Ginawang pambayad utang ng kanyang tiyuhin si Lara Veronica Martinez. Dahil sa desperasyon na matakasan ang lalaking hindi niya gusto, pumayag ang dalaga na magpakasal sa kanyang bilyonaryong boss na si Jason Timothy Lagadameo o Jace na nangangailangan ng contract bride upang matupad ang kahilingan ng abuela nitong may sakit. The marriage will last for only six months. At may dalawang rules na inilatag si Jace kay Lara; mananatiling lihim ang kanilang kasal sa iba at hindi dapat ma-in-love si Lara sa kanya. Wala iyong problema kay Lara. Alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga gaya ng kanyang boss. He is the cold billionaire and she is the bubbly ordinary employee. He is the ruthless CEO and she is the poor woman with a heart of gold. Paano kaya nila pakikibagayan ang isa’t-isa gayong tila langit at lupa ang kanilang pagitan? Kaya ba nilang panatilihing lihim ang kanilang kasal sa iba gaya ng kanilang napagkasunduan? Paano kung sa paglipas ng panahon, unti-unting mahulog si Lara kay Jace sa kabila ng katotohanang, nariyan lang ang ex-girlfriend ni Jace, handa ulit paumuin ang binata sa kahit na anong paraan? Ipaglalaban ba ni Lara ang kanyang damdamin para sa asawa? O mas pipiliin niya ang umalis pagkatapos ang anim na buwan gaya ng kanilang napagkasunduan kahit na… dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang pinakaaasam na tagapagmana ng mga Lagdameo na siyang magiging susi upang mabuksan ang mga lihim ng kanilang nakaraan?
ดูเพิ่มเติม“Tiyo, bakit ako?” mangiyak-ngiyak na reklamo ni Lara sa tiyuhin na si Berto nang sabihin nito sa kanya na nakapili na raw ng aasawahin ang intsik na amo nito sa grocery store. At ang malas na babae, siya.
“O e alangan namang ako? Alam mo naturingan kang gradweyt pero may pagkatanga ka rin minsan. Ikaw lang naman sa atin dito sa bahay ang puwedeng ialay kay Bossing. At saka ayaw mo no’n, tiyak na yayaman tayo, Lara. Kahit hindi ka na magtrabaho, mahihiga ka sa kwarta!” anang tiyuhin, nagsalin ng gin sa baso, humithit muna ng sigariylo bago uminom ng alak. “Matagal ka nang kursunada no’n ni Boss Chino e. ‘Di ba nga palagi kang may regalo sa kanya tuwing Pasko at birthday mo. Seryoso ‘yon sa ‘yo, kaya ‘wag mo nang tanggihan. Minsan na nga lang ako mag-utos sa ‘yo, nagrereklamo ka pa. Parang wala kang utang na loob a,” patuloy pa ni Berto, muling tumungga ng alak.
Nakagat ni Lara ang kanyang pang-ibabang labi, yumuko. Noon pa man ay masakit nang magsalita ang kanyang tiyuhin. Asawa ito ng kanyang Tiya Linda, nag-iisang kamag-anak ng kanyang yumaong ina na si Melissa.
Mula nang pumanaw si Melissa noong anim na taong gulang pa lamang ang dalaga ay sa poder na siya nina Berto at Linda tumira. Mabait si Linda kay Lara, maalaga ito gaya ng isang tunay na ina. Subalit si Berto ay sadyang mabigat ang dugo kay Lara, ang tingin nito sa dalaga’y pabigat at walang kwenta.
Nang ma-stroke si Linda dahil sa labis na pagtatrabaho, lalong naging hindi naging maganda ang turing ni Berto kay Lara. Nang hindi makatiis si Lara ay lumuwas ito ng Maynila pagka-graduate ng high school at nakipagsapalaran. Na nagbunga naman dahil nakakuha ito ng scholarship sa isang kolehiyo. Iba’t-ibang part-time jobs ang pinasukan ng dalaga para lamang maitawid niya ang kanyang pag-aaral at pang-araw-araw na gastusin. Idagdag pa na regular din ang pagpapadala niya sa tiyahin para sa mga gamot nito.
