HINDI ko alam kung paano ako nakalabas sa lugar na ‘yun. Nagpapasalamat na lang din ako at sampal lang ang aking natanggap.
Iniisip ko ang mga titig na ‘yun ni Darius. Ang akala ko ay nagbago na siya, pero hindi pala.
Isang malaking akala.
Naglalakad na lang ako sa gilid ng kalsada. Ayaw ko na munang makita ang pagmumukha ni Darius.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. Kay Darius, dahil ‘yan ang sinasakyan namin papunta rito kanina. Hindi na ako nagpatuloy sa paglalakad at bumalik sa dati kong dinaanan.
Mabilis ang mga hakbang na ginawa ko. Siya namang pagkarinig ko sa pagsara ng pinto ng sasakyan.
“Phoebe!” Naririnig kong tawag ni Darius ngunit hindi ko siya niligon. Ayaw ko na muna siyang makausap.
Ma binilisan ko pa ang paglakad ko hanggang sa tinanggal ko na ang heels na suot ko at tumakbo na. Bahala ka diyan! Pipi akong nagdasal na sana makakita ako ng pwedeng mapagtaguan ngunit wala akong nakita.
“Phoebe, stop running!” Naririnig