Mula ng araw na iyon, hindi na umuwi si i si Anthony sa bahay na ‘yon. Umuwi si Analyn sa bahay ni Anthony sa Grace Village, gusto niya talagang magpaliwanag sa lalaki. Pero hindi rin niya napagkikita roon ito.
Nagdesisyon si Analyn na magpunta sa opisina nito sa DLM. Nagtaka siya na wala si Vivian doon.
“Ilang araw ng hindi pumapasok si Assistant Vivian, Miss Analyn,” sabi ng napagtanungan na sekretarya ni Analyn.
Ilang araw ng hindi pumapasok? Parang napaka-imposible kay Vivian ang hindi pumasok at hindi niya makita si Anthony.
“Si Sir Anthony?”
“Wala po si boss.”
Natigilan si Analyn. Sandali siyang napaisip. Wala pareho si Anthony at Vivian. Ilang araw hindi umuwi si Anthony at ilang araw na ring hindi pumapasok si Vivian.
“May maitutulong ba ako sa iyo, Miss?”
Naputol ang mga iniisip ni Analyn.
“Ah, wala. I mean, sige na. Aalis na ko.”
HINDI pumasok si Analyn sa Creatives. Nagbilin lang siya kay Michelle ng mga dapat pang gawin, pagkatapos ay umuwi na uli siya sa bahay ni An