naman ng projector, please,” pakiusap nito sa kanya.
“I will, sir.” Ahead siya rito pero dito ito nagtatrabaho kaya naroon ang paggalang niya rito.
Pagkatapos niyang i-set up ang projector sa tabi ng stage ay pumasok na siya kung saan naroon ang mga monitor. Palitan naman sila kaya makakalabas din siya mamaya para makisaya.
Panay ang alis niya sa CCTV control room na iyon para i-check ang ilang camera na hindi gumagana. May mga pinalitan din sila sa labas kaya pagod siya nang bumalik. Sabi sa kanya ni Seth, kapag hindi dumating ang naka-assign sa presentation mamaya ay siya rin daw ang magha-handle niyon.
Kakaupo niya lang sa upuan nang sikuhin siya ng kasama. Ka-batch niya rin ito, pero hindi sila magkaklase.
“Sandali! Si ano ‘yan, ‘di ba? Alam ko kilala mo siya!”
Napatitig siya sa monitor kung saan ito nakatingin, pinalakihan din nito pagkaturo nito sa kanya.
“Goddy, ano nga ang pangalan niya? ‘Di ba, siya ang stalker mo?”
Napaawang siya ng labi nang makilala ang babaeng tinutukan ng spotlight. Indeed, kilala niya ang babaeng iyon. How could he forget her?
“H-Halina,” aniyang hindi inaalis ang tingin sa screen.
Paano ba naman niya makakalimutan ang dalaga? Araw-araw siyang hinahatiran nito ng pagkain. Mukhang masasarap pa. Kaso binibigay niya lang noon kay Pia— na siyang napupusuan niya. Subalit biglang nahinto ito nang tapatin niya tungkol sa nararamdaman niya.
“Grabe… Lalo siyang gumanda. Kita mo? Halos sa kanila nakatingin! Kahit sino naman kasi mapapatingin sa kanya. Single pa kaya siya?”
Walang duda. Napakaganda naman niya talaga. Kahit naman noon pa. Usap-usapan si Halina dati sa kanila. Sana nga raw sila na lang ang ginusto ng dalaga imbes na siya. Ilang hagod pa ang ginawa niya sa dalaga bago lumunok.
Sa pagkakaalam niya, kapag tinutukan ng ilaw— ng spotlight, candidate na ‘yan para sa King and Queen of the Night na pakulo ng batch nila. Bago matapos naman ang announcement niyon.
Hindi niya alam kung gaano katagal na nakatingin sa bagong dating, pero napabaling siya sa likuran niya nang may tumawag sa kanya.
“Goddy, tawag ka ni Sir Seth!”
Umisang sulyap pa si Goddy sa malaking screen bago lumabas at hinanap si Seth. Pero imbes na mahanap si Seth, natagpuan niya ang sarili nakatingin sa babaeng kausap ng ilang kaklase at schoolmate nila.
Kapansin-pansin naman talaga kasi ang suot ni Halina ngayon. Kahit siya ay napahanga. Maliban sa maganda at bagay rito ang suot nito, hindi iyon ang tema nila, happy colors dapat. Kaya walang nakasuot na itim pagdating sa mga babae, siya lang. Kaya malamang nasa kanya ang atensyon ng lahat.
***
SA KABILANG BANDA, nakatuon sa kanilang magkapatid ang tingin ng mga halos na naroon sa loob ng function hall ng unibersidad na iyon. Saktong may tumama na spotlight kasi sa kinatatayuan nilang magkapatid.
“What kind of trip is this?” inis na bulong niya.
“Relax. Sa pagkakaalam ko, bago mag-end ang party may ia-announce na King and Queen of the night. Malay mo, isa sa atin ang manalo,” nakangiting sabi ni Kalei.
“The heck! Prom lang ang peg?” Hindi pa rin niya inaalis ang himig na naiinis, pero hindi niya pinahalata sa mukha. Seryoso siya sa paningin ng mga ito.
