Mag-log in"K-Kevin?"
" Saan ka pupunta?" nag tatakang bungad tanong ko kay Kevin. Pero wala akong nakuha na sagot mula rito.Agad kasi itong sumakay sa sasakyan nakaparada sa garahe ng bahay na niregalo sa amin ng papa niya matapos makababa mula sa sinakyan namin sasakyan na nag hatid sa amin dito sa napaka laking bahay na nasa harapan ko. Ni hindi ko nakuhang i- appreciate ang ganda ng labas ng bahay na nitegalo ng ama ni Kevin.Tinignan ko ang sasakyan pinatunog ni Kevin isa itong mid-size at hi-tech luxury car na Tesla Model X na sigurado akong napaka mamahalin ngunit magin ang sasakyan iyun ay hindi ko nabigyan ng pansin dahil sa napaka bigat na aura na pinapakita ni Kevin sa akin, dama ko yung bigat sa bawat hakbang ng mga paa niya at ang nakakatakot na expression ng mukha niya.Gusto ko siyang lapitan at tanungin pero nangingibabaw sakin ang takot, takot na baka may ibang mangyari pag nilapitan ko pa siya.Anong mali? Anong maaaring pwedeng maging dahilan para mangigil sa galit siya ng ganito?Ako ba? Dahil ba sakin?Napaka labo naman na maging dahilan ng reaction niyang ito ang paguusap namin ni Franz. Sino ako para mag kaganito siya? Sino ako para makaramdam siya ng selos dahil lang sa may nakausap akong ibang lalaki?Oo nga't asawa na niya ako pero alam ko naman na hinding hindi siya makakaramdam ng pagkaselos pag dating sakin. Aasa pa ba ako? e nung Hindi panga Lang kami kasal ni hindi ko naramdaman nag selos siya ngayon pa kaya?Ganito ba siya kagalit sakin para ganituhin niya ako?Matapos mabuksan ang sasakyan ay tila wala itong pake na sumakay ito roon, narinig kong tumunog ang makina ng sasakyan nito dun ako nag lakas ng loob na muling magtanong nag babakasakaling sa pagkakataon ito sasagutan na ako nito."Sandali!"" Kevin. S-saan ka pupunta? Iiwan mo ko dito?" nanginginig ang kamay na lumapit ako parte ng bintana ng driver's seat ng sasakyan nito kung saan ito nakaupo.Nakita kong natigilan ito ng lapitan ko ito ngunit Mabilis na nag bago ang expression ng mukha nito. Pero nanatiling sa harap lamang ang mga mata ni Kevin, ni Hindi ito lumingon sa akin."Sa lugar kung saan wala ka!" Sigaw nito mula sa loob ng sasakyan nito.Pinipigilan ang galit na gustong kumawala mula rito at saka walang pasabi na pinaharurot niya ito ng walang pasabi palayo sa kinaroroonan ko, palayo sa kung saan ako nakatayo, palayo sa akin.Nabuo tuloy sa isip ko ang katanungan na ganito ba talaga kasama ang makasama ako At maging mayhabay ng lalaking gusto ko?Unang araw ng buhay may asawa ko pero nilayasan ako agad ng pinakasalan ko Siguro nga ganun kahirap para sa kanya ang makita ako at makasama at ituring Na asawa.Pero bakit naman kasi tinutulan niya ako ng tangkain kong takasan siya sa simbahan kanina? Dahil ba mapapahiya siya at ang buong pamilya niya kung bigla ko na lang siyang takbuhan?Kung yun ang iniisip niya sana kasi hindi na lang niya ako pinakasalan at humanap na lang sana siya ng ibang babae na hindi magdadala o mag bibigay ng kahiyaan sa kanya or better yet yung babaeng laman ng puso niya na lang sana ang niyaya niyang magpakasal hindi ako.Sinasabi ko na nga ba hindi magiging maganda ang pagiging mag asawa namin ni Kevin. Ngayon pa nga lang hindi na maganda ang pinapakita niya sa akin bilang asawa niya ang mga susunod na araw pa