“Enough!”
Sabay na napalingon si Analyn at Vi kay Richie. Itinuro ni Richie si Analyn.
“Ikaw, Analyn. Huwag kang magparatang sa kasamahan mo. Paano mo nasabing ikaw ang gumawa nito, wala ka ngang maipakita sa akin ngayon. Bakit parang napakagaling mo kung magsalita ka? Wala ka pa namang napatunayan sa departamentong ito. I tell you, kung hindi ka magbabago, hindi ka tatagal sa departamento ko. This design department will not tolerate your bad habits!”
Buong tapang na hinarap ni Analyn si Richie.
“Boss Richie, design ko ‘yan. Ako ang gumawa. At patutunayan ko ‘yan sa ‘yo.”
Bahagyang natawa si Richie.
“Patutunayan mo? Kanino? Kapag sinabi ko sa managemen na design ni Vi ito, that's it! Design ni Vi ito, at walang kokontra dun. Sa tingin mo, hindi sila maniniwala kapag sinabi ko ‘yun?”
Mariing naikuyom ni Analyn ang malayang kamay niya. Hawak niya kasi sa isa ang laptop niyang ayaw magbukas.
So, naniniwala si boss Rich