Nagulat man si Analyn sa sinabi ni Anthony ay naisipan pa rin niyang magpasalamat sa lalaki.
“Thank you. Sir. Maraming salamat, pero kaya ko pa naman.”
Dahil mukhang desidido naman si Analyn na hindi magpatulong kay Anthony, nilingon ng binata ng assistant niya para senyasang aalis na sila roon. Kaagad namang nagpunta sa CCTV room si Analyn nang naglakad ng palayo ang dalawa.
Sa loob ng CCTV room, natuklasan ni Analyn na ang lahat ng video ngayong umaga sa kanilang departamento ay burado lahat. Nanghina siya sa nalaman. Nagsisi siya na hindi siya nagpunta agad sa CCTV room pagkatapos ng sagutan niya kay Vi at boss Richie.
Napakabilis ng mga kalaban niya. Nasira agad nila ang ebidensya na panghahawakan niya sana.
Saka lang napansin ni Analyn ang sunod-sunod na message alert mula sa telepono niya. Wala sa loob na tiningnan ni Analyn kung bakit. Doon niya nakita sa group chat ng departamento nila ang maraming mensahe ng pagbati kau Vi, kas