Cresenia's POV
Weeks after that incident ay hindi ko pinansin si Adrien. Hindi rin kami tabi natulog and even asked the maids na kung pwede ay ilipat ang ibang gamit ko sa guestroom. Kahit magkrus ang landas namin dito sa mansion ay hindi ko siya pinapansin. Masakit lang isipin na nagawa niya iyon. Magkausap pa kami nung gabing iyon pero hindi ko pa napansin. Ganun nalang talaga siguro ako kabulag sa kanya at hinayaan ko siya na saktan ako ng ganun.
"Ilabas niyo ang mga hindi magagamit at tignan niyo din kung may mai-donate tayo sa charity. Make sure na magkakaroon tayo ng space sa iba pang gamit."
Naglalakad ako while instructing the maids on their duties dahil nagpa-general cleaning ako sa attic. Napahinto kami sa may sala, nakita ko si Adrien na may kasama. Mukhang may bisita kami na hindi namin alam. Or should I say hindi ko alam dahil mukhang expected naman sila ni Adrien.
"Hindi ka na pumupunta sa mga family dinners natin lately, Adrien. Dapat ay pumunta ka. You already know ho