Nakaramdam ng lungkot si Edward sa naging pasya ni Analyn. Nang bigla niyang napansin ang bakas ng kalmot sa leeg nito.
“Wait. Sinaktan ka ba ni Anthony?”
Napa-isip si Analyn. Bigla niyang naalala na baka nagurlisan nung lalaki ang leeg niya kagabi habang nanlalaban siya rito.
“Hindi,” maikling sagot ni Analyn, “aalis na ko,” paalam niya sabay talikod na kay Edward. Nag-aalala siyang maungkat pa ang nangyari kagabi sa party.
Pero nagulat ang dalaga ng bigla siyang haltakin ni Edward.
“Magsabi ka ng totoo, sinaktan ka ba niya?”
“Hindi nga!” inis na sagot ni Analyn.
Bumaba mula sa treadmill si Edward at saka padaskol na hinila si Analyn. Agad namang pumalag si Analyn, pero sadyang mas malakas sa kanya ang lalaki kaya walang hirap itong natangay siya papunta sa kung saan.
“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ni Analyn habang pinipilit alisin ang brasng hawak niya mula sa kamay ni Edward.
Pumasok sila sa isang kuwarto na tila opisina. Iniupo siya ni Edward sa swivel chair na nasa liko