kaya?Ito iyung kinakatakot ko e. Natatakot akong kagaya ni mommy marasan ko rin ang masaktan mentally, emotionally at maaging physically din kung magpapakasal ako sa lalaking hindi ako mahal.At heto, mukhang dito na maguumpisa ang mga masasalimuot na araw ko bilang Mrs. Riego.Hinihiling ko na lang sa itaas na sana, wag naman sana na mangyari sa amin ang mga bagay na nakita ko noon sa pag sasama ng mga magulang ko.A loveless marriage na nga wala pang respeto sa isa't isa. Sana, sana wag humantong kami ni Kevin dun. A marriage that ends in hurting each other and separating by legal documents."Ma'am." Nag aalalang tawag ni Manong Noah sa attention ko.Siguro ay nakita at narinig ni manong Noah ang nangyari sa pagitan namin ni Kevin kani kanina lang, dahilan para maging ganito ang tunog ng boses nito. huminga muna ako ng malalim, humuhugot ng lakas para magawa ko pa rin ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Pilit itinatago ang tunay na nararamdaman ko.Agad akong humarap dito ng nakangiti kahit ang totoo nadurog ako sa pag iwan at mga iniwan salita ng sarili kong asawa sakin.Natrauma na ata ako, kasi ang huling taong iniwan ako dahil ayaw akong makita ay ang ina ko. May mas masakit pa pala sa hindi pagtanggap sayo ng ina mo at pag iwan.Pero hindi na dapat pa ako masaktan, noon pa man naman tinanggap ko na sa sarili ko na di na mababalik pang muli ang mabuting samahan meron kami ni Kevin noon. Hindi na babalik ang dating Kevin na nakilala ko.Hahayaan ko na lang na mabugbug ng mabugbog sa sakit ang puso ko hanggang sa mamanhid na siya at mapagod at hindi na makaramdam pa ulit ng sakit."A-ayos lang po ako." Nanginginig ang labi na Saad ko.Pinipigilan ko ang ipahalata dito ang kirot na dulo ni Kevin. Ilang minutong tinitigan ni Manong Noah ang mukha ko, sinusuri ang reaction ng mukha ko. Halata sa mukha nito ang awa at tila hindi ito naniniwala na okay lang talaga ako."At wag na po sana makarating pa ito kanila papa." matapos ang ilang segundong pananahimik ay muli akong nag salita. Nakikiusap na sana Hindi ito makarating sa ama ni Kevin.Ayokong makarating pa ito sa ama ni Kevin, dahil baka mapahamak pa siya kapag nalaman ng ama nito ang ginawa nitong pag iwan sa akin. Ayokong makitang maging mag kagalit silang magama ng dahil lang sa akin at hindi ko rin kaya na maging dahilan lalo ng away nilang magama, hindi iyun kaya ng konsensya ko. Kaya ko naman at tanggap ko ang kung ano man nangyayari sakin e.Heto ang consequences ng pagpapakasal ko sa lalaking hindi ako gusto.Nagdadalawang isip at tila hindi ito sanayon sa hiling ko, pero maya maya lamang ay nakakaawang at nakakaunawang marahan tumango ito bilang sagot sa nais ko, dahilan para gumaan ang loob ko."Oh, sige na halika na at magpahinga sa loob iha." saad nito. Kiming ngiti lamang ang isinagot ko rito at pag tango. Matapos ay tinulungan ako nitong mag buhat ng mga gamit namin ni Kevin papasok sa loob ng bahay, suot suot ko pa rin kasi ang napaka laking wedding gown na ang mismong mommy ni Kevin ang pumili kaya Hindi ko mabuhat ng maayos ang mga gamit namin ni Kevin dagdag pa ang medyo kataasan sapin sa paa na suot ko. Pasalamat na lang ako na kahit iniwanan ako ni Kevin dito ay narito si manong Noah para tulungan ako sa pagbubuhat ng mga gamit namin."Salamat po manong