Natawa lang ang kapatid. Alam nitong wala siyang interes sa mga ganoong event. Kaya hinila niya na ito palayo sa pintuan na iyon. Agad na hinanap ng mga mata niya si Seth. Hindi niya ito makita kaya sumama na lang siya kay Kalei.
“Damn! She’s still hot, bro!”
Tumingin siya sa lalaking sumalubong sa kanila ng kapatid. Pamilyar ang mukha nito kaya napaikot siya ng mata nang rumehistro ang dating mukha nito sa balintataw niya. Walang iba, kung hindi ang playboy tropa ni Kalei, na si Wilfredo.
“Hi, Halina! Hey, do you remember me?” At tinuro pa nito ang sarili.
“No,” mabilis niyang sagot na ikinatawa ng kapatid. “I have amnesia, so please stop asking me. You’re making my head hurt, you know?” Sabay hilot ng ulo kuno.
Akmang magsasalita pa si Wilfredo nang itaas niya ang kamay niya.
“I’ll punch you kapag magsalita ka pa dyan,” inis na sabi niya.
Kasunod niyon ang asaran ng mga kaibigan ng kapatid dito.
Hindi ba nito nahalata na sinasadya niya? Na ayaw niya itong makausap. Dati pa itong gustong magpapansin sa kanya, pero binabara niya na agad. Feeling gwapo kasi nito talaga noon pa.
Inabala na niya ang mata ulit para hanapin si Seth. Pero talagang mukhang ayaw magpakita sa kanya ng kaklase.
Muling umikot ang paningin ni Halina. Sa pagkakataong iyon, iba naman ang hinahanap niya. Wala rin kaya nakahinga siya nang maluwag, kaya naman naglakad siya papunta sa bar counter. Humingi siya ng isang cosmo at tumambay muna roon. Nagsisimula na nga ang program ng mga ito. Panay lang din ang lingon sa kanya ng kapatid para siguro i-tsek siya.
Akmang uubusin niya ang laman ng kopita niya nang makita si Seth. May kasama ito, isa sa dati nilang kaklase— si Maryam.
Para kay Halina, hindi siya mag-e-enjoy dito kaya lumapit siya kay Seth para magpaalam na talaga.
“Halina Hernandez! How are you, huh? I’m so happy na naka-attend ka.” Hinagod siya nito nang tingin. Halata sa mga mata nito ang paghanga sa kanyang suot.
“Pinilit mo ako, malamang,” aniya.
Natawa ito. “Oo nga pala. Anyway, aalis ka na ba agad?”
“Yeah. Okay lang ba?”
“Hindi ba pwedeng maya na?” May tiningnan ito sa papel na hawak nito. “Mga 30 minutes pa or 1 hour. Please?”
Napahaba siya ng nguso. Ano pa nga ba? Saka wala naman ang iniwasan niya kaya okay lang siguro.
Bumalik siya sa tabi ng kapatid niya. Nagsimulang maging pulutan na naman ng mga ito si Wilfredo. May girlfriend ito, tapos kung kani-kanino lumalandi. Talagang nasa dugo na nito ang pagiging malandi. Talagang sinasagad siya nito dahil sa kanya na naman nabaling ang atensyon nito.
“Sabihin mo lang, Halina. Hihiwalayan ko agad ang girlfriend ko kapag sinabi mo,”
Hindi niya ito pinansin, siniko lang niya si Kalei para sabihin sa kaibigan nito na tigilan siya.
“‘Wag mo na lang siyang pansinin,” ani lang ng kapatid.
Gano’n na nga lang ang ginawa niya. Ginawa niya ring pampalipas oras ang inorder niyang isang glass ng cosmo. Nag-check din siya ng mga emails niya. Wala siyang interes sa sinasabi sa stage. Hindi naman kasi siya grumaduate dito.
Natigilan siya nang makita ang reply mula kay Fanny.
