Masaya yan ang mailalarawan ko sa mga mukha ng mga taong narito na naging saksi ng pag iisang dibdib naming dalawa ni kevin.
"Dapat pag katapos ng reception na ito ay mag honeymoon na kayong dalawa agad agad--." napalingon ako sa boses ng aking ama."Pa." naiilang na awat ko dito.Honeymoon?Kailangan ba talaga yun?Hindi ba pwedeng pag katapos ng kasal wala nang ganun?Bigla tuloy akong kinabahan kahit na alam kong kahit dulo ng buhok ko hindi kayang galawin ni Kevin. Ako pa kaya?"Tama ang papa mo anak dapat ay agad kayong makapag sarilinan nang sa gayon ay mabigyan niyo kami agad ng apo, hindi na kami bumabata para hintayin pang mag ka anak kayo kung kailan kayo handa." singit ng ama ni Kevin."Alam ko naman po yun pero--." nag-aalinlangan na sagot ko sa mga ito. Natigilan ako nang maramdaman ko ang mahigpit na pag kapit ni Kevin sa kaliwang hita ko sa ilalim ng lamesang pinag sasaluhan namin."Wag po kayong mag alala mom, dad sisikapin po namin na mag ka anak agad. Pero sa ngayon po kailangan makapag tapos muna ng pag aaral ang maganda kong asawa." sa tono at itsura nito aakalain mong totoo at may concern talaga ito sa kinabukasan ko kahit ang totoo, wala itong pake sakin kahit Na katiting."Kung sabagay ilang buwan nalang naman ay gagraduate na itong si Rachell sa College." sangayon na saad ng tito ni Kevin."Nararapat lamang na hintayin na muna natin makapag tapos si Rachell ng pag aaral, delikado ang mag dalang tao habang nag aaral subsob pa naman sa pag aaral ngayon si Rachell lalo pa't malapit na ang exam nila." dagdag pa nito.Napalingon ako kay tito Ronny nang mag salita ito at tila may nginunguso sa kung saan kaya nilingon ko ang nginungusuan nito. Nakita ko mula sa entrance si Franz ang number one bestfriend ko na walang ginawa kung hindi ipag tanggol ako kay Kevin sa tuwing pinapahiya ako ni Kevin noon. Actually mag bestfriend din sila pero ng dahil sakin, naputol ang kung ano mang ugnayan nila sa isa't isa noon.Tila nag bunyagi ang puso ko at natuwa Biglang gumaan yung pakiramdam ko kasi sa wakas may kakapi na ako sa loob ng napaka laking event na ito. May malalabasan Na ako ng kabang nararamdaman ko mula kanina pa. H"Tama nga naman si kuya Ronny honey mahirap mag buntis habang nag aaral naranasan ko ito at sobrang hirap dumating pa sa puntong dinugo ako noon kay Kevin mabuti na lang at naagapan at malakas ang kapit ni Kevin sa sinapupunan ko kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa itaas ng hindi nila kinuha sa akin si Kevin." saad ng mama ni Kevin.Gustuhin ko man makinig pa sa kwento ng ina ni Kevin ay mas pipiliin ko na lamang muna na lumayo rito upang makahinga hindi ko alam pero kanina ko papala pinipigilan ang pag hinga ko at ang labis na pagkailang at kaba na nararamdaman ko."Ahmm excuse me po puntahan ko lang po yung bisita ko." agad na pag eexcuse ko sa mga ito makatakas lang mula sa mga pinag uusapan nila. Hindi ko na hinintay pa ang mga sagot nila at agad na akong tumayo para mag lakad papunta kay Franz, ngunit napatigil ako sa pag lalakad dahil sa palad na mahigpit na humawak sa pala pulsuhan ko."Hindi ka aalis sa tabi ko at pupuntahan ang walang kwenta at hilaw mong bestfriend." madiin na saad nito ngunit pabulong kung saan tanging ako lamang ang makakarinig sa salitang