Noah pwede nyo na po akong iwan." magalang na saad ko dito. Agad naman itong tumango at naglakad papunta sa pinto upang lumabas, siguro ay babalik na ito sa mansyon nila Kevin.Driver kasi ito ng ama ni Kevin.Agad akong pumanik paakyat ng marinig ko ang makina ng sasakyan gamit ni manong Noah sa paggator samin ni Kevin rito sa bahay na ito sinyales na paralisi na ito.Hirap man sa paglalakad ay pinilit ko pa rin hanapin ang magiging kwarto ko para makapag palit at makapag pahinga na ako. Masyadong maraming nangyari ngayon araw at tila na- drain na ang utak ko maging ang buong katawan ko para makaramdam ako ng pagod. Mabigat ang pakiramdam na nahiga ako sa kama nang matapos akong makapag bihis, heto dapat ang unang gabi namin ni Kevin bilang mag asawa pero umalis siya para hindi lamang ako makita.Pagod man ay hindi makuha ng mata ko na pumikit at magpahinga, bumabagabag sa isip ko ang tagpo pagtakas ko sana, ang tila pagpigil ni Kevin sakin sa nais kong gawin kanina at ang pagiwan nito sakin dito sa napaka laking bahay na ito.Nalilito ako at naguguluhan.Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit ni Kevin sakin, kung bakit kailangan pahirapan niya ako ng ganito. malalim na napabuntong hininga na lang ako dahil kahit anong tanong pa ang gumulo sa isip ko wala akong makukuha ng sagot, dahil hindi lahat ng tanong kailangan ng nasagutan.O baka hindi ako makatulog yun ay dahil hinihintay ko siya. " Bakit ba iniisip ko yun? Rachell tulog na, pagod ka diba?" Naiinis na kausap ko sa sarili. Patagilid akong huminga pinipilit ang sariling makatulog, nang matanaw ng pahingin ko ang orasan sa dingding ng kwarto ng kinaroroonan ko.Malalim na pala ang gabi pero hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwe, siguro nga ayaw niya lang talaga akong makita. Unti unting namuo ang luha sa mga mata ko nasasaktan sa sarisariling senaryo na nabubuo sa isip ko.Mabilis Na nagsipagtulo ang mga luha ko ng maupo ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang telepono ko. " Papa, kailangan ko ng yakap mo." Mahinang bulong ko ng Sumagi sa isip ko na tawagan ang ama ko pero alam kong bibigyan ko lang ng sama ng loob si papa kung tatawag akong umiiyak sa araw mismo na to.Ayokong sirain ang araw na ito, dahil alam kong masaya si papà sa araw na to. Muli akong humiga at bumalugtot hanggang sa hindi ko na namalayan unti unti na palang bumabagsak ang talukap ng mga mata ko habnag may mga butil ng luhang tumutulo roon. Nakatulog ako habang nakaharap sa veranda ng kwartong kinalalaglagyan ko.Someone's POVMarahan at may pagiingat na nag lakad ito mula sa pintuan veranda hanggang sa kamang kinahihigaan ni Rachell at may pagiingat na ibinalot nito si Rachell sa kumot matapos ay marahan dumaosdos ang malambot at makinis na palad nito sa buhok ni Rachell hinahawi ang mga takas na buhok ni Rachell.Masyadong pagod at mahimbing ang tulog ni Rachell para maramdaman niya na may ibang tao sa kwarto kinalalagyan niya."Umiyak ka na naman." bulong saad nito habang mataman pinakatititigan nito ang mukha ni Rachel. Dumapo ang likod ng palad nito sa pisnge ni Rachell at tila pilit na pinupusan nito ang natuyong luha mula sa mga mata ni Rachell."Napaka iyakin mo talaga.""Galit ako, galit na galit ako pero hindi ko kayang makita mo kung paano