Bago siya umalis nang araw na iyon, binilin niya sa secretary na tanggalin nito ang babaeng pinagalitan niya. Ngayon lang niya nabasa ang reply nito na humihingi umano nang paumanhin si Gayle sa kanya. Sana raw ilipat na lang ito kahit sa mas mababang position— ayon ito sa screenshots na sinend sa kanya ng secretary. Pero hindi na niya pwedeng bawiin ang desisyon, tanggal na talaga ito. Basta sinabi niya, sinabi na niya.
“Halina?”
Napaangat si Halina nang tingin nang marinig ang pangalan niya. Gayon na lang ang pagkatigil niya nang mapagsino iyon. Sa sobrang tagal siguro kaya nakalimutan niya ang boses na iyon.
“Ikaw nga! My God!”
Walang buhay na tumingin siya sa dalawang taong nasa harapan niya, magkahawak ang mga kamay ng mga ito. Walang iba kung hindi si Pia at Goddy. Titig na titig sa kanya ang huli, habang ang kasama nito ay masaya pagkakita sa kanya.
“Kumusta ka na? Long time no see!” masayang tanong ni Pia sa kanya.
“I’m good,” seryosong sagot niya.
“Mabuti naman. Na-miss kita, a. Ang tagal mo akong hindi pinansin.”
“Busy lang.” Nagbaba na siya nang tingin sa hawak na cellphone. Nawala na sa isipan niya ang isasagot kay Fanny dahil sa dalawang nasa harapan niya.
Wala na siya sa mood mag-check ng email, pero pinilit niya para ma-ignore ang dalawa. Laking pasalamat siya nang makaramdam ang mga ito. Nag-angat lang siya nang tingin nang makalayo ang dalawa. Nagkatinginan sila magkapatid mayamaya.
“I have to go,” aniya rito.
“Alright. Ihahatid na kita,” sagot ng kakambal.
“No need. Mag-book na lang ako ng masasakyan.” Sabay pakita ng app na binuksan niya.
“You sure?”
“Yes.”
“Ihahatid na kita sa la—”
“‘Wag na, Kalei. Kaya ko na ang sarili ko.”
Tumango naman ito. Halata sa mga mata ng kapatid ang simpatya. Pero wala naman ito sa kanya. Kaya lang siya aalis dahil hindi niya kayang makipag plastikan sa mga ito.
Muli niyang sinulyapan ang gawi ng dalawa. Nag-uusap ang mga ito sa tabi ni Seth. Mukhang nagkatuluyan nga ang dalawa.
Napangiti siya nang mapakla.
Naglalakad siya noon nang mapatingin sa stage. Si Seth ang tinawag. Tumingin din ito sa kanya kaya sinenyasan niyang uuwi na siya. Umiling at nagsalita ito. Kahit na hindi niya marinig, naintindihan niya base sa bibig nito. Nginitan niya ito at kumaway na lang pagkuwa’y sa daan ang tingin.
Binilisan ni Halina ang hakbang para makalayo sana doon, pero ang malas niya. Nakaramdam siya nang tawag ng kalikasan, kaya naman iginiya niya ang sarili sa banyo. Mabuti na lang at walang tao sa loob ng restroom, nakalabas din siya agad.
Akmang hahakbang siya nang makita ang lalaking nakasandal sa may pader. Nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa. Para bang may hinihintay ito. Pero wala namang pumasok sa banyo na Pia, kaya sino ang hinihintay nito?
Pero ang pamilyar na kirot sa dibdib niya ay unti-unting nabubuhay dahil sa lalaking ito. Kaya hindi na dapat niya ito nakikita.
Kumilos lang siya nang bumaling ito sa kanya. Ngumiti ito pero hindi niya pinansin.
Lalagpasan niya sana ito nang hawakan nito ang kanyang pulsuhan.
“Take your hands off me,” malamig niyang utos.
“Pwede ba tayong mag-usap?”
“For what?”
Binitawan siya nito. “G-gusto lang kitang kumustahin.”