Nang makapagtapos ang dalaga at nakapasok sa isang magandang trabaho sa siyudad, lalong naging palahingi si Berto. Kesyo raw kailangan ng pinsan niya ng project sa school, may tulo ang bubong ng bahay kahit na tag-araw, ubos na raw ang gamot ng kanyang tiyahin kahit na libre naman sa center ang gamot nito at kung ano-ano pang dahilan. Madalas, gustong-gusto ni Lara ang tumanggi sa demands ng tiyuhin. Subalit… sa tuwing sinusubukan niya’y nakakatikim ng masasakit na salita ang dalaga sa tiyuhin. Gaya ngayon.
Naisip ng dalaga na kung alam lang niya na ‘yon ang sasabihi ng tiyuhin sa kanya, hindi na lang sana siya bumiyahe ng higit isang oras mula sa siyudad pauwi.
“Ano, hindi ka na umimik. Tatanggi ka ba talaga, Lara?” si Berto ulit, humithit ng sigarilyo bago ibinuga ang usok patungo sa kisame ng kanilang maliit na tahanan. “Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, ipaparemata ko na lang kay Boss Chino itong bahay nang sama-sama na lang tayong maghirap.”
Kumurap si Lara. “P-po?”
“Matagal nang nakasanla kay Bossing itong bahay, Lara. Wala e, laging kapos. Hindi ka naman kasi marunong magkusa,” ani Berto, muling humithit sa sigarilyo nito.
Muling natahimik si Lara, pinigilan ang sariling sumagot. Paanong hindi siya marunong magkusa gayong halos kalahati ng suweldo niya buwan-buwan ang napupunta sa mga ito?
“O ano, nakukunsensiya ka na ba? Dapat lang. Wala kang utang na loob e,” ani Berto, tumipa sa kanyang cellphone. “O ‘yan. Puntahan mo raw si Boss Chino bukas d’yan para makapag-usap kayo. Gustong-gusto ka na niya ulit makita, tinatago lang kita.”
Tumunog ang cellphone ng dalaga. Nang tignan niya, isa iyong text message na naglalaman ng pangalan ng restaurant at oras kung saan sila magkikita ng boss ng tiyuhin kinabukasan.
“Ano, pupunta ka ba?” untag ni Berto kay Lara nang nanatiling tahimik ang huli.
“O-opo,” mabigat ang loob na sagot ng dalaga bago naglakad papasok sa silid ng kanyang Tiya Linda.
Tulog na ito at mas nangayayat nang huli niyang makita. Kumuyom lalo ang kamay ni Lara, sinisisi ang sarili kung bakit ba siya ipinanganak na mahirap.
Magaang hinawakan ni Lara ang kamay ng tiyahin. Iyon ang mga kamay na nag-aruga sa kanya nang kailangang-kailangan niya ng kalinga. Ngayong malakas na siya at ito naman ang mahina, tatalikuran na lamang ba niya ito nang basta-basta?
Nakagat ni Lara ang pang-ibabang labi, tuluyang lumuha. “P-para sa ‘yo, Tiya. Gagawin ko, para sa ‘yo.”
--
Nagmamadaling pumasok sa CR si Lara, mabilis na inilabas ang cellphone mula sa kanyang bag at idinial ang numero ng kaibigang si Erin.
“Hindi ko talaga kaya, Erin. Hindi ko talaga kaya,” reklamo agad ng dalaga nang sagutin ng kaibigan ang kanyang tawag.
Naroon na sa restaurant ang dalaga kung saan sila magkikita ni Chino, ang instik na boss ng kanyang tiyuhin. Subalit malayo pa lang, nang makita ng dalaga ang may edad na at matabang instik, hindi na siya tumuloy sa table na ini-reserve ng lalaki para sa kanilang dalawa. Ang banyo na agad ang tinumbok niya.
“E bakit ka ba kasi pumunta-punta pa d’yan. Sabi ko naman sa ‘yo, dedmahin mo na lang ang pangungunsensiya ng tiyuhin mong lasenggero!” gigil naman sa sagot ni Erin sa kaibigan.
Katrabaho ni Lara si Erin sa isa sa pinakamalaking kumpaya sa siyudad, ang Lagdameo Development Corporation o LDC. Palibhasa’y magkakilala mula college, alam na alam na rin ni Erin ang kwento ng buhay ni Lara.
“P-Paano si Tiya at si Coco?” Si Coco ang anak nina Linda at Berto na graduating pa lamang sa high school.