ako mainis at magalit sa sarili ko." bulong nito sa natutulog na si Rachell."Bakit kasi napaka duwag ko? Ni hindi ko magawang ipaglaban at aminin ang tunay na nararamdaman ko, mas nangunguna ang takot na hindi mo ko tanggapin at mahalin, kung matapang lang ako, kung kaya ko lang aminin ang tunay na nararamdaman ko hindi ka sana iiyak at masasaktan ng ganito, perdoname mi Amor." mabigat ang loob na tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Rachell at inilapit ang mukha sa harapan ng mukha ni Rachell.Matapos ang ilang segundong pagtitig nito sa mukha ni Rachell ay marahan at puno ng pagiingat na lumapat ang labi nito sa noo ni Rachell upang halikan ito roon.Rachel's POVAgad akong napabangon ng maramdaman ko ang kumot na kagabi lamang ay wala sa pag katalukbong sa buong katawan ko. Naalala ko pang nakita ko ito maayos na nakatupi sa tabi ng kamang aking kinahihigaan."Nagising ba ako kagabi at kinumutan ko ang sarili ko?" Wala sa sariling tanong ko.Nag palinga linga ako sa paligid upang tignan kung nakauwe na ba si Kevin ngunit napaka tahimik ng paligid ko, agad akong bumangon upang mag linis ng sarili at para makababa na ako at tignan ko kung nasa baba si Kevin.Baka kasi nasa baba lang siya at nag luluto, naaamoy ko kasi ang kakaibang aroma na tila may nag luluto. Umaasa na si Kevin nga ang taong nag luluto na iyun dahil kaming dalawa lang naman ni Kevin ang nakatira sa bahay na ito. Nagmamadaling naglinis ako ng katawan at naghilamos habang may ngiti sa labi."Kevin!" sabik na tawag ko sa pangalan ni Kevin. Pero na- disappoint lang ako ng makita kong hindi ito si Kevin at isa itong matandang babae.Seryoso at tutuk na tutok ang ginang sa pagluluto ng magulat ito sa pagsigaw na ginawa ko. Ngunit nagulat man ay malumanay at may ngiti pa rin sa labing nagpakilala ito sakin."Hi ma'am Rachell, ako nga pala si manang Pasya yaya ako ni Kevin sa mansion ng pamilya ng Riego, ako naging yaya ni Kevin simula pag ka bata niya hanggang sa magbinata siya.""Narito ako kasi ipinadala ako ng mommy at daddy ni Kevin para tulungan at alalayan kayo para hindi kayo mahirapan sa buhay may asawa at isa pa kilala ko ang alaga ko kaya maituturo ko sayo ang mga bawal na pagkain kay Kevin kung sa kali man naisin mong ipagluto siya ng pagkain maging sa pagpili ng susuotin at iba." nakangiting saad nito."Si Kevin po?" sa halip na sagutin ko ang mga sinabi nito ay hinanap ko ang lalaking kagabi pa missing in action.Nawala ang ngiti sa labi nito at kumunot ang noo. "Di ba dapat kasama mo siya? Bakit? wala ba siya dito? Umalis ba siya ng makarating kayo dito?" nag-tatakang tanong ni manang Pasya sakin.Wala si Kevin..."Siguro nga nagising ako at ako mismo ang nag kumot sa sarili ko." piping bulong ko sa sarili. Umasa pa naman ako na iba ang araw na ito at katulad ng mga bagong kasal bubungad sakin ang masayang mukha ni Kevin pero asa pa ba ako? Umalis nga siya para hindi ako makita e.Nasaan ka Kevin?Nag aalinlangan man ay sinagot ko pa din ito. Hinahalungkat ko ang isip ko ng mga posibleng dahilan na pwede kong maisagot rito."Opo, umalis po si Kevin." mas lalong kumunot ang noo nito." a-ahh may importante daw po kasi siyang kailangan gawin kaya siya umalis nag babaka sakali po kasi ako na umuwi na siya." pag-sisinungaling ko kay manang Pasya. Kahit