Halos hindi niya makilala ang babaeng nasa harap niya.
Ang babaeng nakikita niya ay malayo sa babaeng pinakasalan niya. Tatlong taon din silang nagkasama ni Avi, ngunit ito ang unang pagkakataon na nakita niyang ganito ito kaganda.
“D*mn she’s hot!”
Nagising sa pagkakatulala si Silver nang marinig ang sinabi ni Gino.
Binalingan niya ng tingin ang sekretaryo at nakita na nakatulala pa rin ito kay Avi.
“How’s Abuelo, Mr. Secretary?” Ani Avi.
Iyon ang madalas na tawag ni Avi kay Gino “Mr. Secretary”.
Nang tingnan ni Silver ang babae ay hindi man lang siya nito sinulyapan ng tingin. Tanging si Gino lamang ang gusto nitong makausap.
What the—
“A-avi?” Medyo gulat na saad ni Gino, natatawa.
“Ikaw ba ‘yan?”
Hindi pa rin makapaniwala si Gino sa kaniyang nakikita. Ang babaeng nasa kaniyang harap ay talagang napakaganda.
Malayo sa simpleng Avi na madalas niyang makita noon.
Ang Avi na nakikita niya ngayon ay sobrang ganda. She’s wearing delicate make up and sporting a