Katulad ng nakasanayan, pinapaalis muna ni Analyn ang lahat ng tao niya at saka siya aakyat sa palapag ng opisina ni Anthony. Kapag ganung oras, wala na rin ang mga staff ni Anthony doon.
Pumasok siya sa opisina ni Anthony, pero wala roon ang lalaki. Inisip ni Analyn na baka nasa meeting na naman ito. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na ikutin ang kuwarto nito para mawala ang inip niya.
Pero naikot na niya ang buong kuwarto ay hindi pa rin ito dumarating. Naisipan niyang magpunta na sa parking slot nito para makaidlip muna siya habang naghihintay. Pero wala roon ang sasakyan ng lalaki.
Umikot siya sa buong floor ng parking, nagbabaka-sakaling naiba lang ng puwesto ang sasakyan ng binata. Pero hindi niya talaga nakita ang sasakyan nito.
Saka nam