“Hay naku, Lara. E ‘di ba sinabi ko sa ‘yo noon pa, na dalhin mo na dito sa Maynila ang tiyahin mo at si Coco. Iwanan mo na ‘yang tiyuhin mong lasenggo! Paulit-ulit na ‘ko sa ‘yo, girl. Sa susunod ire-record ko na lang talaga ang sasabihin ko.”
Humikbi si Lara, lalong naguluhan. “Hindi ko talaga kayang magpakasal sa boss ni tiyo, Erin. Kahit sinong lalaki na d’yan, basta h’wag lang si Boss Chino,” anang dalaga.
“Uy, umiiyak ka na? Was I too harsh? Kasi naman e, bakit ba kasi masyado kang mabait, Lara Veronica! Aba, lumaban ka rin kasi.”
Sasagot pa sana ang dalaga nang biglang bumukas ang pinto sa isang cubicle sa banyo. Agad napasinghap si Lara nang makita na isang lalaki ang naroon. At hindi lang basta lalaki, kundi ang cold, ruthless at allergic sa ngiti na CEO at big boss nila sa LDC na si Jason Timothy Lagdameo o Sir Jace.
“W-wrong CR ka p-po, S-Sir,” wala sa sariling sambit ni Lara, tulala.
“You’re the one who’s in the wrong place, Miss,” anang lalaki, dumiretso sa sink at naghugas ng kamay
Lumipad ang tigin ni Lara sa pinto, naroon ang nga MEN sign! Namutla agad ang dalaga, nagkumahog na naglakad patungo sa pinto. Subalit bago pa man tuluyang makalabas ang dalaga’y nagsalita si Jace.
“I heard you need husband?”
Agad natigilan si Lara, muling pumihit paharap sa lalaki.
“S-Sir?”
Kumuha ng tissue si Jace at nagpunas ng kamay. “I am in need of a bride,” seryosong sabi ng binata.Kumurap si Lara. Wala pa ring maintidihan sa sinasabi ng lakaki.
“P-po?”
“Be my bride. Marry me.”
Nang magkamalay si Lily, napa-ungol pa ang dalaga nang agad niyang maramdaman ang pananakit ng kanyang mga braso at hita. Pakiramdam niya nakipagsuntukan siya ng ilang oras at...Agad na napamulat ang dalaga nang maalala na may mga lalaking dumukot sa kanya bago siya mawalan ng malay!Subalit nang magmulat siya, ang unang tumambad sa kanya ay ang hitsura ng hospital suite na pamilyar sa kanya. Hindi siya pwedeng magkamali, iyon ang silid ni Liam sa St. Matthews Hospital!Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Anong nangyari? Bakit siya naroon?Maya-maya pa, umingit pabukas ang pinto mula sa bathroom at iniluwa niyon ang bulto ni Liam. Agad na nagtama ang kanilang mga mata. His eyes were filled with worry while hers were filled with tears.“L-Lily, you’re finally awake,” bulong ni Liam.Lily made a little gasp as she let her tears fal. Ang huling ginawa niya bago siya mawalan ng malay ay ang tawagin ang pangalan ni Liam. She didn’t know what kind of miracle happened while she was out but she
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Liam habang sinusundan niya ang GPS ng sasakyan ni Dustin. Ten miniutes ago, nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan na may kumuha raw kay Lily habang pauwi ito sa kanila. Iyon ang sumbong ng mga kapitbahay na nakakita sa mga pangayayari.That got him on his feet instantly. Wala na siyang pakialam sa plano ni Dustin na itago siya [ansamantala sa ospital at palabasing nasa malubha siyang kalagayan. Basta na lang siya umalis ng ospital upang hanapin si Lily. He has been waiting for hours now for any news about his wife. Mula nang umalis ito sa opsital matapos siya nitong kumprontahin, wala na siyang naging balita rito. She must’ve hid somewhere and cried.Tapos ngayon mababalitaan niyang may dumukot sa asawa niya gayong hindi pa sila maayos. Sinong hindi mag-aala? Sinong hindi matataranta?Liam sighed, his chest constricting at the thought. Kailangan niyang makita agad ang asawa. Kailangan niyang makapagpaliwanag kay Lily.Yes. He lied.What he sai
