Nang bumukas na ang elevator sa lobby, natural na naunang lumabas si Anthony at ang babaeng kasama nito dahil nasa tabi lang sila ng pintuan. Nagpahuli ng lumabas si Analyn para hindi sila magkita pa ni Anthony sa labas ng elevator.
Patingin-tingin si Analyn habang naglalakad papunta sa sakayan ng taxi. Alam niyang sa car park pupunta si Anthony at ang kasama nito, pero madadaanan nila ang taxi bay kapag lumabas ang sasakyan nila mula sa car park.
Sinamang-palad lang na pagdating niya sa taxi bay ay mahaba-haba rin ang pila doon. Hindi siya mapakali habang hinihintay na makarating sa unahan ng pila. Saktong pangatlo na siya sa pila ng makita niya ang pamilyar na sasakyan ni Anthony.
Agad na lumingon sa kabilang panig si Analyn, umaasa siya na hindi sana siya makita ni Anthony sa kinatatayuan niya. Ang hindi alam ni Analyn, napansin siya ng driver ni Anthony. Pero hindi na ito nagsalita pa sa amo at hinayaan na lang siya.
Nakahinga lang si Analyn ng makalayo na ang sasakyan ni Antho