binitiwan nito."Bitiwan mo ako." naguguluhan sa kinikilos ni Kevin."Bitawan mo ako! Kevin bitaw! bitawan mo ako! Nasasaktan ako! Let me go!" bulong ko rito ng maramdaman kong mas humigpit pa muli ang pag kakahawak nito sa pala pulsuhan ko."No! Dito ka lang sa tabi ko!" matigas na pag tutol rin nito.Hindi makapaniwalang tinitigan ko ito " Diba wala tayong pakielamanan sa oras na ikasal tayo, ngayon kasal na tayo makukuha mo na din ang mana mo kaya pwede bang wag mo na akong pakielaman sa kung ano man ang gusto kong gawin o lapitan." nag tatapang tapangan na sagot ko dito kahit pa sa loob loob ko ay punong puno ang puso ko ng takot at saka piniksi ko ang pag kakahawak nito sa pala pulsuhan ko.Taas noong iniwanan ko si Kevin sa kung saan man kami nakatayo kanina at saka hinimas ng patago ang pala pulsuhan ko nang nilapitan ko si Franz na tangi kong naging sandigan sa lahat ng bagay.Hindi ko na maiwasan ang hindi mapangiti ng nakangiting nilapitan rin ako nito."Hi beautiful." bulong nito pag lapit. Hindi na ako nakatiis at mabilis na niyakap ko ito bago pa man tumulo ang mga luha sa mga mata ko."Franz dumating ka." bulong ko rito. Natatawang hinahangod nito ang likod ko."Sabihin mo agad sa akin kapag sinaktan ka ni Kevin at kukunin kita agad sa kanya wala akong pake kung asawa mo na siya at legal kayong kasal basta mailayo lang kita sa kanya." agad na saad ni Franz nang makapag usap kami nang kami lang dalawa ng dalhin niya ako sa gilid upang makaupo at mapatahan niya ako."Hindi niya naman siguro ako sasaktan Franz." mahinang saad ko dito habang kinakalikot ko ang kuko ko sa hinlalaki. Hindi sigurado kung magagawa nga ba akong Hindi saktan ni Kevin."Hindi ako naniniwalang hindi ka niya kayang saktan, yan pag kalikot mo palang sa kuko mo alam ko nang kinakabahan ka para sa pag sasama niyo. Sinasabi ko sayo Rachell ilalayo talaga kita dito, sa kanya oras na malaman kong sinasaktan ka niya." banta nito na kinalingon ko.Mabilis na itinago ko ang pamumula ng pala pulsuhan ng kaliwang kamay ko sa sinabi nito. "Sabihin mo sakin, pinag bantaan ka ba ng lalaking yun kanina nang nasa simbahan kayo?" kunot noong tanong nito sakin. Tila sinusuri ang bawat kilos ko."W-Wala naman. Sadyang kinakabahan lang ako kasi heto yung unang beses na titira ako sa bahay na hindi kasama si daddy alam mo naman na daddy's girl ako." agad na sagot ko dito."Oo nga pala, alam ko nawala lang naman yang pag ka daddy's girl mo nang mag asawa ulit ang daddy mo 2 years ago." sagot pa nito. Nawala ang kaba ko ng maniwala ito sa dahilan ko.Bumuntong hininga muna ako bago ito sinagot " Hayaan mo na, dun kaya masaya ang daddy ko at yun ang gusto ko ang makitang masaya at walang inisip na problema ang mga taong nasa paligid ko." nakangiting sagot ko dito. Pinapakita ko kung gaano ako kasaya para sa ama ko."Kaya ba hinahayaan mong ikaw ang hindi maging masaya." saad pa nito, kita ko ang pag aaalala sa mga mata nito habang nakatitig ang kulay brown na mga mata nito sakin. Marahan nawala ang ngiti sa labi ko sa sinabi nito."Franz diba pinag usapan na natin to? Kaya ako nag pakasal kay Kevin dahil heto ang gusto ko ang makasama at makapiling hanggang sa pag tanda ang lalaking bubuo ng mundo ko." mahinahong sagot ko dito at saka hinawakan ang kamay nito. Walang