“The evidence was solid. Why couldn’t you convince her?” inis na sabi ni Hans kay Hazel nang makabalik silang dalawa sa silid ng isang maliit na motel sa siyudad. Mula nang dumating silang dalawa sa Pilipinas a few days ago, doon na sila tumutuloy na dalawa.They are on a mission kaya sila naroon—to strip Liam of everything he owns, even his life.But, so far, none of their plans are working. Well, maliban na lang ang sa kanya. It’s all over the news, he injured Liam Beckett so bad he might not be able to race again.Initsa ni Hazel ang kanyang purse sa kama at ibinagsak ang katawan doon. “The girl is tougher than I thought. She just walked away after seeing everything! I mean, who does that? Her husband cheated on her! She should have dragged me by my hair. But… the bitch just walked away!”“You should’ve grabbed her hair instead than watch her walk away! Are you stupid or something? Can’t you see we need her signature?! Fast! When Liam dies, none of us will profit from this,” gigi
“What do you mean umalis na lang si Lily nang bigla? She’s not here. Where could she have possibly went?” mataas nag boses na tanong ni Liam kay Paul nang tawagan niya ito sa AdSpark.Lili is not answering her phone. She’s supposed to come back before lunch. Iyon ang ipinaalam nito sa kanya kaninang umaga nang sumaglit ito sa opisina. He was actually hesitant to allow her to go, kaya lang, nagpumilit ang asawa.Umalis nang walag bantay si Lily. She reasoned out na sa malapit lang naman siya pupunta kaya hindi na nila pinaalam kay Dustin ang bagay na iyon. Subalit, labis ang pagsisisi ngayon ni Liam kung bakit pinayagan niya ang asawa na umalis nang walang tumitingin dito. He knew AdSpark is a safe place but still…“Hindi ko alam, Sir Liam. Basta bigla na lang daw umalis sabi ng guard. Parang umiiyak daw e,” sagot ni Parl.Muling napabuga ng hininga ang binata. Now with those new details, mas lalo lang siyang nag-alala.“O-okay. I will call some people to help me find her. Thank you,
Kuyom ang mga kamay ni Lily nang pumasok siya sa isang maliit na café kung saan sila magkikita ni Hazel Jones-Smith. Sa totoo lang, hanggang sa mga oras na iyon ay puno pa rin ng pagdadalawang-isip ang dalaga sa gagawin niyang pakikipagkita kay Hazel.Anak ng kaaway ni Liam ang babae. Hindi malayong nililinlang lang siya nito kaya lang…Marahang ipinilig ni Lily ang kanyang ulo. As if the intimate photos of her husband and Hazel would just simply vanish inside her head. They remained however— hurting her over and over.Kaya alam ni Lily sa kanyang sarili, na upang maliwanagan siya at malaman niya ang buong katotohanan, kailangan talaga nilag mag-usap ni Hazel.Kung ano mang kahihinatnan ng pag-uusap nilang iyon, hindi niya alam. Subalit may maliit na bahagi ng kayang puso na umaasang isa lang sanang malaking pagkakamali ang lahat. Na sa bandang huli wala ring magiging lamat ang relasyon nila ni Liam. Na—“Ma’am, may hinahanap po kayo?” anang waiter na kusang lumapit kay Lily nang tulu
Ikalawang araw na ng pagkaka-confine ni Liam sa ospital nang sumaglit si Lily sa AdSpark. May mga kailangan kasing documents ang boss na si Erin kaya naman nagpaalam muna ang dalaga kay Liam na sasaglit sa opisina.Sa lobby pa lang ng building may bumati na sa kanya. They called her Mrs. Beckett. Kumalat agad ang balita tungkol sa tunay na relasyon nila ni Liam doon pa lang sa unang ospital na pinagdalhan dito. May kumuha ng retrato nila na magkayakap sa ER. Nailagay iyon sa main page ng gossip section ng tabloids at sa social media na rin. People talked about her and Liam. May ibang masaya para sa kanila. Mas marami ang hindi. Karamihan mga babaeng fans ni Liam.Kaya pinayuhan si Lily ng asawa na h’wag munang maglog-in sa social media accounts niya upang hindi iyon makadagdag ng stress para sa kanilang dalawa. So far, maayos naman ang dalawang araw na social media detox ni Lily. Subalit ngayong nagbalik-trabaho siya saglit, alam niyang wala na siyang kontrol pa sa magiging reaction a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น