Natawa siya nang pagak. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kay Pia? I’m good! At nakita mo naman sa kalagayan ko, ‘di ba?” sa masungit niyang himig, sabay hagod ng kamay sa sarili.
“N-narinig ko. I mean, after kasi nating mag-usap that day hindi na kita nakikita noon.”
Napakunot siya ng noo. “Kung naalala mo pa ang sinabi mo, sinunod lang kita, Goddy. Nakakaintindi naman ako kaya bakit pa ako lalapit sa ‘yo?” Muntik nang pumiyok ang boses niya, mabuti na lang at nakontrol niya. “Saka pwede bang kalimutan mo na iyon? Kasi sa totoo lang, nakalimutan ko na, pinaalala mo lang.”
Hindi ito nakaimik kaya sinamantala niyang humakbang. Pero bigla nitong hinawakan ulit ang kamay niya para pigilan.
“S-sorry,” anito na ikinatigil.
Sasagot sana siya nang mapagtantong nakatingin sa kanila si Pia. Mukhang kanina pa ito doon, at narinig nito ang pinag-usapan nila ni Goddy.
Napansin ni Goddy ang tinitingnan niya kaya napabitaw ito sa kamay niya.
Hindi siya ang lumapit kay Goddy gaya noon kaya wala sana siyang marinig mula rito. Pero subukan niya lang.
Dinaanan niya lang si Pia, dali-dali siyang humakbang para makalabas na sa function hall na iyon. May mga nakasalubong siya na mga kakilala pero hindi niya pinansin.
Malapit na siya sa gate nang marinig muli ang boses ni Pia.
“Halina!”
Tumigil naman siya para bumaling dito.
Napakuyom siya ng kamay nang makitang nakabuntot na naman si Goddy dito. Ayaw lang mawala sa paningin?
“May kailangan ka?”
“W-wala. Pero may itatanong lang ako.” Si Pia.
“What is it?”
“D-dahil ba kay Goddy kaya hindi mo na ako pinansin noon?”
Tumaas ang sulok ng labi niya, pero may pagka-sarkastiko iyon.
“Galit ka ba dahil ako ang niligawan niya imbes na ikaw? I know, gusto mo siya noon.”
“Seriously, Pia? Hinabol mo lang ako para tanungin ‘yan? Ang tagal na no’n, o.” Tumingin siya kay Goddy pagkuwa’y binalik kay Pia.
“Y-yes. Kasi hanggang ngayon, ramdam kong iniiwasan mo ako. Sana naman ‘wag mong idamay ang friendships natin. Nanghinayang ako sa pagkakaibigan natin.”
Natawa nang pagak si Halina.
“Friendships? Are we friends? When? Sa pagkakatanda ko, wala akong kaibigan noon sa school na ito. Classmate, meron. At isa ka na doon.”
“H-Halina…”
“Magkaiba ang salitang kaibigan sa classmate, Pia.” Ni hindi nga niya nasabi rito ang lalaking napupusuan niya noon. Wala siyang sekretong sinabi kaya hindi niya maituturing na kaibigan naman talaga si Pia. Kaya lang siguro nito inassume dahil lagi silang magkausap sa loob ng classroom.
Hindi niya inaalis ang pagiging seryoso. “Saka bakit naman ako magagalit sa ’yo? Hindi naman naging kami ni Goddy, e. Kaya wala akong karapatang magalit sa ’yo. At kaya ako uuwi agad ngayon, dahil tinakasan ko lang ang asawa ko. Panay na kasi ang tawag sa akin.” Kunwa’y tumingin pa siya sa cellphone niya. “Kung wala ka nang itatanong, aalis na ako.” Sabay talikod sa mga ito.
Hindi na niya nakita ang reaksyon ni Pia— lalo na ni Goddy. Talagang hindi niya binigyan nang chance ang mata na dumaan dito.