pa alam ko na walang importanteng gagawin si Kevin at ang gusto niya lang ay ang hindi ako makita at makasama."Ganun ba." nakahinga ako ng maluwag ng maniwala ito sa idinahilan ko rito." Pero kahit na, dapat hindi ka niya iniwan kagabi, yun pa naman ang unang gabi nyo bilang mag asawa kaya dapat hindi ka niya talaga iniwan. Pasaway talaga ang batang iyun."" Hayaan mo sasabihin ko sa daddy niya itong ginawa niya para mapag sabihan--." saad nito. at saka sinalin sa isang plato ang niluto nitong pagkain."Naku! wag na po okay lang naman po sa akin e at saka nag paalam naman po si Kevin kaya naiintindihan ko naman po." agad na sagot ko dito sa magalang na paraan."Oh Lord. Sorry po kung nag sisinungalin po ako." Piping bulong ko."At saka alam ko naman po na sobrang busy ni Kevin sa trabaho, diba po ganun naman po dapat, ang intindihin ang asawa mo sa lahat ng pagkakataon. Kaya naiintindihan ko po si Kevin.""Oh siya, oh siya. Kung yan ang gusto mo. Hindi ko na ipapaalam pa sa mga magulang ni Kevin ang pangyayaring ito. Pero iha, pag pasensyahan mo nalang yang alaga ko dahil talagang mainitin ang ulo nyan at sobrang sobsob sa trabaho pero mabait at maalaga ang batang yun." may ngiti sa labing saad nito at saka nilapag ang mga niluto nito sa lamesa kaya umupo na ako sa upuan nasa harap ko."Oh iha kumain ka lang ng kumain dyan, masasarap ang mga iyan at ako naman ay mag aasikaso lang ng mga kalderong ginamit ko upang mahugasan at hindi matambak sa lababo—." paalam nito. Pero agad ko itong pinigilan."A-ahm... Manang? pwede po bang sabayan nyo po akong kumain?" nag-aalangan tanong ko rito."Hindi po kasi ako sanay na mag isang kumakain sa harap ng hapag kainan." dagdag ko pa rito. Umaasa na sasabay ito sakin sa pagkain.Nakita ko ang magaan na pag ngiti nito sakin saka marahan tumango ito at umupo sa upuan nasa harap ko. " Oo naman iha." sagot nito sakin.Nginitian ko din ito saka ako nagsandok ng pagkain sa plato ko. " Para kang si Kevin iha, hindi sanay na kumakain magisa." may ngiti sa labing saad nito habang sinasalinan ko ang plato nito ng pagkain dahilan para matigilan ako."Hindi rin po sanay si Kevin na walang kasabay na kumain?""Oo, feeling baby ang batang iyun e. Kulang na lang ikandong ko sa hita ko at ipaghele kahit pa binata na siya." natatawang kwento ni Manang Pasya na ikinatawa ko rin.Sa isang iglap lang gumaan agad ang pakiramdam ko kasi piling ko kahit wala dito si Franz at ang daddy nandito naman si manang, na piling ko magiging kakampi ko sa loob ng bahay na ito.Hindi ko na mabilang kung ilang gabi ang nag daan bago nakauwe si Kevin. Ni isang beses hindi ako nag karoon ng pagkakataon para makita at makausap siya.Rachell POV"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Frey ng makita niyang nag aayos ako ng mga gamit na gagamitin sa mission namin para bukas. inilalagay ko sa isang bag ang lahat ng kakailanganin kong gamitin para sa misyon."Nag aayos bakit?" Balik tanong ko dito habang patuloy na nag aayos ng gamit."Oo nakikita ko nga, pero bakit?" Tanong pa nito ng makaupo sa harapan ko sa dulo ng kama. tinitignan lang nito ang ginagawa ko at ang bawat kilos ko."Anong bakit sinasabi mo? Malamang dahil bukas na tayo sasalakay, hindi ba?" Balik tanong ko dito. Nalilito sa inaakto nito."Alam ko, pero bakit kasama ka?" Tanong pa nito. May pag aalalang nakabalatay sa mukha nito habang mataman akong tinitignan."Dahil ako ang asset ng grupo diba?" Sagot ko dito na naka kunot ang noo. Nag tataka sa inaasal nito."Alam ko pero di mo ba naisip na delikado para sayo na sumama at gawin pa din tong plano na to?" Nag aaalalang saad nito saakin na kinatigil ko.Kahapon kasi namin na laman na buntis nga talaga
