“Bakit ka nagpunta sa ospital?” tanong naman ni Analyn.
Hindi sumagot si Anthony, nakatingin lang siya kay Analyn.
“Ano ang gusto mo? Nahuli ko na kayo ng babae mo, tatayo lan ako at titingnan kayong dalawa?” dagdag pa ni Analyn.
“Kapag walang ginagawang masama, walang dapat ikatakot. Iyong mga may kasalanan lang ang tumatakbo. Saan ka nagsusuot nitong mga nakaraang araw na hindi ka umuuwi sa bahay?”
“Eto at ang ospital lang ang pinupuntahan ko,” sagot ni Analyn.
“Analyn, think clearly of the consequences before lying to me,” seryosong sagot ni Anthony.
Umirap si Analyn sa hangin. Oo nga naman. Para namang may maitatago siya sa lalaki.
“As if naman hindi mo alam. Kailangan ko pa bang i-recite sa ‘yo?”
“Nakikipagkita ka pa rin kay Edward.”
“Eh, ano naman? Hindi ba sabi ko sa ‘yo na gusto ko siya? Na gusto kong maging asawa niya. Na gusto kong patunayan sa iyo na pwedeng mangyari ‘yon?”
Ngumisi si Anthony, “hindi ikaw ang babaeng gusto ni Edward. Si Brittany.”
“Pero ikaw ang gusto n