“Sa tingin mo, bakit nga ba?” Nauubos na ang pasensiya ni Analyn sa babae. Unang una, pinuntahan niya ito para komprontahin sa pagnanakaw nito sa disenyo niya.
“Alam mo, Analyn… wala akong panahong makipaglaro ng guessing game sa ‘yo. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”
Matamang tinitigan ni Analyn si Elle. Ganun dun ito. Direkta itong nakatingin sa mga mata ni Analyn na parang wala itong ginawang masama sa kanya.
Nalilito si Elle sa ikinikilos ni Analyn. Idagdag pa na may kasalukuyan siyang pinagdadaanan.
“Ano ba, Analyn? Nagpunta ka ba rito para pagtawanan ako?”
Humugot ng malalim na hininga si Analyn. Bakit parang pakiramdam niya ay may hindi tama sa mga