malisya ang pag hawak ko sa kamay ni Franz bahala na ang ibang makakita kung iba ang isipin nila sa pag hawak ko sa kamay ni Franz."At kasama sa pinag usapan natin ang pag babanta sayo ng madrasta mo tungkol sa pag papakasal mo dyan kay Kevin at ang deal na pinag usapan nyo ni Kevin. Rachell madrasta mo lang ang babaeng yun kaya dapat nilalabanan mo ang babaeng yun hindi ka dapat nag papamaliit sa babaeng ang tanging nais lang sa daddy mo ay pera. Wala siyang karapatan lait laitin ka at pag malupitan dahil una sa lahat pangalawang asawa lang siya ng papa mo at hindi mo siya tunay na ina para tratuhin ka niya ng ganun. Rachell hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa sayo ng madrasta mo nung isang buwan. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa papa mo ang ginagawa sayo ng pangalawang asawa niya." kunot noong saad nito sakin."Franz ang babaeng sinasabi o tinutukoy mo ay asawa na ngayon ng daddy ko, pangalawang asawa man siya ni papà o hindi kasal pa rin sila kaya mas lalong kailangan ko syang galangin at ayokong pag awayan na naman namin ni daddy ang tungkol sa hindi namin pag kakasundo ng asawa niya ngayon and besides ayokong atakihin na naman si daddy sa puso dahil sakin. Kaya hayaan mo na yun stress lang ang asawa niya kaya niya nagawa yun sa akin." sagot kong muli dito."Oo nga naman baka pati si tito mapahamak pag pinatulan mo lang ang bruha mong madrasta." sagot nito natawa nalang ako sa sinabi nito. "Oh! kita mo. Para ka tuloy si papa kung makapag salita ka. Pero Franz thank you sa lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko pag wala ka sa tabi ko." May ngiti sa labing saad ko."Wala yun alam mo naman kung gaano kita ka mahal kaya gagawin ko talaga ang lahat para sayo." sagot nito.Sasagutin ko na sana ito nang bigla ay hilahin ni Kevin ang braso ko patayo sa kinauupuan ko. "Halika na kailangan na natin umalis." maotoridad na saad nito kita sa mukha nito ang pagka seryoso na kinasanayan ko na dahil kahit minsan naman hindi na muli ito ngumiti."Sandali Kevin, hindi pa kami tapos mag usap ni Rachell kaya pwede ba wag kang bastos." matapang na pigil ni Franz kay Kevin at saka hinawakan din nito ang isang braso ko. Kita ko ang pag igting ng panga ni Kevin dahil sa ginawa at sinabi ni Franz dito. tiimbagang itong nakatingin sa kamay ni Franz na nakahawak sa isa ko pang braso."Wala akong pake kung hindi pa kayo tapos ng ASAWA ko mag usap, sakin siya nagpakasal at sakin siya ikinasal kaya kung ako sayo bibitawan ko na ang ASAWA ko. Wag mong hintayin basagin ko ulit ang mukha mo sa pagiging pakielamero mo." nag-pipigil ng galit na saad ni Kevin kita ko ang pag galaw ng panga nito at ramdam ko din ang pag higpit ng pag kapit nito sa braso ko na naging dahilan ng pag ngiwi ko dahil sa masakit na pag kakahawak nito sa braso ko."A-ahh... F-Franz bitiwan mo na ako." pilit kong tinatago ang pagkagaralgal ng boses ko ngunit hindi ko pa din ito naitago.Marahan timingin sa akin si Franz sinusukat sa mga mata ko kung tama bang bitawan nito ako ngunit matapos ang ilang segundo ay dahan dahan at may pag iingat na binitiwan nito ang braso ko. Pagbitaw na pag bitaw ni Franz sa isang braso ko ay agad akong hinila ni Kevin papunta sa sasakyan na mag hahatid sa amin sa bahay na