“May problema ba, Aeverie?” Nag-aalalang tanong ni Blue nang mapansin ang kaniyang reaksyon.
What the h*ck? Aeverie cursed silently.
Hinaplos niya ang kama at inalis pa ang makapal na duvet na nakapatong.
Nagsalubong ang kaniyang kilay nang maramdaman ang mismong kama.
“Aeverie?”
She pursed her lips.
“Where’s the bathroom?” Tanong niya.
Itinuro ni Blue ang isang pinto. Tumayo siya’t iniwan ang kama para tingnan ang loob ng bathroom.
Malaki iyon at mukhang bagong linis.
She squinted her eyes. Talagang matalino si Mr. Agripino, sinusubukan siyang dayain.
Malinis ang kuwarto at banyo pero may nakaligtaan yata sila.
She smirked. Naglakad siya palapit kay Rafael.
“Let’s go to my office.” Aniya.
Tumango si Rafael at bumaling sa mga executives. Pormal itong nagpaalam at ibinilin na matutuloy ang meeting mamaya.
“I saw your face, Aeverie. What’s wrong with the bed?” Tanong ni Rafael nang makapasok sila sa opisina.
Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng opisina at napatango sa s