Rachell POV"Frey? Gising ka pa ba?" Alanganing tanong ko kay Frey pag kapasok ko sa kwarto nito. Halos isang buwan ko nang hindi nakikita si kevin, hindi ko alam kung talaga bang napagod na siya kakahanap sa akin o may iba pa siyang binabalak.Kaya di niya ako ginugulo ngyon, ni hindi ko nga din maintindihan tong nararamdaman ko mag mula kasi ng di na siya nag paramdam, pakiramdam ko ang lungkot- lungkot ko na parang na mimiss ko siya na ewan. Hindi ko na tuloy maintindihan ang sarili ko Pilit ko nalang sinasabi sa sarili ko na di ko dapat siya ma miss o na mimiss dahil galit ako sa kanya.Galit na galit.Dapat mas pinatibay At pinataas ko pa ang pader na matagal Kong binuo para Lang di niya muli ako masaktan. Pilit kong tinatanggi sa sarili ko na dapat hindi ko na ito maramdaman pa kinukumbinsi ko ang sarili ko na hindi ko na mahal si kevin at puro pait at galit na Lang ang nararamdaman ko para dito pero para yata kaming pinag lalaruan ng panahon kasi kung kailan na pag disisyon
Rachell POVGulong gulo ang isip ko at ang puso, ni hindi ko nga alam ang gagawin ko e. mahigit isang buwan na simula ng takasan at pag taguan ko muli si kevin. Kung tungkol naman sa trabaho ko nakiusap ako kay lizaira na ipalit si montez ang isa sa napaka misteryoso nitong alalay para palitan ang pwesto ko pasalamat nalang ako at di niya question ang bigla kong pag tanggi sa trabahong nakalaan para saakin.Hindi ko kasi alam kung paano ako makakaiwas kay kevin kung palagi ko itong nakikita sa tuwing dunadalaw ito sa opisina ng boss ko, kaya naman umalis na ako doon. Hindi ko alam kung natatakot ba ako sa maaaring gawin ni kevin saamin ng mga anak ko o baka natatakot lang akong muling saktan at muling madurog ang puso ko para sa lalaking lubos kong minahal noon? Naguguluhan na ako at hindi ko alam kung dapat ko bang mas bantayan ang mga anak ko o puso ko na unti unting nawawarak ang harang na matagal kong tinayo para hindi na muling masaktan.Wala sa sariling nag lalakad ako habang
Rachell POV "Ugh!!!" Daing ko ng maramdaman ko ang sakit ng ulo nang magising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. "Dalawang baso lang naman ang nainom ko kagabi ahh bakit sobrang sakit ng ulo ko?" Bulong tanong ko sa sarili ko habang nakapikit pa din nasisilaw kasi ako sa sinag ng araw na nagmumula sa kung saan man. natigilan siya ng may maalala "Teka, ang cottage na tinutuluyan ko ay may nakaharang na malaking puno diba?" Kunot noong tanong niya sa sarili habang nakahawak sa noo pumipintig sa sobrang sakit. "So bakit nasisinagan ng araw ang kwarto ko?" Tanong pa niya syaka niya dahan dahan dinilat ang mga mata niya na nanlaki sa nakita. Ganun nalang ang gulat niya ng malaman nasa ibang kwarto siya. Wala siya sa cottage inupahan niya para pansamantalang tuluyan ng isang araw at gabi. Wala siya roon kundi nasa loob mismo siya ng hotel to be exact sa loob ng isa sa kwarto ng hotel. "F*ck sh*t ka self anong ginawa mo? Anong kagagahan ang ginawa mo kagabi self? " Gul