niregalo ng daddy niya para sa amin mag asawa, hindi ko pinahalata sa ibang tao ang masakit na pag hawak at pag hila ni kevin sakin.Bago ako sumakay sa sasakyan ay nilingon ko muna saglit si Franz. Kita ko ang awa, at pag hihinayang sa mukha nito. Binaliwala ko na lamang ito at ngumiti ako dito, ngiting pinapakita kong okay lang ako at hindi nito kailangan mag alala kahit na pilit lamang ang mga ngiting pinakita ko dito bago ako sumakay sa sasakyan at tumabi sa lalaking mahal ko nga ngunit kahit kailan ay hindi ako magagawang mahalin.Rachell POV"Boss?! saan ka pupunta? ano sinama sama mo ko dito tapos iiwan mo lang ako dito sa isang tabi?" Pag rereklamo ko nang akmang aalis ang boss ko may tatawagan daw kasi ito."Saglit lang ako mag liwaliw ka muna dito at pwede ba ms. santos engagement party ko ito hindi pwede na palagi akong naka dikit sayo baka kung ano pang isipin ng ama ko." Saad nito."Pero boss wala akong kakilala dito." Maktol ko pa dito."Makipag kilala ka or mag liwaliw ka mag isa kung gusto mo. sige na maiiwan na kita." Saad nito siyaka nag mamadali na umalis sa tabi ko."Tsk!" " bakit kasi sumama sama pa ako dito sana pala nag paiwan nalang ako edi sana kasama ko mga anak ko ngayon." Bulong maktol ko at saka ko tinungga ang isang bago ng alak na kinuha ko mula sa waiter na napadaan sa gawi ko."Pero teka, kailangan ko din pala sundin yun lalaking yun pinapamanman nga pala yun saakin ni Lizaira." Bulong ko pa ng maalala ko ang misyon ko.Aalis na sana ako ng may humarang sa harapan ko " Hi, I'm Jonat
Ilang buwan na ang nakakalipas magmula ng makilala ng mga anak ko si manang pasya, simula nun ay walang araw na di kinukulot ng mga anak ko si nanay pasya upang muli nila itong makasama.Wala naman pagtutal sakin kung palagi silang mamasyal at gumala kung saan saan dahil malaki ang tiwala ko kay nanay na hindi niya hahayaan makalapit si Kevin sa mga anak ko." Why saying goodbye to mommy my babies?" kunwari nagtatampo ko saad ng bigla na lamang mamaalam sakin ang mga anak ko mula sa telephono." Dada is here mommy!" tanging natutuwang tili ng mga ito habang pilit na bumababa sa kanilang kinauupuan sa loob ng kusina." Wag mamadali, be careful baby." I said.Dada?kumunot ang noo ko sa binitiwan nilang salita.Bumaling ang nagtataka ko tingin kay nanay pasya ng mawala ang dalawa sa screen at lumitaw ang nakangiwing ngiti ni nanay pasya sakin." Nay? sinong Dada ang tinutukoy nila?" I ask." Naku yung anak ko iyun, anal." saad nito Sakin.lalong kumunot ang noo ko. " Anak niyo po? Nag k
" Mommy! wake up! " wala pa naman, mukhang sabik kilalanin at ma-meet ng babaeng anak ko si manang Pasya.Bukod kasi sakin, kay Frey at sa boss ko wala na akong ibang tao pinapalapit sa kambal, even the same age of them, hindi ko pinapayagan makalapit sa kanila or lapitan nila.Ni hindi ko sila pinayagan ienroll sa skuwelahan mismo, kung saan pwede silang makakilala ng ibang mga bata na kasing edad nila at maaari nilang maging kaibigan.I only enroll them online, ang pinagkaiba nga lang wala silang ibang kaklase kundi silang dalawa lang, hindi katulad sa normal na Online class na madami student sa isang section.At ang mismong prof nila ang pumupunta sa bahay upang turuan sila ng mga bagay na dapat sa mismong loob ng paaralan nila natututunan.I know na maaaring maka apekto iyun sa child hood nila pero nangingibabaw kasi sa puso ko ang wag mag-tiwala agad sa mga taong nakapalid samin lalong-lalo na sa mga anak ko.Nangingibabaw kasi sa puso ko ang takot na baka dumating ang oras na ma