Kasabay nang paghakbang niya ang pagkuyom niya ulit nang kamao para pigilan ang nararamdamang nabuhay na naman. Akala niya, hindi na ito babalik dahil umiwas na siya. Binago na niya ang sarili, pero heto, parang bumalik lang siya sa nakaraan. Sana pala hindi na siya dumalo ngayon kung alam niyang magkikita silang tatlo.
“M-MAG-PIPITONG taon na kaming kasal. T-tapos anim na taon naman ang anak namin,” sagot niyang nauutal pa. Sana hindi nito nahalata. “Okay.”Tumaas ang kilay niya. Hindi man lang niya nahimigan na nalungkot.“Eh, kayo po?”“Annuled.” Napatitig siya rito. “Pero hindi siya ang mahal ko. May iba akong nakarelasyon. Si Halina Hernandez.”Talagang natigilan siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi nito napansin. Nagkunwari siyang may pinulot sa daan na bato. Saka lang ito tumingin sa kanya.“Mahal na mahal ko siya, Hannah,” anitong humarap sa kanya. “Pero namatay siya. Magpi-pitong taon na rin.” Titig na titig ito sa kanya kaya nailang siya. “S-sorry po. S-sana hindi ko na po tinanong.”Natawa ito nang mahina. “Ayos lang. Ikaw nga sinagot mo ang tanong ko ng totoo, kaya sinagot lang din kita ng totoo.”Humakbang na ito kaya nagpasalamat siya. Mahirap pa namang makorner ni Goddy.“Pero alam mo ba ang ikinamatay niya?”“A-ano?”“Nahulog siya sa bangin— mali pala, sadyang hinulog siya
HINGAL na hingal si Halina nang makapasok sa loob ng gate. Walang tricycle kaya nilakad niya. Gusto niya sanang sumakay pero talagang minalas, walang dumaan. Malayo pa naman ang terminal sa bahay nila.“Ay!” gulat pa ang dalaga nang bumungad sa kanya si Goddy. Talagang sa pintuan maghihintay?“S-sorry po. Hindi na mauulit.”“Okay. Simulan mo na lang.”“S-sige po.”Nagmadali si Halina papunta sa kusina para simulan. Pero pagdating niya doon, may nakahanda ng gulay at ang isda. May kamatis din kaya tumingin siya rito.“Marunong ka ba niyan? Sabaw lang. Parang tinola. Ganoon.” “Marunong naman po.”“Mabuti.”Sa pag-aakalang umalis na si Goddy, tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa, pero paglingon niya, muntik na siyang mapasigaw. Prenteng nakaupo pala ito sa sa upuan. Wala ring imik kaya wala siyang ideya.“Nerbyusa ka pala.”“Ah— eh, hindi naman po. N-nagulat lang po ako. Akala ko kasi umalis ka na po.”Ngumiti si Goddy kaya napalunok si Halina. “Gutom na talaga kasi ako kaya hintayin ko
PARANG pinaglalaruan si Halina ng tadhana. Kasi naman kinumpirma ni Goddy na ito ang anak ni Daniela.“K-kayo ho ba ang anak ni Ma’am Daniela?”Sunod-sunod ang bundol ng kaba sa dibdib niya dahil sa muling pagkikita na ito.Bakit si Goddy pa ang anak ni Daniela? Bakit?Napatitig sa kanya si Goddy bago tumango.“Ikaw pala ang sinasabi ni Nanay na bagong kasambahay,”“O-oho.”Tinago ni Halina sa likuran ang kamay dahil sa panginginig. Tumango-tango si Goddy sa kanya. “Goddy nga pala ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?” kaswal na tanong niya.Tinitigan niya ang binata. Hindi ba siya nito nakikilala? Kasi dahil sa pangangatawan at klase ng pamumuhay niya?“H-Hannah po. H-Hannah Miller.”“Hannah pala ang pangalan mo.”“Opo.”Ngumiti sa kanya ang binata. “Akala ko umuuwi ka kapag ganitong oras.”“Umuuwi naman po talaga. Kaso naglaba po ako ngayon at katatapos lang po.”“Kaya pala.” Hindi man lang inalis ng binata ang ngiti sa kanya. “Sige, miryenda lang ako.”“Gusto niyo ho bang ipag