Rachell POV"Boss?! saan ka pupunta? ano sinama sama mo ko dito tapos iiwan mo lang ako dito sa isang tabi?" Pag rereklamo ko nang akmang aalis ang boss ko may tatawagan daw kasi ito."Saglit lang ako mag liwaliw ka muna dito at pwede ba ms. santos engagement party ko ito hindi pwede na palagi akong naka dikit sayo baka kung ano pang isipin ng ama ko." Saad nito."Pero boss wala akong kakilala dito." Maktol ko pa dito."Makipag kilala ka or mag liwaliw ka mag isa kung gusto mo. sige na maiiwan na kita." Saad nito siyaka nag mamadali na umalis sa tabi ko."Tsk!" " bakit kasi sumama sama pa ako dito sana pala nag paiwan nalang ako edi sana kasama ko mga anak ko ngayon." Bulong maktol ko at saka ko tinungga ang isang bago ng alak na kinuha ko mula sa waiter na napadaan sa gawi ko."Pero teka, kailangan ko din pala sundin yun lalaking yun pinapamanman nga pala yun saakin ni Lizaira." Bulong ko pa ng maalala ko ang misyon ko.Aalis na sana ako ng may humarang sa harapan ko " Hi, I'm Jonat
Ilang buwan na ang nakakalipas magmula ng makilala ng mga anak ko si manang pasya, simula nun ay walang araw na di kinukulot ng mga anak ko si nanay pasya upang muli nila itong makasama.Wala naman pagtutal sakin kung palagi silang mamasyal at gumala kung saan saan dahil malaki ang tiwala ko kay nanay na hindi niya hahayaan makalapit si Kevin sa mga anak ko." Why saying goodbye to mommy my babies?" kunwari nagtatampo ko saad ng bigla na lamang mamaalam sakin ang mga anak ko mula sa telephono." Dada is here mommy!" tanging natutuwang tili ng mga ito habang pilit na bumababa sa kanilang kinauupuan sa loob ng kusina." Wag mamadali, be careful baby." I said.Dada?kumunot ang noo ko sa binitiwan nilang salita.Bumaling ang nagtataka ko tingin kay nanay pasya ng mawala ang dalawa sa screen at lumitaw ang nakangiwing ngiti ni nanay pasya sakin." Nay? sinong Dada ang tinutukoy nila?" I ask." Naku yung anak ko iyun, anal." saad nito Sakin.lalong kumunot ang noo ko. " Anak niyo po? Nag k
Lumipas na ang ilang buwan na palaging ganito ang routine namin ni kevin, papasok siya ng maaga, uuwe ng gabing-gabi para lang hindi ako makita. ni anino niya hindi ko makita at maramdaman. Sa mga ginagawa nyang to unti unti nang napapansin ni manang ang hindi magandang pagsasama namin ni Kevin, un
Masaya yan ang mailalarawan ko sa mga mukha ng mga taong narito na naging saksi ng pag iisang dibdib naming dalawa ni kevin. "Dapat pag katapos ng reception na ito ay mag honeymoon na kayong dalawa agad agad--." napalingon ako sa boses ng aking ama. "Pa." naiilang na awat ko dito. Honeymoon? Kai
Di ba dapat lahat ng kinakasal masaya kasi finally ikakasal na sila sa taong gusto nilang makasama habang buhay.Ganun naman dapat diba? Yung tipong gusto mong umiyak sa sobrang tuwa kasi sa wakas ikakasal ka na, tapos double pa yung saya kasi sa taong mahal mo talaga ikaw mag papakasal. That he is
"Please stop, Kevin, ahh! na sasaktan ako" pakiusap nito dito habang pilit na kuma-kawala mula sa mahigpit na pag-kakahawak nito sa pulso niya ngunit tila wala itong narinig at pinag patuloy na lamang nito ang pang-hahalay sa sariling asawa.O asawa nga ba ang turing nito sa kawawa babae na kanina p