" Upon ka, nak, ipinag-luto kita ng makakain mo." masigla at ngiti sa labing saad ni Manang Pasya ng maka punta kami sa loob ng kusina." Inuluto ko ang lahat ng paborito mo." dagdag pa nito habang isa-isang hinahain ang mga potaheng kanyang niluto para sakin.Nanuot agad ang mga halimuyak ng mga pagkain sa ilong ko pag-kalapag pa lang niya ng mga iyon.Namiss ko ang mga pag-kain na ito." Oh? Bakit tinititigan mo lang ako, nak? Hindi mo ba gusto ang lahat ng pagkain na inihain ko?" tanong nito ng matapos nitong mag-hain ay napansin nito ang paninitig ko lamang dito habang hindi ko pa din ginagalaw ang mga pag-kain kanyang niluto." Gusto ko po at nakakatakam po, pero mas masarap po kung sasabayan niyo po akong ubusin ang lahat nang to. Pwede po ba? Malungkot po kumain mag-isa." saad ko dito. Nakita ko ngumiti ito at tila may naalala. " Hay, naku, ikaw na bata ka, hindi ka pa din talaga nag-babago, ayaw mo pa rin kumain ng walang kasabay." saad nito bago ito kumuha ng sariling plato
Hindi ko alam kung papaanong naging mahimbing ang tulog ko matapos ang lahat ng nangyari. Tama ako, tauhan nga ni Kevin ang taong nag-maman-man sa labas ng bahay ko. Pinag-papasalamat ko na lang na hindi nakita ng tauhan niya ang mga anak ko nung mga araw na sinusundan ako ng inutusan niya tao mula sa trabaho hanggang sa bahay ko.At mabuti na lang masunurin sakin ang Xyxy at Tantan ko, kung hindi ay baka nung unang beses na sinundan ako ng tauhan ni Kevin sa bahay ko ay baka nakita na ng tauhan ni Kevin ang tungkol sa mga anak ko.Ipinag-papasalamat ko rin na muli akong tinulungan ni Frey na maitakas at maitago ang mga anak ko bago pa man utusan ni Kevin ng tao niya na lapitan ako at sapilitan kunin sa loob ng bahay ko.Gayun pa man, nararamdaman ko pa din ang kakaibang pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung para sa kaba ng takot yun o dahil di Kevin iyun.Heto na naman siya, pinupuno na naman ni Kevin ng mga tanong ang isip ko.Bakit bumalik pa siya?Bakit kailangan niyang bulabu
" Wag na wag mong aalisan ng tingin ang bahay na tinutuluyan ng asawa ko." saad ko sa kausap ko sa telepono."Yes, boss." sagot nito "Good." matapos ay binaba na niya ang tawag." Bitiwan nyo ako! Let me go!"" Ano ba? Ano bang kailangan nyo saakin?!" nasa malayo pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang sigaw at tila galit na boses ng babae."Sorry po Mrs. Riego-." rinig ko pang saad ng isang lalaki bago ito sumigaw na tila nasasaktan."Santos! Santos ang apilyedo ko hindi Riego!" rinig ko pang sigaw ng babae mula sa loob ng isang kwarto." But, Mrs. Riego-"" Ang tigas ng bungo mo sinabi nang Santos Ang apilyedo ko hindi ang nakakasukang apilyedo na yan!" tila may tumarak na matalim na bagay sa dibdib ng marinig ko iyun, mas masakit pa iyun kesa sa mga balang natamo ng katawan ko sa nakalipas na taon.Gayon pa man ay nilunok ko ang lahat ng pait at sakit, kasalanan ko naman kung bakit galit sakin ang asawa ko.Tinuloy ko ang paglalakad ikinubli ang sakit sa seryoso at matigas na anyo