Pinigil ni Analyn na tumulo ang mga luha niya na kanina pa nagbabadya. Huminga siya ng malalim para paluwagin ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. Aktong lalabas na ng sasakyan si Anthony, kaya agad na nagsalita si Analyn dito.
“Ayusin na natin ang hiwalayan natin.”
Huminto si Anthony sa gagawing pagbaba. Sinagot niya si Analyn ng hindi lumilingon dito.
“Bahala ka. Kung gusto mong ihinto ang gamutan at bayad sa ospital ng Papa mo, gawin mo.”
Pagkasabi nun ay agad na lumabas na si Anthony sa sasakyan at saka pabalibag na isinara ang pintuan. Naiwan sa sasakyan si Analyn na naguguluhan.
Hindi nagtagal, sumakay sa driver’s seat si Karl.
“Nakipagpalit siya ng sasakyan. Iuwi na raw kita,” sabi ng lalaki habang pinapaandar na ang sasakyan.
“Ayokong umuwi.”
Napahinto si Karl sa pag-atras sa sasakyan. Sa halip ay nilingon niya si Analyn.
“Alam ko hindi tayo close. At sandali pa lang tayong nagkakasama. Pero sa unang pagkakataon, ngayon pa lang ako magbibigay ng pay