“SIGURADO ka ba, Hannah?” nakailang tanong na ’yan ni Daniela kay Halina.“Opo.” Kasi naman bumalik si Goddy sa palengke. Hindi naman ito bumili pero nakita niya at tumingin sa pwesto niya. Ilang beses pa niyang nakita na dumaan. Kaya mukhang delikado siya. Lie low muna siya.“Kung ganoon, pumapayag na ako. Aalis pa naman ako. Kailangan talaga ng anak ko ng makakasama rito kahit na papaano.”“Maraming salamat po.” Ngumiti siya sa ginang. “Kailan po ako pwedeng magsimula?”“Bukas na lang, hija. Wala ang anak ko ngayon, e. Baka madaling araw ang dating niya. Pero nabanggit ko naman sa kanya na magkakaroon siya ng makakatulobg rito sa bahay, hindi ko lang nasabi kung kailan since wala pang naibibigay si Bituin.”“Sige ho. Bukas na lang.”“Tumuloy ka na lang bukas kasi maaga ang alis ko rin papuntang Manila. Baka mga isang linggo ako doon. May kailangan lang kasi akong asikasuhin kasi.”Tumango siya sa ginang. “Ingat na lang po kayo.”“Maraming salamat, Hannah.” Hinawakan nito ang kanyang
HINDI makatulog si Goddy kakaisip sa babaeng iyon. Kahit na anong gawin niya, lumalabas pa rin ito sa balintataw niya. Parang nabuhay si Halina sa katauhan nito. Ang mukha at ang boses? Parehas na parehas. Sa pangangatawan at sa estado ng pamumuhay lang sila nagkaiba. Ang ending, pinautos niya sa bata ang pagbili dahil natatakot siya. Hindi siya natatakot dahil sa multo o kung ano, baka bigla niya itong mayakap nang mahigpit. Tapos baka may asawa ito sa paligid kaya iniwasan niyang lumapit. Ng mga sumunod na araw, kahit na walang ipapabili sa tindahang iyon, lagi siyang dumadaan. Iniiwasan lang niyang makita siya nito. Umabot pa sa punto na kinuhaan na niya ito ng video. At kakapanood niya sa video nito, maa lalo lang siyang nalilito. Para talagang si Halina ang babaeng iyon. Ang mga ngiti nito, walang pinagkaiba talaga. Kaya lalong naguguluhan siya. Parang gusto na niyang lapitan ito. “May ipapabili po ba kayo sa palengke, Nay? Aalis po ulit ako, e.” “Wala akong ipapabili. An
“BAKIT nga po pala hindi na nag-hire ng kasambahay si Ma’am Daniela?” tanong ni Halina.Naghuhugas siya noon ng seafood na binili ni Zacharias. “Wala naman daw lagi sila kaya on call na lang. Gaya ngayon.”Si Bituin na ang tagalinis ng malaking bahay kapag wala si Daniela. Mas madalas kasi ito sa ibang bansa dahil nandoon umano ang mga anak.Tapos na sila sa pagluluto pero hindi pa niya nakikita ang mag-ina. Ang anak raw ni Daniela, nasa silid nito, samantalang ang ginang ay pauwi pa lang. Lumabas daw kasi ito at may pinuntahan.Sakto lang ang paglatag nila ng mga plato sa mesa ang siyang pagdating ni Daniela. Nang makita siya nito ay agad na nagpaalam ito sa kanila para kunin ang pasalubong para sa anak.“Sana magustuhan ni Troy ang mga laruan. May mga chocolate din dyan.”Dalawang paper bag na malaki ang binigay nito sa kanya. Bukod din ang kay Bituin para sa pamilya nito.“Ang dami naman ho nito. Mga mamahalin pa po.” Hangga’t maari, hindi niya sinasanay ang anak sa mga mamahalin